news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6786 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 866  lovekosichona

    11/26/2009 | 10:37 AM
    sa mga dying fans ng abs cbn, move on!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 865  nickjnv

    11/26/2009 | 10:35 AM
    welcome to the kapuso family!

    way to go gma7!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 864  manilaphils

    11/26/2009 | 10:35 AM
    Saan daw ang sikat?

    Hello Manny Pacquiao SIKAT SA BUONG MUNDO isang kapuso hehehe.

    May NIKE commercial pa sa U.S.

    Well, kung napunta si Claudine sa PTV 4 ayun mawala ang ningning nya hehehe.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 863  jazzywags

    11/26/2009 | 10:35 AM
    soapier, ang sagot ko: OO. bakeeet? kahapon lang ba nauso ang forum? bwahahaha!!!!!!! o ngayon ka lang natutong mag internet? hindi mo ba alam na mas masahol pa ang tsismis sa internet kesa sa tv o print????? at kung hindi ako nagkakamali, dito ko din nabasa sa PEP lahat lahat ng mga panlalait na ginawa ng mga kapuso kay Claudine. Pero natatawa na lang talaga ako dahil ngayon sinasamba na nila sa Claudine!

    Go Claudine! Ok lang na lumipat ka sa GMA. Magpaka sweet ka sa mga kapusong nanlait sa'yo ng husto hindi lang sa pagkamatay ni Rico maski na after.

    Ang sahol kaya ng mga tsismis na inilabas ng mga anti Claudine/ABS????!!! huhh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 862  streetsmart

    11/26/2009 | 10:34 AM
    pati raw mga scriptwriters ng abs cbn lumipat na sa gma, yung jake tordesillas, yung jun lana ng gma mahusay yun eh, lumipat naman sa abc -5 dahil gagawa raw ng movies din ang channel 5, wise move rin. pero jun lana will finish his last script for gma which is the highly anticipated full house. maayos naman raw umalis si jun lana sa gma. malungkot siguro ni direk rory quintos, fave niya si claudine di ba, yung mga bida niya kasi sa first major movie niya magkasama na sa gma lolz sina claudine at mark anthony.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 861  xoxogg_100

    11/26/2009 | 10:34 AM
    to the_examiner: anong patience na pinagsasabi mo? ano gusto mo 1 project per 10year? ano yon? di lang basta matawag ka na bigating artista..kelangan mo din mag trabaho..malalaking project din nmn ibibigay ng GMA..wag mong ikumpara si claudine kay jolina..ang layo ng agwat nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 860  manilaphils

    11/26/2009 | 10:33 AM
    goodlooks

    Walang saysay kahit iclaim pa ng ABS na lahat ng movies nila blockbuster, mga shows NO.1 nationwide kung walang validation sa kita.

    Simple lang yan kung talagang blockbuster at walang padding eh di sana malaki ang neto sa kita

    Tigilan na ang kalokohan hahaha

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 859  jhoda

    11/26/2009 | 10:33 AM
    ok lang yan. basta ang importante may job sya. yun lang yon.

    Sana magstep up na yung TV5 para naman patas na lahat. Para hindi 50-50 ang labanan.

    Dapat kasi wala ng kapamilya at kapuso. Dapat friends na ang lahat. Wala ng awayan.

    Because at the end of the day, trabaho lang yan. Walang personalan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 858  Case

    11/26/2009 | 10:32 AM
    mas lagapak ang 2!!! ha ha ha!!! karma nU yan..pirates!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 857  soapier

    11/26/2009 | 10:32 AM
    lagpak na raw ang GMA???

    heheheh


    kakatuwa... kung lagpak ang gma... eh di subsob na pala ng abs./.. heheheh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 856  moimoi102686

    11/26/2009 | 10:31 AM
    JEWEL IN THE PALACE FOR CLAUDINE BARETTO PLEASE GMA. bagay na bagay sa kanya ang role:D welcome to KAPUSO network CLAUDINE. tama iyong hinala ko at nagkatotoo salamat isa ka ng GANAP na KAPUSO
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 855  idontknowmuch

    11/26/2009 | 10:31 AM
    ilan lang ba ang talagang pinasikat ng abs?

    remember, walang abs from 1972-1986! si sharon dati nang sikat yan bago pa bumalik sa ere ang abs.

    halos lahat ng nasa abs ngayon ay galing din sa gma!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 854  soapier

    11/26/2009 | 10:31 AM
    jhoda...

    maayos na ang relationship ng GMA at viva... kaya hindi rin natin masasabi na hindi mangyayaring lumipat si sarah bcoz sarah is viva not star magic...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 853  alryt_sabimoeh

    11/26/2009 | 10:30 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 852  soapier

    11/26/2009 | 10:29 AM
    bagong reyna ng star magic...


    pokwang... bea... kristine... kim... or PIOLO???

    sino kaya??? heheheh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 851  jhoda

    11/26/2009 | 10:28 AM
    i am so bitter...ahahaha...

    kawawa naman ako. mwahahaha....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 850  pepfanatic

    11/26/2009 | 10:28 AM
    807
    winmar_082402
    November 26, 2009
    10:17 AM

    ---------------------------------
    Ikaw naman sa dami ng titirahin mong singer si REGINE pa napili mo...Kahit sikat o laos man si Regine sya pa rin ang nag-iisang REYNA sa music industry...aminin nyo yan....Si Regine 39 years old na pero ung boses nya hindi pa rin makabog ni Sarah at Charice...Remember, please be careful with my heart? Sinira ng bonggang bongga ni Sarah...pero ung si Regine kinanta ang My Girl, My Woman, My Friend...napakagandang pakinggan at mas maganda pa sa original na kumanta...AMININ...

    SI REGINE SUBOK NA MATIBAY SUBOK NA MATATAG....lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 849  bettyboop29

    11/26/2009 | 10:27 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 848  Case

    11/26/2009 | 10:25 AM
    mgatigil ka at wag mong ibalandra ang Sarah dahil pinirata nu lang xa. at c charice mo na U tube sensation lang. Ang kalevel lang nun aso ,pusa at mga abnormal na my talent. Mahilig kc cla sa America sa mga mukang tarsier.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 847  pepfanatic

    11/26/2009 | 10:23 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About