news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6631 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 926  supertalino_superganda

    11/26/2009 | 11:17 AM
    aabangan ko din farewell party nya sa ASAP. Sana meron farewell party kc may welcome party dw sa SOP.
    By the way, baket po hnde na SOP Rules? Bat nawala RULES at kelan pa?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 925  4dlynx

    11/26/2009 | 11:16 AM
    Sa totoo lang talagang mahirap tanggihan ang offer ng ABS-CBN lalo na pag naging exclusive contract star ka nila. WHY?

    Kasi para kang regular employee, imagine kahit wala kang show may salary kang matatanggap. Guaranteed ang pay mo kahit para kang estatwa basta wag ka lang lilipat sa kalabang station. Yan din ang reason kung bakit ang laki ng expenses ng ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 924  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 11:15 AM
    aabangan q ang viva talents, at c juday. cgurado my susunod jn. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 923  aniston

    11/26/2009 | 11:15 AM
    muyi
    Jolina is not exactly a big star when she transferred to GMA. She was going downhill na rin nun. Be objective lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 922  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 11:14 AM
    ang gs2 q lng tlga s dos, c angel, at bea, john lloyd. the rest wla n. i beleive bblik dn c angel. pustahan mggng tulay nyan, VIVA dn, ktulad ng ky claudine. heheh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 921  level_up

    11/26/2009 | 11:13 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 920  musheegal

    11/26/2009 | 11:12 AM
    Mabuhay ka Claudine!!! Dahil lumipat ka na, Kapuso na rin ako!!!!!!!!!!!

    We love you Clau!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 919  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 11:12 AM
    uhm, marian at claudine??? prng d q rn kc type eh. kung c angel mggng viva, sna mgkron ng movie, angel claudine marian, or marian angel. pra mtpos n ang gulo between fans nla. cgurado q ppatok un.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 918  sarilingopinyon

    11/26/2009 | 11:11 AM
    mabilis talaga magdesisyon itong si claudine,all the while,ang akala ng marami eh si judy ann or si kristine hermosa ang lilipat,yun pala si claudine. well, in fairness, marami na talagang na-achieve ang batang ito,naging box-office queen, may mga acting awards na rin. exciting nga talaga itong desisyon niyang ito, baka mahila niya uli pataas si raymart at si mark anthony!!! i watch both abs and gma shows kaya wala akong bitterness sa katawan and i think mas naeenjoy ko ang entertainment kesa sa mga nakikipagpatayan sa pagiging loyal sa iisang network! napaka-hitech na ngayon,may remote control na, may mga recorder pa! no way na mag-stick ako sa isang channel lang!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 917  Aldrich18ofUSA

    11/26/2009 | 11:11 AM
    4dlynx,

    Ganun naman dw ang pag trato nila sa kabila eh, lol... sabi nga ng ibang stars, BRING ur OWN FOOD, and BRING ur own MUG and COFFEE... lol

    KAPAMILYA nga! bagay na bagay sa tagline nila, hahahhahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 916  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 11:10 AM
    bakit ang mga kapamilya galit na galit???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 915  Aldrich18ofUSA

    11/26/2009 | 11:09 AM
    yeah, i DONT think na dapat iremake ang Jewel ksi Korean History yun eh... Napaka inappropriate nman sa atin yun!

    HEAVY DRAMA ang gsto ko kay Claudine or bka sya yung REYNA sa Encantadi: the Second Saga!

    ABANGAN na lng natin... Love Claudine, Mark, Marian at Dingdong in one show!!! abangan ko si Claudine sa SOP... im sure BONGGA toh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 914  an2ni

    11/26/2009 | 11:09 AM
    wow! daming kapams na galit ah! hahahaha!

    affected! hahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 913  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 11:08 AM
    4dlynx

    totoo ba ito???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 912  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 11:07 AM
    arcehryrich

    sbe ni alfie dpt dw c juday mtgal ng s yete eh. kso mataas dw tlga magoffer si banker, kya sungab nmn c tito alfie, syng dw ang money eh. heheh triple.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 911  jacko143

    11/26/2009 | 11:06 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 910  4dlynx

    11/26/2009 | 11:06 AM
    853
    forceblader66
    6
    November 26, 2009
    10:53 AM
    ----------------------------------------------
    Tama ka, magstudio tour kayo sa GMA 7 para makita nyo ung values na pinapairal ng management nila. Walang executive elevators dun, lahat nakapila kung gustong sumakay ng elevator even Mr. Gozon.

    Sa ABS-CBN hindi ganyan, sa kanila pinaiiral ang distance ng star sa mga hindi stars.

    Ngayon sabihin nyo kung mali ako... Yan ang tunay na cultures ng dalawang network. Kahit itanong nyo sa mga employees nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 909  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 11:06 AM
    aldrich wala pa. hindi totoo. chikka lng. un ang request ng ilang kapuso. pero prng d q type. kc remake n nmn. sna nmn original katulad ng encantadia. kapamilya oh kapuso puro remake n eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 908  Aldrich18ofUSA

    11/26/2009 | 11:05 AM
    Lilipat na mga artista sa GMA 7 this last quarter,
    SUSAN ROCES, CHRISTOPHER de LEON, yung Bench Model Winner, RYAN AGONCILLO, at CLAUDINE BARRETTO.

    Susunod na raw sina Bayani Agbayani at Maricel Soriano!

    GO KAPUSO! Ang mga tao na ito ay mga SURVIVORS ng ICE AGE sa kabila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 907  archeryrich

    11/26/2009 | 11:05 AM
    Natawa naman ako dun,hello Pinoys hindi po pwedeng i-remake ang Jewel in the Palace. Real-life story po iyon at part ng History ng Korea. parang sinabi niyo na din na pwedeng gawin din ng ibang bansa ang story ng Noli Me Tangere na pinagbasehan sa tunay na kalagayan ng mga Pinoy dun nung panahon ng Kastila,oh kaya ang story ni Lapu Lapu.


    Oh,siya si Judy Ann kelan naman lilipaT?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About