Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1306 sudadr
1305 phyllsam
1304 DUBAIEYE
kapusothebest
no1
November 26, 2009
16:50 PM
Nasabi mo lng yn kc nktkip ng balat ng kabayo ang mga mata mo!
1303 aniston
I was not at all offended by what you said. I'm not a fan of Marian to begin with, but I'm a kapuso. But just like what I said, I'm just being objective. Acting-wise, Marian can go head to head with Claudine. What's your problem with that?
1302 amang
1301 winnerme
1300 musheegal
we love you Clau!!!!!
1299 kapusothebestno1
1298 ericksonmanuel
1297 winnerme
1296 DUBAIEYE
1295 kapusothebestno1
1294 kapusothebestno1
1293 musheegal
1292 superflyxoom
eva4you
November 26, 2009
16:26 PM
=======
eva4you i think misunderstanding lang ang nabasa mo. kapuso ako. nagrepost ako ng isang kapamilya dito na may masama na sinasabi tungkol sa mga ewan. sabi daw nya na hindi nilalait ng mga kapamilya ang paglipat ni claudine. tapos sinabi nya na linait daw ng mga kapuso si angel.
ang sinabi ko sa post ko na hindi totoo ang sinasabi nya kasi mga kapamilya nilalait din si claudine. misunderstanding lang!
1291 DUBAIEYE
1290 zama_jap
1289 kapusothebestno1
1288 DUBAIEYE
aniston
November 26, 2009
16:19 PM DUBAIEYE
In all fairness, I think Marian can go head to head with Claudine when it comes to acting. Marian just need a workshop on her voice and intonation. But acting-wise she's good to go.
Iam not against Marian nmn, im jst stating the facts, ne0n kung medyo nsktan k s nsbi ko eh...bat d k nlng look sa other side at ask urself kung tama b un sinabi mo above...minsan kc mging realistic dn tau at open s ibang ideas pra mas mging effective eh mga ginagawa ntin.
1287 eva4you
ABS-CBN exchanged DIAMOND for SILVER..
Claudine - DIAMOND
Angel Locsin - SILVER
more comments