Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1286 aniston
I think for the same reason, they are neglected by their home studio network. So they will just have to choose between MERON o WALA [meron project o wala]. It's that easy.
1285 drake13
1284 musheegal
1283 DUBAIEYE
kapusothebest
no1
Mas pinagkakitaan ng network c Angel kesa sa kinita nya, however un LOYALTY eh para lng iyan sa mga beloved family members ntin un. Pero sa isang CO. wag talo k dun, dhil sa laht-laht ng magandang bagay n ngawa o mggwa mo pa eh in 1 mistake n mcommit mo burado un lahat...tingin nyo b pagloyal k s co. bibigyan k ng magandang opportunities? db hindi rin kpag me nkita cla n more promising eh itsapwera ka rin. ang masama p alang mga benefits n mkukuha, ganoon lng un WAG MAXADO icapitalized un LOYALTY-LOYALTY N YAN.
1282 eva4you
hay naku wag mong ikumpara ang paglipat ni claudine at angel.. si angel kc SINUNGALING pasabisabi pa sa GMA executives na HINDI AKO LILIPAT SAAN NYO NARINIG YAN? un pala after how many days nag sign na ng contract! she is burned bridges to the GMA.. unlike si claudine very professional no comment lang sya kasi tumatanaw sya ng utang na loob sa ABS-CBN na syang nagpasikat sa kanya. UN YUN!
1281 kapusothebestno1
1280 pinksheep
1279 aniston
In all fairness, I think Marian can go head to head with Claudine when it comes to acting. Marian just need a workshop on her voice and intonation. But acting-wise she's good to go.
1278 shel09
1277 manilaphils
Ang paglipat ni maricel soriano kung lilipat man sa GMA 7.
Kasi pwede sila magsama ni Marian kasi si Marian kayang sumabay sa comedy at drama.
Yun ang advantage ni Marian, pwede syang Maricel Soriano in the future because she can do comedy and drama.
Well for Claudine, hmmm ang aabangan ko kung lilipat si Juday magsama sila hehe
1276 shel09
movie
dong-claud
tv series
m.anthony-claudine
for sure its a big bang!
1275 manilaphils
I think the real issue in ABS is how they will give importance to senior stars na sa analysis ko hindi na naramdaman ni Claudine.
So alfie was right na ABS is now banking on younger generations then maglagay ng mga veteran stars as support then meron na silang teleserye.
Then ung mga senior stars like Maricel, claudine, even si Juday wala lang.
1274 shel09
1273 kapusothebestno1
1272 shel09
1271 superflyxoom
goodlooks
November 26, 2009
15:44 PM mga kapusonegro
sana balikan nyo yung mga comment nyo
dati k angel locsin
para makita nyo kung gaano kayo kabastos,
walang modo at asal iskwater
ang point ko...
kami mga kapamilya
hindi namin gagawin yan k claudine
khit lumipat sya ng biglaan
wala kang mababasa ditong comment
from kapamilya na below the belt...
======
talaga lang ha?
1098
tsismosang_ma
husay
November 26, 2009
15:59 PM Wala na... laos na itong babaeng ito.. goodluck na lang sayo claudine... kung tutuusin isa ka sa naging haligi ng abscbn.. now i doubt kung magkakaroon ka pa ng quality shows at movies... ayan has been ka na din... i think for clau to do such a move eh may malalim tong pinaghuhugutan .. sana lang hindi ito dahil sa wala syang proj kasi mababaw.. pano sya bibigyan ng project eh ang dating marina size dugong na.. hehehehehe
1270 foofieboo
dapat on your own ka...kasi kung makonsensiya ka, hindi ibang tao ang madidisturb kundi ikaw rin ang susufer...
feel ko wala pa ring peace of mind c angel ngayon... magpapasko na naman, kahit pagbati nalang sa mga bosses ng GMA7 ang gagawin niya...
1269 weaponx
1268 tsismosang_mahusay
1267 kapusothebestno1
more comments