news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6796 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1246  DUBAIEYE

    11/26/2009 | 03:39 PM
    Hindi lahat ng pinasisikat ay sumisikat, luk Angelica Dela Cruz, fave ko rn 2 dmi ng teleserye sa gma b4 xa n nga un reyna ng GMA nun eh, me recording at movies p pero d xa ganun sumikat. Pero c Claudine at Juday at maging c Angel Locsin kahit san network mo ilipat yan sisikat pa rin mga yan. khit p sa recording eh papatulan p rin ng mga tao yn khit d cla mga singer. Yan ang tunay n SIKAT.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1245  Starlight009

    11/26/2009 | 03:37 PM
    IM so Happy for your right descission. GMA can definitely give you more and better projects...Goodluck Clauds
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1244  idontknowmuch

    11/26/2009 | 03:37 PM
    1069
    goodlooks

    bakit alam mo bang ang mga kaganapan sa likod ng paglipat ni angel noon?

    kawawang nilalang. mukhang kabaliktaran ka yata. you look and feel so bad kaya ginawa mong good ang iyong un!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1243  goodlooks

    11/26/2009 | 03:36 PM
    basahin nyo lahat ng comment
    nyo mga kapusonegro
    sinasabi nyo na no.1 ang gma7
    i just showed proof
    kung tunay na no.1 ang gma7?????
    i just answered back...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1242  hiramukha

    11/26/2009 | 03:35 PM
    in claudine's case, I think ABS gave her all the best, and she owes her popolarity ti the network...para bang ang paglipat niya ay hindi niya pinagisipan cuz she said na it happens very quick....anyways may be its GMA's time to have a real actress with them, and hopefully they'll showcase a better claudine this time...the question is, can they do that? even if claudine is super talented, but the production itself is weak claudine's performance will surely suffer...Claudine's performance with ABS was overwhelming and i hope that GMA can do that to claudine as well...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1241  aniston

    11/26/2009 | 03:35 PM
    goodlooks
    I'm a kapuso but i'm objective. Those movies you mentioned flopped [if they really flopped] for a reason. The story and direction of those movies sucked big time! People go for movies not just because of the stars in it but more because of the story and the direction, I'm sure you know this.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1240  manilaphils

    11/26/2009 | 03:34 PM
    goodlooks

    For your info ang GROSS ng movie na pinangalandakan mo ay galing sa MOJO's na NEVER ginamit na basehan ng mga writers / columnists as official site for movies. Gauge lang yan pero hindi accurate kasi malay mo baka napadded din ng SC yan.

    Example praise release ng LMA in 2 weeks ay 70M pero natapos 60M plus lang in 4 to 5 weeks. And I Love You So praise release 90M pero sa Mojo's 53M plus lang. Eh baka padded pa.

    ANONG NETWORK ANG CERTIFIED NO.1 DAHIL MAY VALIDATION?

    2009 3rd qtr =net income==
    GMA - 2.149 billion
    ABS - 1.4 Billion

    Kaya tama ang desisyon ni Claudine na mapabilang sa tunay na No. 1. hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1239  princesskc

    11/26/2009 | 03:34 PM
    Isa lang ang hindi ko gusto na teleserye ni Claudine...pero since ng start siya sa Ang TV at teleserye galing galing niya...

    si claudine at juday talagaa ang original primetime queen of DRAMA... galing nilang dalawa....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1238  drake13

    11/26/2009 | 03:34 PM
    kaya siguro lumipat si Claudine sa GMA kasi yung commercial nyang Real Sarap, parang di nya ma-take. Hindi kasi real.
    Kaya ayaw na nya sa station ng mga Magic Sarap. Puro magic lang alam. All fake!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1237  goodlooks

    11/26/2009 | 03:34 PM
    good luck k claudine
    mga kapamilya...
    wag natin gayahin ang panlalait
    at kabastusan ng mga kapusonegro
    k angel locsin nung lumipat sya
    grabe dati to the highest level ang kabastusan at mga below the belt comment
    ng mga kapusonegro
    kung magcomment akala mo
    napakabait at perfect
    si LORD na lang bahala sa inyo...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1236  drake13

