Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
946 hearthyjhoe27
945 fairlang
944 fairlang
943 enrileme
942 agassi
941 hearthyjhoe27
940 piezy
939 forceblader666
938 kapamilyasuperbaduy
im sure parang maguindanao massacre ang dating sa mga kapalmilya.
937 aniston
Natawa naman ako sa yo, Survivors of ICE AGE.
936 enrileme
Papalit palit.
Madami nang artista ang naghahanap nang work, dahil dapat lang we are all in crisis,kaya yung walang work for the whole year, uy work naman kayo ha, dyan sa pinas wag tamad tamad.
At tama din yan nagsasawa narin ang tao sa kanya.Or the abs cbn siguro.
Hindi na kasi sya ganun ka importante.
Lumipas na ang kinang nya.
I only like her movie GOT TO BELIEVE in MAGIC with the late Rico Yan.
My opinion lang.
935 jazzywags
934 yanzee
933 manilaphils
Magkaiba ang paglipat ng mga stars from ABS to GMA dahil karamihan frozen delights so talagang sila ang lumipat.
Ang lumipat sa GMA to ABS ay dahil pinirate at malaki ang offers.
Kaya madalas lugi ang ABS kasi mataas ang offer na tf hindi naman commensurate sa shows nya.
Kaya ang ABS dahil ang hilig mag offer ng mas malaki at pag di umobra ang project hindi top rater sa mega manila as the largest television market i pofrozen at kukuha ng mga murang Talents lagyan ng mga veteran stars kikita pa.
Aminin mga kapamilya na ganun ang trend ng ABS kaya may reason bakit lumipat ang mga ibang artista ng dos kasi pagkatapos mag akyat ng malaking salapi sa kaban ng mga lopez eh pinabayaan na.
932 an2ni
sa mga taga chew isipin nyo lang nag vacation si claudine.......indefinite nga lang! hahahaha!
931 jazzywags
930 level_up
929 RoseVille
928 datingkapams
927 pinoypower99
hindi pa talaga naabut ng gma7 ang tugatog ng kanilang tagumpay...
lalpo pang lalakas ang kapuso network sa darating na mga araw...
congrats to all tv viewers!
more power mga kapuso!
more comments