news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6597 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 2006  ChattermanNiceGuyJp

    11/29/2009 | 12:29 PM
    Di ba na nominate din si Iza Calzado dati sa Emmy ba yun? Hahahaha....ewan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2005  girlie59ph

    11/29/2009 | 11:05 AM
    iba ang maging kapuso talents dahil buong puso kang aalagaan. iba magmahal ang mga kapuso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2004  Case

    11/29/2009 | 10:12 AM
    Ang kelangan yata mgworkshop e ung mga executives ng abs kc dn nila alam ginagawa nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2003  megortilla

    11/29/2009 | 10:04 AM
    nagtatanong lang kung di naman nanalo si angel ok sige di na sya reyna. eh paano pa yung mga taga KABILA na di man lang nanominate for any best quot; i mean yung mismong person di yung showquot; in a international and famous acting awards like emmy. paano na sila, meaning if they have a chance na lumipat sa dos eh para silang tenants ng mga superstars ng dos. well just asking kasi marami beater sa pagkakamoninate ng artista not thinking that it pilipino pa sila eh they did not bring their support para makilala lang ang philippines not just in boxing but also in the state of art.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2002  megortilla

    11/29/2009 | 09:58 AM
    wala mas marami nga flop ang mga pelikula ng gma films. kaya nga dapat i workshop yung mga tao dun. so there.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2001  Case

    11/29/2009 | 09:02 AM
    Gie0612 magmayabang ka kung nanalo c angel. Kc Kung nomination sa Emmy Lang paguusapan, alam mo bang nominated ang magdusa ka?o ha? Dramarama sa hapon Lang ang pantapat ng gma sa dos.wala kaung binarbat Kung primetime ng gma ang pag uusapan.maddusa kau sa inggit?bwahahahaha!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2000  Case

    11/29/2009 | 09:01 AM
    Gie0612 magmayabang ka kung nanalo c angel. Kc Kung nomination sa Emmy Lang paguusapan, alam mo bang nominated ang magdusa ka?o ha? Dramarama sa hapon Lang ang pantapat ng gma sa dos.wala kaung binarbat Kung primetime ng gma ang pag uusapan.maddusa kau sa inggit?bwahahahaha!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1999  Case

    11/29/2009 | 08:36 AM
    Pasalamat na Lang kau sa gma atleast ngkaron kau ng bigstar dahil k angel at ngkaron ka ung reyna na
    Mtatawag?ni hnd marunong umarte mga dos.hahaha!!!puro starlet mga nandyan at tsaka nanalo b reyna nu sa emmys?nagmuka lang xang t... A!hahaha!!!pangit pa ng gown.tsaka na kau mgmayabang kung nanalo na reyna nu ha!!



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1998  melason

    11/29/2009 | 06:36 AM
    congrats GMA!
    at least ngayon meron na kayong
    BIG STAR na matatawag
    anong feeling? hahaha
    well gudluck na lang sa paglipat ni claudine. sana mabigyan siya ng mga dekalibreng shows dyan sa GMA.
    sayang naman ang talent niya dba? lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1997  puckerlips143

    11/29/2009 | 02:32 AM
    skyward

    dka parin makaget over sa bitterness mo sa paglipat ni angel no..poor thing tsk tsk..mga ipokrita kc ang mga tao na ayaw ng pera kahit san job o company ka amgwork kapag hardworking ka at kumikita ang kumpanya sayo then yun mga kasamahan mo mas malaki pa kita sayong sweldo hindi ka kaya amg-isip humanap ng kompanya na magbibigay sayo ng malaking sweldo? now sasabihin nyo mukhang pera ask nyo sarili nyo kung d kayo mga mukhang pera?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1996  Gie_0612

    11/29/2009 | 02:26 AM
    Besides, kapag lilipat ka ng dos there is a big chance na ma nominate ka sa international emmy as an actress kasi mgganda mga project na ibibigay sayo. hahahha...hmmmm bitter na naman yung iba nito. lol!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1995  Gie_0612

    11/29/2009 | 02:23 AM
    Ang pagkakaiba kasi, kapag lilipat ka ng dos,magkakaroon ka ng great movie, concert, album or magiging excellent hosts.. unlike sa siete...ilan buwan lang laos na agad ksi naka focus lang sa isang tao ang management.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1994  Gie_0612

    11/29/2009 | 02:20 AM
    Well, we should respect Clau's decision. Ano magagawa natin kung gusto nyang mapabilang sa listahan nina patrick garcia, angelika dela cruz, jolina magdangal, carlo aquino, jean garcia, eula valdez, and next in line si heart...hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1993  skyward

    11/29/2009 | 02:09 AM
    May pagkakaiba ang maldita at masamang ugali. Kung totoong c Marian and claudine maldita, c angel nmn masama ang ugali.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1992  skyward

    11/29/2009 | 02:05 AM
    Overwork ba c angel?? May rights nmn sya di tanggapin ang project kung gusto nyng magpahinga, alibi lang nya yon, simpleng reason lang... nasilaw sa pera. Ngayon nagsisisi na lumipat, kc sobra sobra ang pahinga kaya ayan lumulobo ang cholesterol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1991  ABSCBNThe1stPhilippineTVStation

    11/29/2009 | 01:26 AM
    kinabog, si claudine walang work, si angel overwork naman sa mga fantaserye noon kaya gustong lumipat tapos yung compensation sa kanya, inabuso. at gustong i-establish ang tunay na acting, which hindi nagawa ng GMA.

    si claudine ay established dramatic actress na, kaya di na mahihirapan ang GMA sa kanya, wag lang maging primadonna, kaso we must admit na tumaba na talaga siya, at mahirap gawan ng script...like si sharon, puro pang nanay na ang nalilinya.

    medyo shocking lang talaga dahil 17 years na si claudine, at may mga salita pa siya noon na hindi nya ma-imagine ang sarili nya na magtrabaho sa ibang network...mahirap talaga ang nagsasalita ng tapos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1990  kinabog

    11/29/2009 | 01:04 AM
    ABSCBNThe1stP
    hilippineTVSt
    ation

    so napansin mo din na strategy ng istasyon mo? Kung sinong bankable, tututukan nila yan kahit malaos pa ang homegrown talent nila.

    Nandyan kasi ngayon ang ex-GMA artist Angel Locsin na mas binibigyan priority. Pati ang Kristine binigyan agad ng sariling show instead sa starlets nila.

    Look what they've done sa mga homegrown talents nyo. Namirata nalang kesa mag invest sa baguhan at naghihintay ng project.

    Iba na ang ihip ng hangin ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1989  ABSCBNThe1stPhilippineTVStation

    11/29/2009 | 01:04 AM
    natatawa ako kay Mr. Duavit sa interview nya sa bente kwatro oras, sabi nya masaya sya na kapuso na si claudine at welcome daw sa family...

    dapat sinabi na welcome sa heart...hihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1988  spicy1

    11/29/2009 | 12:51 AM
    go claudine...wag ka lang mang aaway ha! di ba kaaway mo din si joan manipon ba or magnipon correct me if i am wrong...maldita ka kasi...inaway mo na si angel buti na lang si angel di ka inurungan...wag kang mang bully sa 7 baka i sheeta ka nila..ikaw din mahirap walang work...taghirap ngayon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1987  georgia1

    11/29/2009 | 12:51 AM
    mxlo339

    hayaan mo syang dalhin ang bad attitude nya sa GMA, okay lang yun meron naman syang katapat...mas grabe pa. dalawa na sila sa gmewww. pareho silang super maldita. ha-ha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About