news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6562 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1146  Aldrich18ofUSA

    11/26/2009 | 02:02 PM
    yeah, hahaha.... talaga pati anak ni Ruffa nahumaling na rin kay DARNA??? lol, may tsismis pa nga na pati si Santino sa MBP ay DARNA na rin ang pinapanood at si Ding! lol


    2010 will hopefully a BIG BLAST for GMA 7!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1145  ladygossip

    11/26/2009 | 02:01 PM
    at last,ngkaroon din ng artista ang gma na hindi baduy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1144  susanna

    11/26/2009 | 02:00 PM
    level up

    Hindi sila lilipat kasi walang work sa abs.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1143  Aldrich18ofUSA

    11/26/2009 | 01:58 PM
    TOTOO ba yan na LILIPAT na rin ang DIAMOND STAR sa GMA 7??? WOW... After Susan Roces, Christopher de Leon at Carlo... pati si Maricel lilipat na dw sa GMA???? Sana, i want na magkasama sila ni Kuya Dick at Eugene!!! Si Eugene ang kontrabida!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1142  kapuso_believer

    11/26/2009 | 01:58 PM
    I hope mabasa ni ms anabelle rama to,,

    para maisip nya n hndi lng c Richard ang big star sa GMA!

    oh, how I hate her! hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1141  kapuso_believer

    11/26/2009 | 01:56 PM
    daming comments.. 5 comments submitted per second yata to ah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1140  msTrue

    11/26/2009 | 01:55 PM
    kahit anak ni rufa g db darna ang pinapanuood kaya nung bday party ng lola nila ayun naka darna costume pa......

    gma rules!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1139  kapuso_believer

    11/26/2009 | 01:54 PM
    archeryrich

    yah, c direk louie din parang lagi ng pumapalya, ung mgagandang portion s SOP pinagtatanggal nya. buti nlng di nya inaalis ang La Diva ska c Kyla and Jay-R kc un lng gusto ko s SOP.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1138  susanna

    11/26/2009 | 01:54 PM
    jazzwaz

    sympre ganyan lang talaga ang buhay..... kaya sa inyong mga kapams sorry na lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1137  msTrue

    11/26/2009 | 01:54 PM
    sana ibalik din ang that entertainment pagkatapos ng starstruck 5
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1136  manilaphils

    11/26/2009 | 01:53 PM
    Aldrich18ofUS
    A

    Ah mga anak pala ni Claudine nanonood ng Darna.

    Sabagay si Santino rin ata sa Darna nanonood hehehe

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1135  kapuso_believer

    11/26/2009 | 01:53 PM
    archeryrich

    oo nga, Extra Challenge is far better than Pinoy records, ska sana gawin n ring show ung Biyaheng Totoo kc segment lng sya sa mga news programs.

    basta wag lng alisin ang I-Witness kc mganda tlga yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1134  msTrue

    11/26/2009 | 01:52 PM
    yes sana ibalik ang extra challenge at pinoy meets worl pati na din sana yung 30 days at mga kili tv nila..........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1133  susanna

    11/26/2009 | 01:50 PM
    jedraz

    talagang ganyan...... bitter ka lang..... Kapuso rules!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1132  archeryrich

    11/26/2009 | 01:48 PM
    1017
    kapuso_believ
    er

    Wala na siguro akong mahihiling pa kung 'pagbabakasyonin' nila si Direk Louie sa SOP,at ibigay sa mas bata na Diretor yung show,tapos palitan nila choreographers ng SOP at stylists.


    Tapos balik nila yung Pinoy Meets World at Extra Challenge....Hello!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1131  mingyi315

    11/26/2009 | 01:48 PM
    hahahahha sabi ko na nga ba na lilipat talaga ito pag walang work.....
    noon pa kasi nagparamdam na wala ng work pero ang binigyan ng pansin ng dos ay yung iba.....
    ganyan din siguro ang gagawin ng iba
    magparamdam na kunyari aalis tapos pag may project na saka na sasabihin na di po totoo yon.....
    hahhahaah shobiz talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1130  jazzywags

    11/26/2009 | 01:48 PM
    ok guys good bye. hindi na ako interesado sa issue na to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1129  Aldrich18ofUSA

    11/26/2009 | 01:47 PM
    Ngayun, INIS na INIS na ang mga Kapamilya sa dating QUEEN nila.... Yung soap na uumpisahan na sana with Greta, na SHELVE na!!!!

    At planong pagsasama nina CLaudine, Raymart, Mark Dingdong, at Marian..... pinaplantsa na nga ba???? I cant wait to see her with KAPUSO stars
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1128  Aldrich18ofUSA

    11/26/2009 | 01:45 PM
    tong mga Kapamilya, napaka OA! Tatanungin ba naman kung bakit gsto dw ng mga Kapuso ngayon si Claudine? duh.... nalimutan nyu na ba nung laitin nyu si Angel noon dhil Kapuso pa sya pero nung LUMIPAT... aba, mabilis pa sa alas kuatro ang pagkampi nyu sa knya... ngayon, it's time naman for KAPUSO! at napapabalota ngayon, na MAY SUSUNOD pa kay Claudine??????? Sino kaya,? ABANGAN this December!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1127  kapuso_believer

    11/26/2009 | 01:45 PM
    I think for us, mga Kapuso, more than anything..we'r loyal to the netWork and not to its artists. Magaling lng tlga c mR gOzon. he's d one hu made GMA7 d no.1 station in the land.

    nung dati pero nya i-assume ung post as Chairman/Pres ng Siyete, he said in an interview dat d only dream and mission he has is for GMA to become no.1 and natupad yun.

    my congrats goes to d GMA people.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About