Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1366 4dlynx
goodlooks
November 26, 2009
15:23 PM
--------------------------------------------
Ito talaga ang kataka-taka: Villa Estrella kumita ng more than 40million???
Grabe napanood nyo ba yang movie na yan? Isang malaking BASURA yan... My goodness wag nyo ngang lokohin ang sarili nyo... Saan ba humuhugot ng numero ang ABS sa mga nilalabas nilang kinita ng movies nila? Nagpapauto naman kayo...
1365 22yrslumber
1364 pilibring
1363 kinabog
Sa tingin ko depende yan sa pagtanggap ng tao.
For sure bibigyan ng magandang project yan.
Pero GMA marunong mag manage ng artist nila. Syempre hindi nila papabayaan ang homegrowns nila. GMA may big stars, starlets at baguhan na visible sa TV.
Sa ABS, veteran stars, pirated stars at laos.
1362 malayKo
ONLY ANGEL ang hirap ng makabalik pa sa pinanggalingang istasyon! Bakit kaya? Not a good example ang naging way nia ng paglipat...
At sa lahat ng lumipat, xa lang talaga ang nabansagang inggrata. To name a few na nakakabalik naman 0r welcome pa rin sa pinanggalingang network
-Angelika dela Cruz
-Heart
-Camille Prats
-Jolina
-Cristine Reyes
-Jake Cuenca
-Glaiza
-Bayani
-Toni G.
-Sarah G.
-Anne C.
etc etc...
1361 josheph
1360 pilibring
1359 maks09
1358 kinabog
1357 angeleeaiko
1356 KapusongAstig
1355 KapusongAstig
KAPAMILYUCKS...whahahah
Clau, keri lang kahit sabihin nilang laos ka..kesa naman FROZEN DELIGHT...
This is where you belong...
GMA RULES...
1354 ugok
1353 ChattermanNiceGuyJp
1352 pilibring
1351 beca3677
Napagod na siguro sa pakikipaglaban against sa ganitong prinsipyo si Caludine sa kabila!!!
1350 ugok
at ang pinakamasakit na part is when ABS doest even care na pumirma xa sa Viva kaya nasaktan c dabiana...
at least wala ng kaagaw c juday sa pagiging reyna....
1349 mda03
1348 KapusongAstig
napakasakit kuya eddie...
GMA RULES...
1347 ugok
more comments