Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1386 angeleeaiko
1385 angeleeaiko
1384 karen143
sa paglipat nya sa gma..=dramarama sa hapon! ahahaha!
1383 ClickHere1
if angel will move back to GMA and combine her powers with marian, naku lulubog na sa utang ang dos-por-dos!
1382 aldreyna
1381 mjay18
anyway.. curious akoh sa mga projects ni Claudine sa GMA.. hehehehe.. excited..
1380 skyward
1379 KOPITA
1378 coteazur
1377 kinabog
Kim chiu?
gerald anderson?
natawa ako dun.
1376 angelicapril
1375 reynolds
1374 pusongpinoy111213
sa GMA BUSY ANG MGA TAO DUN DAMING GINAGAWA.
SA ABS CBN PETIKS MGA TAO DUN, KAYA PEDENG MAG PAHINGA.
ang abs cbn. nag hihintay na lang ng bagong concept sa ibang networks then gagayahin.
1373 poipoi0331
Kim chiu
gerald anderson
Judy ann santos
CLAUDINE BARRETO
sarah geronimoDi xa sa gma nagsimula, sa dos po
Why? Because they are big stars of dos. At nagulat talaga ako kay clau, di ko alam kung bakit niya ginawa un. Grabe, Ang reyna ng dos, umalis, grabe, nashoshock padin ako
1372 dracula258
abs cbn mahilig mag brain wash..
yakz..
i remember nung lumipat c angel sa dos poor dos..
inungkat tlga ng the buzz na c angel daw may sex videos..
helow!!! nasa gma pa c angel eh meron na nun taz ssbhin nla boy at kris na naglabasan daw ung scandal..
cla lng nman umungkat...
kaya c angel inakala na gma may gawa nun..
hahaha..
langyah..
mga kapamilya looossserrr everrrr..
ayw lng kc nla na umalis pa sa knla c angel..
toinkss..
1371 akosigotti
1370 dracula258
cnicngit nio d2 mga flop na movies..
eh ung
LOVE ME AGAIN NGA hnd man lng umabot ng 5million..
hahahha..
angel piolo na un..
hahha..
from, susan roces-claudine barreto-bayani agbayani...
cnu pa kya susunod..
A B A N G A N.....
1369 4dlynx
1368 just_fan
1367 malayKo
ONLY ANGEL ang hirap ng makabalik pa sa pinanggalingang istasyon! Bakit kaya? Not a good example ang naging way nia ng paglipat...
At sa lahat ng lumipat, xa lang talaga ang nabansagang inggrata. To name a few na nakakabalik naman 0r welcome pa rin sa pinanggalingang network
-Angelika dela Cruz
-Heart
-Camille Prats
-Jolina
-Cristine Reyes
-Jake Cuenca
-Glaiza
-Bayani
-Toni G.
-Sarah G.
-Anne C.
etc etc...
more comments