    11/26/2009 | 03:32 PM
    May isa dyang sumisingit. LOL!
    Out of topic, pansinin nyo naman.
    Di nya ma-take na puro pabor sa Kapuso Network ang topic na to kaya dinudungisan nya. Hahay...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1235  idontknowmuch

    11/26/2009 | 03:31 PM
    GMA = Real

    ABS = Magic fake

    kaya tayong mga kapuso ay realista!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1234  msTrue

    11/26/2009 | 03:31 PM
    siguro masaya din si jinky pacquiao
    kay claudine kasi pareho na silang kapuso na magkumare......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1233  bigbother

    11/26/2009 | 03:30 PM
    goodlooks, ang argument mo paikot2x ha. ang sagwa mo ha. kakahiya ka sa magagaling na debaters ng team kapamilya ha.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1232  idontknowmuch

    11/26/2009 | 03:29 PM
    1058
    goodlooks

    sure ka ba diyan?

    sa pananalita mo pa lang halatang mayabang ka at matapobre pa.

    buti di ka nabiktima ni ondoy at pepeng.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1231  goodlooks

    11/26/2009 | 03:29 PM
    Akala ko ba sikat si marian at dennis
    yung movie nila Tarot is FLOP
    18 million LANG ang kinita
    nasaan na ang marami nilang fans DAW????
    yung Love on Line ni vic sotto
    FLOP din,akala ko ba madaming fans ang eat bulaga.asan na sila????
    ito na ang super FLOP movie of all time
    Nandito Ako...Nagmamahal Sa'Yo nina kapusong aljur at kris
    3.5 million LANG ang kinita
    yan ba ang tunay na sikat????
    yan ba ang tunay na no.1????
    kaya hindi tinuloy ang movie ni marian
    na Nieves for MMFF
    kasi super lugi na si mother lily...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1230  bigbother

    11/26/2009 | 03:25 PM
    mstrue. totoo ba yang chismis na si angel si kokey? hahahaha. grabe ha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1229  drake13

    11/26/2009 | 03:25 PM
    Mas masarap talaga pag REAL.
    Dito na nga sya sa Real...GMA!!
    Kasi ung chew is fake.

    Sa GMA, si Claudine ay PANATAG!
    Parang commercials nya lang. LOL!

    Sana behave sya sa GMA kasi may mga nakaaway raw to sa chew. Ewan ko lang kung totoo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1228  manilaphils

    11/26/2009 | 03:25 PM
    steelwings

    I agree with you. So tama pa rin pala si Alfie na sinabi ng mga kapamilya na wlang credibility raw hehehehe.

    sabi kasi ni Alfie pag lisan ni Angel sa kapuso, GMA found bigger star sa katauhan ni Marian Rivera.

    Tama ka star builder ang GMA, they can create a star from nowhere.

    Kasi considering na 16 years na ang Star Magic eh wala namang 16 talents nila ang masasabing magagaling dahil ang iba galing sa ibang network.

    well for Claudine's case, she is a big star of ABS, so it's definitely a big issue.

    Loyal nga si Claudine dahil ilang years siya namalagi at nag akyat ng pera sa ABS pero ngayon pinabayaan na dahil may asawa na.

    Sa U.S the more na tumanda ang isang artista, pinahalagahan at nirerespeto. Sa PInas dinedeadma.

    Bigyan nalang ng parangal pag patay na. Ano ba yan hehehe

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1227  myrnav

    11/26/2009 | 03:24 PM
    ABS CBN is not giving value to those stars who have had shining moments with them once.

    Inggit na inggit to all those stars making good in GMA 7 so they will move heaven and earth to pull them to their station...then forget na if tapos na the glory.

    I just don't know why patay na patay sila kay Kris when some people just don't really like her. Siguro they are thinking ahead that Noynoy will win and ayos na ang buto buto nila.


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About