Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1986 ABSCBNThe1stPhilippineTVStation
kaya sana hindi matanggap, kasi di uubra ang unprofessionalism sa channel 2, lalo na kung hindi na bankable ang star.
1985 ABSCBNThe1stPhilippineTVStation
si willie na lang talaga ang laging exempted kasi wala pa silang makitang malakas na panlaban sa eat bulaga bukod kay willie na asal kalye.
si juday kasi di ko pa naringgan na na-late o nagpakaprimadonna.
pero itong si clau, marami ng umaayaw sa ugali nya, kaya siyempre, mas naging priority ang kapakanan ng mga staff bukod pa sa mahirap pag-isipan ang re-packaging ni clau simula ng mag-asawa siya, mukha na talaga siyang nanay.
1984 kinabog
hilippineTVSt
ation
siguro, may ibang business strategy ngayon ang channel 2...si Juday nga pinaghintay rin naman ng matagal
__________
business business strategy ka dyan. Profit nga nila ang baba compared sa GMA. utang nila lumalaki.
Pwede ba, company na nga hindi maayos ayos artista pa kaya? hihihihihi
1983 kinabog
natawa ako sayo sa Mega manila ratings post mo.
Dahil sa mind conditioning ng AGB ratings nagbawas ng empleyado ang ABS?
anong klaseng rason to? Kung ganon hindi ko akalain na ganon nagisip ang ABS management. They relied on AGB mind conditioning. Hihihihi
ibang klase ang pagka die hard fan mo. Nag iisa ka. Hihihi
1982 ABSCBNThe1stPhilippineTVStation
siguro, may ibang business strategy ngayon ang channel 2...si Juday nga pinaghintay rin naman ng matagal...
itong si claudine talaga, hindi nakapag-antay, alam mo naman sa ABS-CBN, pinag-iisipan talaga ang mga kwento...
pero kung gusto mo ng ready made na mga storylines from Mexico and South Korea para tuluy-tuloy ang shooting at trabaho mo, e di go...para may pera ka, kaso di naman nasusukat ang stardom sa quantity ng tv shows, tingnan mo nangyari kina jolens at heart, parang biglang naging unknowns...
1981 ABSCBNThe1stPhilippineTVStation
e ang mga bossing ng Channel 7, sa paglipat noon ni Angel, anu-ano pinagsasabi: walang utang na loob, inggrata, ahas, mukhang pera, at di na makakabalik yan dito...
tapos galit na galit pa sa Channel 2 sa pamimirata, e gagayahin din naman pala nila...
buti pa si Juday, kahit matagal ng inaawitan ng GMA at 2 years na nag-antay sa kanyang soap opera, chose to remain loyal...yan ang genuine kapamilya...
1980 admu_370z
aniston
November 28, 2009
21:49 PM goodlooks
Contrary to what you assuemd, di po kami uhaw sa mga sikat. Ang totoo, di naman kailangan ng Kapuso network si Claudine, sya ang may kailangan ng work kaya siya lumapit. Ang ABS nga ang uhaw sa mga artista ng GMA that's why they keep on pirating kapuso talents
======================================
Correct. At, merong napaka obvious na evidence. hehe.
1979 careermuna
1978 whimsical
1977 bubbly
1976 mxl0339
1975 apolinario
Anyway goodluck to Clau.. I know Movie ang habol nya...
Panu yan Clau? di kana pang Worldwide.. wawa naman.. basta may project lang..
Si Gozot tlga oh.. nakadalawa nang magaling na aktres from ABS-CBN ah... Heart and Clau..
O well its not a big deal kaya tama na tong isang comment ko.. hehehe
Goodluck nalang po.
1974 aniston
Contrary to what you assuemd, di po kami uhaw sa mga sikat. Ang totoo, di naman kailangan ng Kapuso network si Claudine, sya ang may kailangan ng work kaya siya lumapit. Ang ABS nga ang uhaw sa mga artista ng GMA that's why they keep on pirating kapuso talents.
1973 aniston
Wag po masyadong mayabang, obviously you don't know how good an actress Marian is. She can go head to head with Claudine in acting. I'm just being objective here.
1972 megortilla
1971 oopss
kaya its not bad.
iba iba nman kasi ang sitwasyon ng mga talents sa paglipat may good and bad feedback sa mga tao.
kay angel lang ang lumala kasi nagulat ang lahat sa ginawa nya. pinagpalit ang lhat sa kwarta..wala siyang pakialam kung nhirapan ang mga umagapay sa pagsikat nya bsta siya mraming pera tsk.tsk..
pinapasikat nlng ng ABS kasi nga sayang nman ang kasikatan ni angel kung di nila ire-remain..sila nman kasi ang lalabas na msama kung di nila remain ang shine kuno nito pgktapos nilang bingwitin ito..
1970 yzel18
1969 faceball
1968 admu_370z
offshore
November 28, 2009
17:41 PM 1720
banky
November 28, 2009
09:40 AM I feel sorry for claudine. cos di talaga sya kawalan sa ABS. ABS has so many young, versatile and talented actresses. she may have the name na, but still she will not be able to compete with ABSCBN young talents. The likes of Judy Ann Santos, Angel Locsin, Bea Alonzo, Kim Chui, these are the talents ABSCBN wants to keep, versatility is more important to them. But unfortunately, GMA, base from its track record, does not produce quality projects. Kaya di magagaling yung mga artista nila. Kulang sa trainings, workshops. I just wish Claudine will be given good projects.
=======================================
Kulang ba sa trainings and workshops ang GMA? so bakit nila pinirata si ANGEL kung ganun?haha. jan pa lang, patay na agad argument mo. Also, if ur saying na kulang sa versatility si Claudine, how come tumagal siya sa ABS for 17 years and sumikat siya sa ilang telen
1967 notsonneutral
more comments