news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6574 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1046  archeryrich

    11/26/2009 | 12:49 PM
    Isunod niyo na si Judy Ann,Maricel at kung sino sino pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1045  pinoypower99

    11/26/2009 | 12:48 PM
    i have a funny feeling, nag pa panic na ang dos hehehe...

    i also have this funny feeling, 2010 will be a great offensive year for gma7!

    this is only the beginning!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1044  notmyhero

    11/26/2009 | 12:47 PM
    WELCOME to KAPUSO!!!

    At least now you know that...there is always a KAPUSO who knows how to care and help to survive the abandoned stars!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1043  jazzywags

    11/26/2009 | 12:46 PM
    kunin nyo na rin si Judy Ann. ok lang na lumipat sya sa GMA. pramis!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1042  prettyp

    11/26/2009 | 12:43 PM
    Abangan na lang natin kung sino ang susunod kina Claudine at Bayani....basta WELCOME TO KAPUSO! Where sincerity is very true:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1041  jazzywags

    11/26/2009 | 12:43 PM
    ok lang na umalis na rin si Maricel sa ABS-CBN.

    Seriously, ang ABS management kase sila itong nagtanim sa mga talents nila ng primadonna culture. sila nag umpisa ng exclusivity.

    Dati naman maka GMA ako nongkasagsagan ng That's. Kaso naging baduy at nalaos. Doon pumasok yung Ang TV. At dito na rin ako naging loyal kapamilya.

    Ayoko sa management ng ABS dahil meron silang flavor of the month. Kung sino lang yung hot na talent yun ang alaga at pag nalaos na goodbye.

    Nakakapanghinayang si Claudine. Pero mukha naman talagang walang project na naghihintay sa kanya. Maging masaya na lang tayo sa paglipat nya. May mga anak sya at mahirap ang buhay ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1040  msTrue

    11/26/2009 | 12:40 PM
    mali ang balita na lilipat si maxene sa abs............

    me soap po sya sa primetime after stairwayto heaven................
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1039  prettyp

    11/26/2009 | 12:40 PM
    ms True-----gt; shhhhh muna tayo diyan para may konting excitement para pag confirmed na ma-shock na lang ang lahat gaya nitong ginawa ni Claudine...hehehhe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1038  kapamilyasuperbaduy

    11/26/2009 | 12:38 PM
    ibang level na talaga ang mga pangyayaring itoh!

    gma7 win nang win!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1037  msTrue

    11/26/2009 | 12:38 PM
    wait nyo ulit si ann curtis balik kapuso ulit yan..............

    si papa aga pa at si inay maricel......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1036  jedraz

    11/26/2009 | 12:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1035  prettyp

    11/26/2009 | 12:36 PM
    oisst hearthy----- huwag mo nang banggitin ang TF ni Claudine sa GMA baka hindi na naman maniwala ang mga kapams kc di ba sabi nila wala raw budget sa GMA...nyahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1034  ka_family_na_ka_heart_pa

    11/26/2009 | 12:34 PM
    hayy sus, ba't may away pa kung kapuso at kapamilya, KUNG SAAN MAGANDA ANG SHOW eh di 'yun ang panoorin...the viewing public benefits, cos both network strive hard to give the best show...di ko maintindihan kung ba't nag-aaway ang mga pipol here...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1033  honeytable

    11/26/2009 | 12:34 PM
    people come and go...goodbye...but do not burn bridges...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1032  msTrue

    11/26/2009 | 12:33 PM
    nuon nung pinipirata si angel ng abs, ang daming mga eksena na kung anu ano,,, naging maingay ang showbiz sa lipatan na yun..............

    pero kagabi parang atomic bomb ang bumagsak sa showbiz ng biglang sumulpot na pumipirma na si abs primetime queen sa gma network...................

    as in nayanig silang lahat......
    pati ang mga exec ng dos.........

    tumambling ng tatlong beses.........

    ha ha ha...................
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1031  leonore

    11/26/2009 | 12:33 PM
    congrats claudinbe.

    you made the right choice.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1030  musheegal

    11/26/2009 | 12:33 PM
    Bye TFC, hello Pinoy TV!!!

    love you Claudine!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1029  archeryrich

    11/26/2009 | 12:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1028  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 12:31 PM
    goodnight to all. pagpray poh natin ang mga namatay sa maguindanao. nakakaawa nmn sila. kht sandali itigil ang network wars. at magkaisa, para sa mga kababayan ntng pinatay ng wlng awa. basahin nyo un isang forum about dun, kakapost lng. nkkaawa cla. preho n nglbas ng statement ang ABS-CBN at GMA. kya mgkaisa nlng. lumolobo n ang bilang ng mga namatay. kya sna ipagpray poh ntn cla, nanawagan aq s lht ng kapuso at kapalimyang my puso tlga. magdasal tau. wg nmn sna mgng iraq ang pilipinas. dhl s patayan na ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1027  msTrue

    11/26/2009 | 12:31 PM
    pretty

    korek ka dyan wait natin si papa aga at si inay maricel...........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About