news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6550 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1106  archeryrich

    11/26/2009 | 01:34 PM
    Hindi kasi nga,kahit hindi ganon kalaki TF nina Kim,nagrerate ang shows nila,kaya pasok ang pera.

    May tanong ako,naalala niyo ba yung ratings ng show nila ni Gabby dati sa ABS CBN,hindi ko napanuod yun eh. Yung mga adik sa ratings dito,mataas ba o kinulelat ng GMA shows?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1105  kapuso_believer

    11/26/2009 | 01:33 PM
    kim chiu is just lyk sandara park. exactly d same.

    kht kapuso ako, mas gusto ko nman c sarah kay kim.

    we want a claudine-mark anthony starrer! in a film maybe.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1104  Case

    11/26/2009 | 01:33 PM
    Hello archeryrich
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1103  skychiong

    11/26/2009 | 01:32 PM
    kapamilya ako pero ok lang sakin na lumipat si claudine...good luck clau....mahal ka pa rin namin kahit na wala ka na sa ABS-CBN.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1102  iza_marian7

    11/26/2009 | 01:31 PM
    Ang problema kasi sa dos mahilig mag-pirate kaya frozen delight na mga loyal talents nila, o kaya naman bongga sa tagal na shelve ng soap. Masyadong nagtitipid kasi ang dos kaya sa mga new at mas murang tf nalang sila focus like sina kim at kc na masyadong amateur umarte. Si Claudine, 17 years na loyal yan, no contract still umabot ng ganyan katagal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1101  archeryrich

    11/26/2009 | 01:31 PM
    986
    kapuso_believ
    er

    AY,ako napanuod ko din kanina si Jessica. Nakakaloka talaga. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa Massacre na yan.

    kaya nga nakikipagchikahan ako dito eh...haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1100  idontknowmuch

    11/26/2009 | 01:30 PM
    966
    msTrue

    buti nga si angel binigyan ng projects.

    eh si arnel ignacio ni isang project wala basta binigyan lang ng 1 year contract for 12M para lang umalis sa gma dahil malaking threat sa abs yung dating GoBingo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1099  kapuso_believer

    11/26/2009 | 01:30 PM
    maricel soriano? wil transfer to 7? no thanks.

    mas gusto ko c jean garcia at eula valdez lang sa GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1098  msTrue

    11/26/2009 | 01:30 PM
    kapuso believer

    yes true yan pinakita sa breaking news kani kanina lang............


    ----------------------------

    winner me

    lumipat na kasi kaya sinasabi nyo yan
    pero nung kapamilya pa sya iba kayo...
    balimbing...........

    well paki enumerate nga ang magagaling na baguhang actress ng abs???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1097  jasonsight

    11/26/2009 | 01:29 PM
    The problem is... CLAUDINE after giving birth ABS hasnt given her a film.... very unjustified because she is the only actress in the Philippines na walang FLOP... Her move was great... She is confident because she deserve more than those stars who hasnt proven anything... Iba ang loyal fans ni CLAUDINE... hindi sila maiingay pero these are fans who really spends when she has movies... kasi alam nila na magagnda films niya... Tell me nga anung film niya ang flop...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1096  malu0219

    11/26/2009 | 01:29 PM
    base s mga nbasa kong comment, masayang msaya ang mga kapuso s paglipat n claudine, at win n daw ang GMA s 2010 etc, so it only shows n ang ngpapaangat lng nmn tlga s GMA through the years ayang ang paglipat ng mga taga 2 s 7 right? hehe aminin man o hindi, kung d lumipat cla tvj, mel tianco etc d mgbboost ang career ng GMA, at sinundan p nila jolina etc, ngaun c claudine, so excited kau s pagtangkilik hindi s GMA artist kundi s mga ABS CBN artists lng din wahahahahahahahah nkakatawa kau s totoo lng, nabuhayan ang station niyo dhil n rin s tulong ng mga ABS CBN Stars tsk, tsk, tsk....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1095  archeryrich

    11/26/2009 | 01:28 PM
    986
    00chloe004

    Tama,kasi wala akong trip na palabas na pangPrimetime ng GMA ngayon,so baka kapag ganun eh manunuod na ulit ako.laughs.

    Naku,pagbigyan niyo naman kami GMA hindi puro remake inaatupag niyo. Hello GMA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1094  pinoypower99

    11/26/2009 | 01:28 PM
    exciting talaga ang philippine tv. buti nalang tinapatan ng gma7 ang dos.

    salamat gma7! hindi lang mga tv viewers ang may better choice, pati mga nagtatrabaho sa showbiz industry may better choice.

    the best deserves to be no.1!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1093  archeryrich

    11/26/2009 | 01:26 PM
    Yung kay Angel,magmove on na kayo. Choice na niya iyon,eh kung tama ba yung pagpapasweldo na ginagawa nila sa kanya na halos kalabaw na kung magtrabaho. Yung TF niya mula Mulawin hanggang Asian Treasures,halos walang pinagkaiba. Naging dedicated naman siya sa GMA,hayaan niyo na siya. Kung hindi siya umalis,maaring hindi pa nabibigyan ng exposure si Marian hanggang ngayon.

    May tanong ako,kapag si Papa Piolo ba ang lilipat,ano ang magiging reaction ng mga Kapuso at Kapamilya,malay mo lang!laughs
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1092  kapuso_believer

    11/26/2009 | 01:25 PM
    msTrue

    tlga? bongga tlga c jessica soho

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1091  00chloe004

    11/26/2009 | 01:25 PM
    archeryrich

    naku magandang idea yan!

    sana isama sina ms.maricel soriano, roderick paulate and eugene domingo.

    wow, sobrang click to,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1090  winnerme

    11/26/2009 | 01:24 PM
    ms true

    i don't think malaking kawalan si claudine, lumipat nga cya kasi wla ng project dba..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1089  Case

    11/26/2009 | 01:23 PM
    Kau rin naman... pinapangarap nu cla Marian,Carla,, wala kc kaU ganung kagagandang artista.. Palibhasa puro da who mga stars nU.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1088  idontknowmuch

    11/26/2009 | 01:23 PM
    977
    33poisonous_h
    yacinth33

    isn't it the way around? di ba johnny m.?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1087  msTrue

    11/26/2009 | 01:23 PM
    kahit mga exec ng dos pinapangarap din nila ang mga artista ng syete ,,, sino kaya ngayon ang feel nila????


    kasi dati me blid item na
    si aljur, jewel at kahit si carla inasam nila................
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About