news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6608 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 2046  iza_marian7

    11/30/2009 | 01:13 PM
    Sis,
    Eat Bulaga,
    Daisy Siete,
    Kaya Kong Abutin Ang Langit,
    Tinik Sa Dibdib,
    FAMILY FEUD to be hosted by Dingdong,
    Ikaw Sana,magkakabalikan na ba sina Eliza at Michael?
    24 Oras,
    DARNA, ang book 2 at pagdating ng mga bagong villains sa katauhan nina Regine, Rochelle, Katrina, Akihiro, Jackie Rice, etc.Anong mga katauhan nila? Huling laban na nga ba ng lider ng natitirang Babaeng villains na si Linta? Matutulungan na nga ba ni Darna si Aleli? Ipagtatapat na ba ni loleng ang katotohanang anak ni Alicia si Narda? Lalaki na nga ba si Serpina?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2045  xspring

    11/30/2009 | 01:07 PM
    naku case u are hallucinating my dear... wala kang kilala sa kapamilya? bakit puro flop movies ng GMA cguro ang pinanonood mo! Teka ask ko lang bukod kay bakekang at heart na galing sa kapamilya cno nba ang naging best actress sa kapuso? Meron na bang naging box office queen na product talaga ng GMA artist? Ilang singers naba ng GMA records ang naka platinum? hahaha lokohin mo sarili mo...baliwww!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2044  nimblewits

    11/30/2009 | 01:02 PM
    She's not called the Optimum Star for nothing!
    Claudine continues to shine and remains a Queen!


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2043  Case

    11/30/2009 | 11:57 AM
    Pancn ko...parang mas maraming magaganda at magagaling na actress sa gma. At mas kilala ko cla a...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2042  Case

    11/30/2009 | 11:37 AM
    Wag ka dun claudine walang maganda,walang pagkain at wala pang ckat. Hahaha!!!pang local Lang cla d man Lang niredecognize ng ibang bansa at puro pirated pa mga artista nila.wawa naman cla...pangit pa umarte mga da who nilang artista.atleast my matatawag na clang actress nung pinirata c angel.bwahshaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2041  goodlooks

    11/30/2009 | 11:19 AM
    good luck k claudine
    hayaan na si claudine
    kung saan sya masaya dun sya
    mga kapamilya
    wag natin gayahin ang ginawa
    ng mga kapusonegro
    na sobrang panlalait at kabastusan
    k angel locsin dati
    napakarami pa namang
    magagaling at sikat
    na kapamilya star
    unlike sa gma7
    uhaw na uhaw sa mga sikat
    iilan lang ang sikat sa gma7
    kaya halos sambahin nila si clau...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2040  akobisaya

    11/30/2009 | 10:52 AM
    Go Ms. Clau..........andito parin kami!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2039  missie_LA

    11/30/2009 | 05:13 AM
    She must have been that desperate to even consider moving to GMA. I would not say that moving to GMA was a smart decision but seriously, if you were a true fan then support her no matta what.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2038  xoxogg_100

    11/30/2009 | 03:02 AM
    kayong mga nag co-comment dito na bitter picture out ko lng mga itsura nyo ha. siguro mga bakla kayo na tepong mga hi-school na walang magawa sa buhay kasi di man lang marunong mag aral. or edad nyo nasa 16 pababa na walang alam talga sa buhay na d pa talga nakaranas ng trabaho sa bahuy. kasi kung may utak talga kayo. di dapat ganyan pinasasabi nyo eh. ma22 namn tayo sa buhay2 natin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2037  xoxogg_100

    11/30/2009 | 02:51 AM
    kung hinde nyo kayang mag bigay ng good moral support kay claudine..tsaka kung wala ka talgang pakialam bat kapa napunta sa page na to in the first place. kung hinde ka fan wag kang mag basa ng article tungkol kay claudine. dapat dun ka sa idol mo dun mo dapat ilagay comments mo. respeto lng nmn sana tayo. pasko na. maging masaya tayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2036  xoxogg_100

