news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6623 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1406  aldreyna

    11/26/2009 | 08:45 PM
    diba aso lang ang kumakain ng tiratira?...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1405  happyme

    11/26/2009 | 08:44 PM
    SIno nagsabi ng di affected ang ABS di nyo lang alam mga inday at dong tama ba un visaya ko!hehehe very affected sila oi from the insider!Hmmm I dont wanna share it basta!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1404  kinabog

    11/26/2009 | 08:43 PM
    Kim Chu?

    pakisabi mag workshop muna siya at baka kainin siya ng mga drama princess/starlets ng GMA sa aktingan. hihihihi

    salamat sa mga veteran actors ng TD na nagdala ng show. hihihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1403  kinabog

    11/26/2009 | 08:41 PM
    1221
    karen143

    sampal.. baka malaking tinik na nabunot!!
    ______________

    ang plastik ah...hihihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1402  kinabog

    11/26/2009 | 08:39 PM
    1209
    aldreyna
    November 26, 2009
    20:05 PM

    sampal ng ABS?..naku wala naman project yan sa ABS eh..hahaha ...marami na magagaling na artista ngayon...tapos na ang Claudine days...
    ____________________

    ugaling kapamilya, tatak kapamilya. pag laos na big star nila. tsupi na. napakinabangan na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1401  ayen88

    11/26/2009 | 08:39 PM
    ganyan talaga ang buhay, parang office worker lang yan... kung saan may magandang opportunity for work dun ka apply... di ba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1400  karen143

    11/26/2009 | 08:37 PM
    well.. shes just saying the trueness.. happy ako sau clau.. go go go.. magpa workshop ka dyan sa gma.. :p
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1399  karen143

    11/26/2009 | 08:36 PM
    weh????? :p
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1398  kinabog

    11/26/2009 | 08:35 PM
    1212
    anchortis
    November 26, 2009
    20:12 PM

    GMA is a garbage can of those decaying stars.Of course, they will always accept losers like Claudine who have had her shares of issues like playgirl, aborsyonada,addict, palamura etc..etc.and most of it were facts, ask nyo pa c mark anthony, db mark?well, saying bye2 to ABS means saying goodbye to stardom..
    ________________________

    wala daw nega sa kapamilya. eto good example.. hihihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1397  mjay18

    11/26/2009 | 08:30 PM
    ay ganun ba? sensya na si Piolo ang John Llyod lang ang kilala koh na Big stars sa DOS ehh.. my teens level pla..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1396  karen143

    11/26/2009 | 08:20 PM
    kim=28 endorsements.. say mo?

    offtopic na ako.. sory..

    tama.. di xa kawalan sa dos.. kc matagal na xang walang karir.. :P
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1395  karen143

    11/26/2009 | 08:18 PM
    malaking artisa c kim.. kita mo nmn mga comercials nya ryt?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1394  anchortis

    11/26/2009 | 08:17 PM
    well, there is a bright side of the issue, at long last, GMA now has a star thay can claim a kapuso.Whatever Claudine has become, its because of ABS. ABS can afford to lose such star as Clau bcoz it is a known fact that they have a roster of those. Stars like Angel, Bea, Anne aming others, are rejoicing of her loss, the loss of an unethical bigger actress..gets?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1393  vin28

    11/26/2009 | 08:15 PM
    love u clau gudluk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1392  angelicapril

    11/26/2009 | 08:12 PM
    ,Kimerald can be considered as BIG STARS because they have projects here and there...kabila't kanan ang projects nila..tapos may upcoming movies pa...tapos andami pa nilang commercials [just consider Kim's tvcommercials..andami]..tas malaki din fanbase nila..it can't be denied talaga that today,considering their ages,they are the most sought after and most famous teen stars :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1391  anchortis

    11/26/2009 | 08:12 PM
    GMA is a garbage can of those decaying stars.Of course, they will always accept losers like Claudine who have had her shares of issues like playgirl, aborsyonada,addict, palamura etc..etc.and most of it were facts, ask nyo pa c mark anthony, db mark?well, saying bye2 to ABS means saying goodbye to stardom..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1390  karen143

    11/26/2009 | 08:07 PM
    atleast may totoong artista na ang gma! pwedeng magpa workshop pa c claudine sa mga artista sa gma..at least.. extra income nya!! need nya kc work daw dba?? ahahahah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1389  Franz1227

    11/26/2009 | 08:07 PM
    let's see kung ano magagawa ng gma sa career mo... magagaya kaya kay jolina? lalayo akya ang agwat kay juday? tingnan natin, eto lang masasabi ko, mag gi gain ka ng fans, pero may mga mawawal rin. isa na ako dun, im not a super fan but i watch ur shows dahil nasa abs-cbn ka, ngayung wala ka na, di na kita mapapanood, di na rin ako gagastos para panoorin movies mo. di naman ako kawalan, daming new supporters jan hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1388  aldreyna

    11/26/2009 | 08:05 PM
    sampal ng ABS?..naku wala naman project yan sa ABS eh..hahaha ...marami na magagaling na artista ngayon...tapos na ang Claudine days...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1387  karen143

    11/26/2009 | 08:05 PM
    sampal.. baka malaking tinik na nabunot!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About