Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
2026 tsunna
lipat na ang mga artista sa dos..wala na laos na laos na ang dos..alam na kasi ni clau na laos na ang dos kaya lumipat na sya..ayaw nya mapanis ang pag ka artista nya dun heheheh..
c locsss haiist sising sisi .mukhang pera kasi gaba sa kanya..laos naman sya dun hnd ko man lang narinig ang name nya sa labas kundi d2 lang sa mga site ng internet,,
2025 msTrue
2024 bungabonnga
ano ba naman yang mga yan? bakit siya lumipat sa 7? ang dami dami nang tao doon. kaya pala nag loyalty check ang mga lopezes. hay naku, ang mga taga 7 papunta ng dos. naku lagot si anghi locsin. ang daming maling balita about her sa emmy's, puro kasinungalingan ang pinagsusulat ng mga manunulat na bayaran ni baekcy aguila
2023 bungabonnga
2022 Shupfaey
Prior to her transfer, I saw Ms. Claudine shine as an actress in ABS and I highly believe that the people will see her acting prowess more in ABS than in GMA..As much as possible, I don't want to compare but just to let you know my personal opinions, I will. Look at Angel Locsin, before she moved to ABS, I really did not see her potential as an actress eh. Parang she's just an actress who has a sexy body, an angelic face, and then that's it..But when I saw her stint in MMK, I was like, quot;who would've thought that there was SOOOOO much qualities of an elite actress she has!quot;.
Anyway, moving back to Ms. Claudine, I just hope GMA would give her the BEST and by BEST, I mean THE BEST projects for her. Because I believe a lot of people would agree na every single thing that she did to make her stand out among the actresses of this generation would eventually go to waste
2021 princesskc
best actress and box office queen....yong iba wala, yabang lang ang dating.....yong iba sikat daw sa pero noong lumipat flop ang first movie...Im sure ang mga kapuso at kapamilya will support you....
2020 ak1nna
GO KAPUSOOOOOOOOOOOOOOO!!!!
2019 Case
2018 Case
2017 kinabog
hilippineTVSt
ation
kami nagfeeling na award winning? Baka gusto mo mag search sa google ng sampalin ka ng search engine site na yan kung ilang awards ang nakuha ng GMA local and abroad.
sariling kababayan hindi recognized and GMA or ikaw lang ang ayaw mag recognize sa galing ng GMA?
Pinahalagahan si Claudine kaya ganon ang pag welcome. Ginawa syang walang kwenta ng ABSCBN mo.
Alalay si Iza ni Claudine? E ano naman? Naguumpisa sya sa showbiz and establishing her name. Whats wrong with that? Actress na sya at recognized ang talent. Mas visible pa sya ngayon kay Claudine.
May totoo ng marunong umarte? - isang malaking ilusyon dala ng hindi mo matanggap na talo na ang pinagmamalaki mong network. Matakot ka rin sa TV5 dahil Manny Pangilinan na may hawak nyan. In the near future hindi possible na mag number 3 nalang ang nabubulok mong istasyon. hihihihihihi
2016 puckerlips143
goodluck clau suportahan parin kita sa movie baka hindi sa tv kc ala akong gma pinoytv make sure na maipalabas din abroad mga movies mo na gagawin para mapanood ka namin.
2015 Case
MgA na achieve ninu bago mgmayabang ah. I mean hnd ung pang local Lang na achievement.bwahshahaha!! I love gma. Andami pala napackat ng gma,,d2 na Lang ako sa mga winners kc proud to be kapuso. Nakakahiyang maging kapamilya,laging talo. Wala pa kng kilala dun pero ckat daw cla...wala tlaga akong kilala dun. Mga starlets ...na feeling ckat.bwahshahaha!!!
2014 BRENDAN37
2013 Case
2012 ABSCBNThe1stPhilippineTVStation
what's the use of having those accomplishments, kung sariling mga kababayan, di kayo narerecognize.
at kung walang kwenta si Clau sa inyo, bakit si Mr. Gozon, Mr. Duavit at Ms. Welma pa mismo ang sumalubong sa kanya.
in fact ang ipinagmamalaki nyong si Iza Calzado ay extra lang dati ni Claudine sa pelikula nyang Milan.
go Claudine, at least may totoo ng marunong umarte sa kapuso, kaso baka gawin ka rin nilang REMAKE STARlet!
2011 Case
2010 Case
2009 ak1nna
tama tutoo yun
2008 steelwings
unang nakilala sa international scene si Leah Salonga na dating nasa GMA7. Pero mas nakilala si Regine Velasquez at kilala bilang Asias Songbird. Na nominate na rin si Iza Calzado s US dti for best actres at nakasama pa sya sa Hollywood film na The Echo.
Hnd pa yan, nakatanggap si Dingdong ng recognition sa E! News ng US bilang 3rd sexiest men alive.
Ang ABSCBN ngun lng nkaranas ng ganitong recogntn pero OA na sila at nagsimulang magmindcondtn ng tao! Aba aba! MAS NAUNA NA ANG GMA7 sa mga internatnl recognitn. Npkaraming awrds ng GMA7 ESPECIALY SA NEWS AND PUBLC AFFAIRS!
Mga kapams, nagccmula nnmn b kyo magmindcondtn dhl LANG sa pagkaka nominate ni Angel sa Emmys? Kaya kyo loser kasi myaman kyo sa panlilinlang ng tao! To think that Angel is a homegrwn talent ng GMA7!
2007 naitsirhc
more comments