    11/30/2009 | 02:46 AM
    Hinde laos si claudine..kung laos na bat pinag ddbatihan nyo parin..dapat wala kayo dito sa page nato kasi laos na xa.. bat nag aksaya pa kayo mag comment. bitter talga kayo eh.. di na lng kayo maging masaya kay clau atleast may trabaho na xa.. pamelyado yong tao.. si reymart wala masyado work. sana nakakaintindi nmn kayo. hinde na bata si claudine para hinde mag desisyon kung ano gusto nya. amin nyo man may nararamdaman kayo kay claudine na kunting pagmamahal.. kasi kung wala bat pa kayo nag comment..kahit pa panglalait yan pero pinapansin nyo pa rin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2035  marlowemarlowe

    11/30/2009 | 01:29 AM
    ok lng na lumipat Clau sa siete... Hopefully Channel 7 will give her great projects...

    godbless and more power miss clau...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2034  hearthyjhoe27

    11/30/2009 | 12:06 AM
    1807

    totoo ba lahat toh??? kasi E! News isa smga pinakasikat n showbiz channel s US. Cnbi ng E! news un??? dingdong 3rd's sexiest man alive??? iza npnuod q un echo ng hollywood ksma nga xa, at s emmys dn nga ata xa nanominate nun, pro d nla gnwang big deal. my tanung pa q last n tanung.

    si LEA SALONGA ba galing sa syete dti p??? sna msagot nyo. bka dpa kc aq buhay nun eh. ndi rn aq mkpniwala s cnbi mo 1807, LEA SALONGA tga syete pla xa. sagutin nyo, info pls?? slamat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2033  hearthyjhoe27

    11/29/2009 | 11:58 PM
    kangusow at chu-pamilya. AMPALAYA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2032  jevin2

    11/29/2009 | 09:25 PM
    history ang mga boss ng abs nag nobody nobody sa ad congress ahaah tawa ng tawa cguro si lola wilma it seems that executive of abs desperate to attract the advertizer according sa column ni ricky lou wahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2031  germnkpmlya

    11/29/2009 | 08:39 PM
    ..but like any other people who loved you for 17 years,I'll be happy for you. Only I won't be seeing you anymore. To Kapusos, I know you will take good care of her, please do. And to my dear Clau, goodbye,goodluck and God bless!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2030  germnkpmlya

    11/29/2009 | 08:36 PM
    Oh my God, this Kapuso versus Kapamilya teams is really getting worse, to the point people are reacting already not like humans. I won't be denying that I'm a Kapamilya fan, of their talents, projects and caliber. But I'm also a very objective person and learned enough, in school and life, how to analyze and perceive things. It's really sad to lose a very good and kind-hearted actress like Claudine,who only have good words about her mother network for 17 years,she practically grew up there. But if this big step will make her happy and able to answer all her anxieties,demands and questions in life then I'll also be happy for her.
    Sabi nila quot;Claudine could not have been the Claudine right now if she had started and grew up in GMA,she is Claudine now because she was trained in ABSquot;, somehow it's a fact, but I think growing won't stop there. I wish she will learn a lot more in her new home. With her husband would perhaps be more interesting. I will miss watching you in TFC, but like any other peopl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2029  billboard_01

    11/29/2009 | 08:31 PM
    Please respect Claudine's decision ska I think d cya Laos marami pang cyang mga oportunidad as actress
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2028  ak1nna

    11/29/2009 | 05:53 PM
    1826

    ang alam ko pag ang isang artistang laos hindi na napapanood sa tv
    si clau ang dami nya kayang commercial saka ang artistang laos hindi na napag uusapan pa
    tingnan nyo yung laos na talaga wala masyado comment hahaha minsan 10 lang na comment 5 minsan wala haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2027  dubai2009

    11/29/2009 | 05:35 PM
    ang totoo nyan laos na si Claudine... kaya kelangan nyang mag siguro na may makukuha pa syang work.. aminin natin di na sya sikat at marami na syang ka-kumpetensya sa ABS kaya need nyang lumipat sa lugar na wala pa masyadong kumpetensya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About