Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1086 00chloe004
korek kau jan...
ang layo naman ng analysis ng mga ito. hahaha....
1085 krishawie
1084 archeryrich
Sana yung kay Maricel Soriano,comedy gawin niya sa GMA with Uge,sana totoo yung lilipat siya. Yung iba dito baka pinapa-asa niyo lang ako ah!laughs
1083 PEP_Webmaster
1082 Case
1081 musheegal
1080 msTrue
sino naman ang bago at magaling na artista ng dos???
1079 33poisonous_hyacinth33
1078 idontknowmuch
badjaobabe
mas pangit naman kasi yung ginawa ni angel - nasilaw sa offer ng abs - kaya pati fans nadismaya.
1077 Case
1076 krishawie
1075 Case
1074 krishawie
1073 Case
1072 ching75
1071 itchymouth
1070 akobisaya
1069 nickjnv
Merry Christmas! pasalove naman mga kapatid...
1068 badjaobabe
vianne29
kase ang mga fans ngayon sa network na sila loyal hindi na sa artista! masyado ng involved sa network wars!
ganon din si angel non. ayaw ng mga kapamilya pero nong lumipat na sa ABS eh kontodo welkam na sila! at siempre isinuka na sya ng mga kapuso! I doubt Claudine though will suffer the same consequence dahil solid na ang fanbase nya much like Judy Ann. Ibang level na kase sila. I don't think ang mga sharonians at maricelians eh bibitaw kina sharon at marya pag lumipat sila ng GMA o TV5. that's just insane!!!
1067 idontknowmuch
vianne29
eh yung mga kapamilya ba anong attitude toward angel noong siya nasa kapuso pa?
saka malaki ang pagkakaiba: active na active si angel noon sa gma at PINIRATA siya ng kapamilyan network! si claudine ay inactive at hindi namimirata ang gma.
more comments