Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
966 hearthyjhoe27
Ampalaya to the max. peace out. =]]
965 simply_kate
964 mivrelova
963 the_hunk
962 hearthyjhoe27
go AMPS!! =]]
961 sharonrosee
960 jazzywags
959 hearthyjhoe27
oo possibleng mngyri un npnuod q un s isng news, ndi q n maalala kung sn eh. c sarah gs2 q rn xa, under nga xa ng viva, c angel dn ngbblak lumipat s viva pti manage rnya, pg ngktaon. un mggn tulay pra mkblik xa s syete. at mrming hawak n big stars ang viva. ang lm q ayus n ang GMA at VIVA ULIT, naaus n nla un gulong nngyri dti. mron ngang movie c richard at anne curtis eh. bongga!!
958 neus
957 jazzywags
paranoid na paranoid ang mga kapuso ah.
wala talaga akong nababasa dito na super bitter at bayolente ang mga kapamilya.
tsk. tsk. mga kapuso yan ang ugali nyo ng umalis si Angel. Hindi kasing bitter ng Kapamilya ang mga Kapuso na hanggang ngayon pumuputok ang butse kay Angel.
LOLZ
956 hearthyjhoe27
kung ayaw nyo sa isang network oh sa isang artista, ang tnung bkt pinagaaksayahan nyo ng panahon??? naman. kaya ndi tayo umuunlad, mismong tao ang problema. imbis n suportahan, dinadown p. kya pinagtatawanan tau ng mga puti. dhl jn. isipin nyo nga kung mgssnib ang dlwang network, bka mkaabot p tayo sa oscar. oh ibt ibng awadrs p mkuha. icpn nyo. ndi un kung anu anung mga wlng sense ang pinagsasabi. nkklokah kayo. simpleamp;plain:KUNG AYAW NYO SA ISNG BGY, ISA LNG SGOT, PBYAAN NYO. WG MGWASTE NG EFFORT. DIBA????
955 ching75
954 an2ni
di daw affected!...pwe!
953 lyka25
952 winnerme
if she got bored waiting for her next projects in abs, maybe one of the reason is abs can't find a good material for her, alangan mo bigyan nila ng project si claudine na for the sake lang diba...
anyway, i was surprised also by this news, all i can say is good luck claudine in ur journey...
951 hearthyjhoe27
950 khelyn05
949 enrileme
948 nickjnv
go gma7!
947 zelski0526
more comments