news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6581 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 1006  manilaphils

    11/26/2009 | 12:12 PM
    yanzee

    Anong kabaduyan sa GMA sige nga?

    State of the art studios pa lang ng GMA vs. parang bodega na studio ng dos na nagkalat ang wires sa sahig.

    Mga kapamila wag magpakaplastik dahil ang ABS ang sobrang baduy fix ang stage ng ASAP dahil tagal na nagtitipid malaki utang hehe.

    Ang ABS puro lang paporma sa mga pananamit ng artista, in short pasosyal.

    2008 int'l awards GMA lang. so sino sosyal hahaha. 2009 New York Film Festival lamang ang GMA sa awards.

    Kaya tama lang ang desisyon ni Claudine sya sa tunay na No. 1 network - GMA 7.

    hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1005  jhoda

    11/26/2009 | 12:10 PM
    affected talaga kaming mga kapamilya kasi si Clau yun eh. Hello..17 yrs sa ABS?

    Ang wish ko lang sana maging maayos ang career nya sa GMA. Sana she made the right choice.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1004  losersinparis

    11/26/2009 | 12:10 PM
    kaya pinakawalan ng E B S si CLAUDINE kasi hindi na nila mabigyan ng project kasi hindi na nila kaya ang talent fee niya. remember last year eh nagbawas ang E B S sa mga talent fees ng kanilang artista para sa cost cutting scheme nila. talagang BANGKAROTE na ang E B S.... pero hindi bale, basta may SYSTEMS LOSS ang MERALCO, buhay pa ang E B S.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1003  idontknowmuch

    11/26/2009 | 12:09 PM
    900
    yanze

    uy di siya bitter! sobrang sama lang ng loob.

    o, mga kapuso magpasalove na sa mga kapamilya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1002  archeryrich

    11/26/2009 | 12:09 PM
    So,magkano na ang Talent Fee niya,siya na ba ang may pinakamalaking TF na actress sa GMA? May nakakaalam ba?1haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1001  Aldrich18ofUSA

    11/26/2009 | 12:07 PM
    ASUS. yung mga KAPAMILYA, if i know.. NAGLULUKSA sila ngayon nyan!
    hahahahhaha, Welcome CLAUDINE to KAPUSO NETWORK! Where u belong!

    i CANT WAIT to HEAR from her MOUTH the famous line, quot;Claudine Barretto, PROUD to be KAPUSOquot; ! I would love to hear that sa SOP ngayong Sunday
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1000  yanzee

    11/26/2009 | 12:06 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 999  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 12:03 PM
    maraming obvious dito.... un lang... goodluck to all. naniniwala aq sa pinaglalaban nyo, kapuso man oh kapamilya. pro mrmi tlgang obvious. peace out. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 998  archeryrich

    11/26/2009 | 12:03 PM
    I heard dati yung Pratts siblings gusto ng GMA,kaya lang si Cammille lang yung pumayag,ayaw ni John kasi gusto niya sa ABS CBN,naalala ko lang. Kahit naman din si juday,sinusuyo ng GMA eh,so anong prolema dun?! Ganun lang talaga,kahit anong kumpanya uso ang sulutan at pamimirata.

    Naku,si Greta turuan niyo ngang magTagalog baka masapak ko yan! laughs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 997  kapamilyasuperbaduy

    11/26/2009 | 12:02 PM
    OA naman ang mga kapalmilya magsabing hindi kawalan sa dos at laos na si claudine.

    eh dyan mismo sa news binanggit na sa concert ng star magic last nov. 13 sila ni piolo ang naging finale! yan ba ang laos? pang finale? hehehe!

    halatang bitter ang mga kapalmilya at nasa denial state pa hahaha...

    more power mga kapuso!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 996  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 12:01 PM
    good night na to all. batchi na me. kapamilyaz kapusoz. bahahah. happy thanksgiving to all. sana matigil na ang mga AMPALAYA kapamilya mn oh kapuso. GO AMPALAYA!!ibenta n yn s plengke. peace out. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 995  forceblader666

    11/26/2009 | 12:00 PM
    goodbye pantene commercials
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 994  manilaphils

    11/26/2009 | 11:59 AM
    happyme

    Next year pinoy TV na ako ipa cut ko na ang Tfc ko!sino paba ang panuorin ko honestly si Claudine lang naman ang gusto ko so kung saan sya doon ako!magsasanay na nga ako sabihin ito! IM PROUD TO BE KAPUSO!
    ======================================
    natawa ako sa comment mo hehehe.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 993  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 11:58 AM
    bsta kaming filipinos s US, mgsiswitch na. lalo pa naun, dti onti lng my pinoytv s US, kc my prob pa. ngayon wala na. ska mrming nglit dn ky willie, s dming ngyring d mgnda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 992  kapamilya247

    11/26/2009 | 11:58 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 991  archeryrich

    11/26/2009 | 11:58 AM
    Suguro sa part ng ABS CBN,malaking artista talaga si Claudine. Kalaki daw ng TF ng lola niyo na nabibigay naman ng ABS CBN,kaya lang hindi naman na ganun kataas ang nakukuhang ratings ng dati nyang shows sa pagkakaalam ko,kaya hindi rin nagiging sulit yung binabayad ng ABS CBN sa kanya. Ganun lang ang business world!

    Palipatin na din yung ibang artists na nasa ABS CBN,binabayaran kahit walang shows kasi lugi lang sa kanila yung company,lalo na kung hindi rin kayang magtala ng mataas na ratings. So sa GMA na lang kayo,ganun lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 990  jasonsight

    11/26/2009 | 11:57 AM
    ONLY CLAUDINE has the track record for not having a FLOP MOVIE.... as always... She doesn't deserve to be a frozen delight.... ABS has the record of neglecting their talents... Maricel, Susan Roces... in the long run babalik sa kanila ang regret... Beacsue these stars who may have ample following when combined will switch loyalty to where they are now... Their marketing and management side should know that... Compared to the new stars fans where these fans' loyalty are switchable anytime.... Yung kina Claudine and other established stars mga loyal na fans na yan... doon sila kung saan ang idolo nila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 989  jdcamz

    11/26/2009 | 11:56 AM
    good decision coz at this time kailangan ng work no... if malaki at maganda ang projects why not...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 988  pangitkopangitkarin

    11/26/2009 | 11:55 AM
    korak ka dyan manilaphils.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 987  happyme

    11/26/2009 | 11:54 AM
    fairlang the angel locsin fans tingnan mo nga marami bitter jan basahin mo at magbasa ka sa kahit saan forum ang daming bitter!at alam ko masaya ka ngaun nag paparty ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About