news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6549 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 746  jevin2

    11/26/2009 | 09:18 AM
    grabe i cant wait na magsama ang dalawang primetime queen ms claudine and marian ahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 745  Mistique

    11/26/2009 | 09:17 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 744  soapier

    11/26/2009 | 09:17 AM
    bakit ba kayo nagagalit kay claudine???

    eh ang nais lang naman nya ay magkaNO1 na soap...

    alam kasi nyang di yun mangyayari sa abs kasi palubog na ang abs.,..


    yaman ng kapuso!!

    magkano kaya ang TF nya???

    laki siguro..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 743  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 09:17 AM
    PEACE OUT. kalurky tlga. to the highest level. bahahah. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 742  Case

    11/26/2009 | 09:16 AM
    Wag magmayabang,, kc ang mga pinagyayabang nung mga artista at ckat ninyong tinatawag e galing sa GMA. 2laD NI Piolo Nu, aNGEL, jUDAY!! ILAN LANG YAN
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 741  goodlooks

    11/26/2009 | 09:15 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 740  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 09:12 AM
    kapamilya247

    okei lgn yn. ty dn puh. heheh. let's just support ung malalaking pangalan tlga sa showbiz. katulad ng mga binanngit q. heheh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 739  4dlynx

    11/26/2009 | 09:12 AM
    I think letting go of Claudine is not the right decision of ABS especially Mama Johnny M. Claudine is the face of Star Magic. She's a good actress, in fact, a very very good one. Bakit nyo sya pinakawalan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 738  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 09:11 AM
    smga ngssbing LAOS ang syete. ndi sna LAOS c ANGEL, at iba png mga artista, at news anchor n ngcmula s syete. boy abunda, karen davila, angel locsin, sarah geronimo, rachelle ann go, iya villania, mariel rodriguez, phoemela barranda, valerie concepcion, cristine reyes at mrmi png iba. ndi mbilang eh. kung s tutuusin un mga pinapasikat ng syete, tlgang patok eh, ky angel plng. bahahah. nttwa tlga q. peace out. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 737  jevin2

    11/26/2009 | 09:11 AM
    nyhahahaha kawawa kapams halos madurog ang mga puso dahil indi matanggap ang paglipat ng kanilang primetime queen
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 736  kapamilya247

    11/26/2009 | 09:10 AM
    687
    hearthyjhoe27
    November 26, 2009
    08:59 AM

    ok ty.. hehehe.. Goodluck na lang ms claudine
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 735  alexangel

    11/26/2009 | 09:10 AM
    kala ko si juday ang lilipat. mas ok sana yun kasi grabe na ginagawa sa kanya ng dos. yung teleserye nya 2 years in the making di pa naipalabas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 734  ask_me_to_stay

    11/26/2009 | 09:10 AM
    Sana hindi na lang siya sumali sa concert ng Star MAgic last Nov. 13.. sabi pa nya na si Mr. M ang pangalawa nyang ama sa showbiz, ang ganda na ng kinang mo sa ABS-CBN, tapos sasayangin mo lang.. magiging tanso ka na lang dyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 733  kinabog

    11/26/2009 | 09:08 AM
    ABS glory days is over since 2004.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 732  rg_ysabelle

    11/26/2009 | 09:08 AM
    comentarista

    agree aq sau mam/sir...sana ganyan din mag-icp ung iba dito...godbless!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 731  alexangel

    11/26/2009 | 09:07 AM
    kapuso ako pero di ako masyadong excited sa paglipat ni claudine. maldita daw kasi eto.

    or baka na-bwisit na rin si claudine sa palakasan sa magic kingdom. oh well. . .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 730  4dlynx

    11/26/2009 | 09:07 AM
    Malaki ang kaibahan ni Angel at Claudine when they switched networks. Si Angel nung lumipat kasagsagan nya, siya ang reyna ng GMA at that time. Itong si Claudine ng lumipat, wala na syang shows sa ABS at hindi na sya hot artist.

    Dun lang malalaman nyo na kung bakit maraming naiinis kay Angel. Para yung asawa mo na nangaliwa. Katanggap-tanggap ba yun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 729  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 09:06 AM
    ganun po tlga rg-ysabelle.

    my mga taong kht kausapin mo ng maaus, lalo p clang ngglit eh. tsk3. sorry poh. pro truth really hurts. heheh.

    inaantay q lng nmn d2, kung kelan nmn mgsisilipatan ang mga alaga ng VIVA, mdmi un at big stars p. maayos nrn ang relasyon ULIT ng GMA at VIVA eh. i can't wait na. peace puh. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 728  snow_country

    11/26/2009 | 09:05 AM
    good career move. she's not getting any younger!

    goodluck sa mga striving next big star ng gma 7!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 727  rg_ysabelle

    11/26/2009 | 09:04 AM
    welcome to Kapuso Claudine...Pakiusap:if you don't have something good to say, just shut up na lang, ok?!?hay, mga bitter talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About