Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
806 blithe
805 the_examiner
804 jazzywags
803 kapuso_ako_kahit_anong_mangyari
ang paglipat ni Claudine sa GMA7 at palipat ni Angel sa ABS ay magkaibang magkaiba.
si Claudine, ang tagal natengga. halos wala nang plano ang dos sa kanya at matagal na xang walang kontrata.
eh ung kay Angel? nasakanya ang focus ng network, priority xa at ndi pa man natatapos ang kontrata nya sa GMA, nakikipag transact na sila sa dos. kung ndi ba nmn kabastusan.
hindi ako bitter ha! hahaha... masaya na kami kay MR. ini-explain ko lang. hehe
802 hearthyjhoe27
thank you npkliwanag po ng explanation. un iba sna maintindihan. heheh.
801 soapier
800 matthewchristian
799 soapier
may statement na ba ang abs abt this???
798 hearthyjhoe27
797 jazzywags
796 soapier
kanino ??? kay PIOLO!!!
GO TEAM KAPAMILYA TAYO!!!!
795 Case
794 hearthyjhoe27
ang sbi ni alfie dpt dw tlga mtgal ng nsa syete c juday, kso mlaki tlga ang offer dw ni bakner eh, sinabi nya mismo yn, xmpre xa ang msusunod ndi c juday. syng un dtung eh. heheh.
793 soapier
may isang tao talaga na nagbubunyi dito.... heheheheh
si alfie!!!! hehehehe
792 Case
791 soapier
sabihin u yan sa mga kapamilya sa baba,.... heheheh
790 hearthyjhoe27
789 soapier
heheheh...
pabagsak na talaga ang abs....
susunod na si juday... wag kayong mag alala... heheheheh
788 dustmyeat
787 hearthyjhoe27
more comments