news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6624 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1326  robbiethompson

    11/26/2009 | 05:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1325  kinabog

    11/26/2009 | 05:24 PM
    lalo nanikip ang mga dibdib ng mga die hard fan kapamilya dito. hihihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1324  penshoppe

    11/26/2009 | 05:17 PM
    YUP!

    I think di naman affected ang DOS. Ang dami na nilang nagawang dekalibreng artista na tulad ni Claudine. These are fresher and younger women.
    So wag lang masasaktan ang mga fans ni Claud, pero mas malakas tlga ang hatak ng mga mas bata, mas mahusay at mas magagandang artista.

    Saka napakarami nang talents ng Star Magic, diyos ko. Frankly speaking, hindi sya kawalan dun. Lets just hope na hindi sya lumubog sa syete at magtagal sya dun gaya ng stay nya sa Star Magic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1323  kapusothebestno1

    11/26/2009 | 05:14 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1322  DUBAIEYE

    11/26/2009 | 05:13 PM
    apologies accepted!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1321  paolo_7

    11/26/2009 | 05:13 PM
    nice move!!!
    goodluck sa bgong mong network!!!
    welcome!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1320  satotoolangpastarka

    11/26/2009 | 05:11 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1319  DUBAIEYE

    11/26/2009 | 05:10 PM
    1137
    kapusothebest
    no1
    November 26, 2009
    17:00 PM


    YAN pinatunayan mo lng tlga n bastos at wala kng modo!!! Pinintasan b kita?
    Paxenxa kn kundi di n abot ng kaisipan mo ang ibig kong sabihin n nkatakip ng balat ng kabayo ang mata mo...ibig kong sabihin para maintindihan mo, tanong lng nkpag-aral kb? eh d k tumitingin sa mas progresibong ideas ng iba para mlman mo dn un mga bagay n d mo alam.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1318  satotoolangpastarka

    11/26/2009 | 05:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1317  kapusothebestno1

    11/26/2009 | 05:08 PM
    dubAYE sori kung nakasabi akong mukhang jbyo mukha mo sori huh nagbi2ro lang ako.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1316  satotoolangpastarka

    11/26/2009 | 05:08 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1315  blas0530

    11/26/2009 | 05:07 PM
    Kapamilya, dont worry po, Claudine is still under STAR MAGIC and Manager parin ata niya si Mr. M, so wag kayong ma bother, alam niyo ba na kaya hindi nag iingay ang ABS-CBN dahil kung mas mag iingay sila mas lalong sisikat si Claudine, strategy yan,, hindi rin nila sisirain kasi sa kanila parin yan... yun lang po opiniyon ko, good luck sa pag lipat niya, hope maging ok naman siya dun at mainspire niya yung mga artista dun... Healthy competition...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1314  kapusothebestno1

    11/26/2009 | 05:06 PM
    dubayi joke lang ung sa akin huh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1313  satotoolangpastarka

    11/26/2009 | 05:05 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1312  idontknowmuch

    11/26/2009 | 05:04 PM
    1140
    satotoolangpa
    starka

    kasi nga PINIRATA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1311  satotoolangpastarka

    11/26/2009 | 05:03 PM
    pero ng si angel ang lumipat.
    NANGGAGALAITI ANG SYETE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1310  DUBAIEYE

    11/26/2009 | 05:02 PM
    Love ko yn c CLAUDINE ever since, kya watever decision she made eh ok lng kc xa nman un fave ko at d un network, i don't care s network war n yn eh ang usapan d2 eh un pagbabayad mo ng electricity n nconsumed mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1309  satotoolangpastarka

    11/26/2009 | 05:00 PM
    DEDMA ang dos.
    means WALA SILANG PAKIALAM!
    hahaha.
    para sa kanila HINDI NA BALI LUMIPAT SI CLAUDINE WAG LANG SI JUDAY!
    hahaha.
    kawawang claudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1308  kapusothebestno1

    11/26/2009 | 05:00 PM
    dubaeiye mukha ksing kbyo mukha mo hahahha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1307  sudadr

    11/26/2009 | 04:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About