Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1066 susanboyle
1065 msTrue
at iba ang situation ni claudine.........
wag nga kayong mga ipokrita.....
TOTOOng malaking kawalan sa abs si claudine kaya ayun grabeh ang ngitngit ng mga exec ng dos..................
1064 jazzywags
vianne29
November 26, 2009
13:07 PM
ngaun gus2ng gust0 ny0 na c cLaudine
per0 nung nsa abs xa sukang suka kau lait ng lait hahaha mga kapusuckz tlga..
ngaung lumipat na c claudine wla ky0ng nrinig na pni2ra mula sa abs per0 nung c angel grabe pni2ra ng tod0 gnwa ny0
hahahha
-----
well said
1063 vianne29
per0 nung nsa abs xa sukang suka kau lait ng lait hahaha mga kapusuckz tlga..
ngaung lumipat na c claudine wla ky0ng nrinig na pni2ra mula sa abs per0 nung c angel grabe pni2ra ng tod0 gnwa ny0
hahahha
1062 00chloe004
Kung wala nga namang projects sa'yo yung home network mo for how many years syempre magda-dalwang isip ka na...
may pamilya din siya at syempre para sa mga artista trabaho lang yun...
kaya yung mga insecure, IN DENIAL at bitter na kapams diyan eh manahimik na lang muna. hahaha...
1061 jazzywags
zaccigirl
November 26, 2009
12:59 PM
good luck Claudine, ur such a good actress at khit saang network ka pa I know ur an asset.
-----
agree with you.
kase ang mga fans ng GMA ina-anticipate nila na magwawala at maglulupasay ang mga loyal ABS viewers. well, i chose the other way. masaya na ako kay Claudine. Paborito ko talaga sya before. Pero sad to say, ang loyalty ko nasa ABS.
As i always say, walang lugar sa puso ko ang bitterness.
I will always wish Clau, good luck!
1060 jasonsight
1059 claudzpoint
gud luck na lang sa kanyang asawa si raymart sa darna.
sana meron primetime dramas na project kay claudine.
1058 msTrue
lets wait sa 60anniv SID ng gma tyak maraming galing kabila................
1057 ClickHere1
tanong ko lang, sino si bayani? anong show meron siya sa ABS?
1056 notmyhero
PROUD TO BE KAPUSO!!!
WELCOME TO THE NO.1 NETWORK!!!
1055 zaccigirl
1054 jazzywags
Well, I'll be really happy for Claudine then. Good for you Claudine! Sana maging masaya ka talaga dyan sa GMA at alagaan ka nila.
Good luck, girl!
1053 msTrue
1052 19fiel
1051 kapuso_believer
WAG n WAG lang c PApa DD, Marian and Iza Calzado!
1050 peaz
1049 nicole23
1048 kapuso_believer
pero sabi nila, ganon tlga! so tanggapin nlng ng mga taga-chew ung nangyari. basta, WelCome Claudine!
1047 ekekwakwakoo
more comments