news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6597 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 646  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 07:22 AM
    my quickfriend.

    FYI po, mgresearch po kayo, dhl halos quits n ang pinoytv at tfc subscribers s ibng bnsa, 200 k over halos quits n cla sa buong mundo yon ha. at dti wlng pinoytv d2 s US, naun meorn n s ibng states, un iba unti unti ng nagsiswitch. Nagsurvey po sa little manila sa california, kung saan mrming filipinong nktra, at ang gs2 nla pinoytv, umaayaw n cla sa tfc, gwa nung mga ngyring kbblaghan sa wowowee. mlkas sna ang htak ng wowowee, kso bglang nabago gwa ng hambogers nilang host. syng nga lng. at ang filipino community po d2 s state plng ng michigan, ay gs2 nrn mgswitch ng iba, un iba ndi msya sa serbisyo ng tfc. mgsearch po. ngayon p, dumarami n ang pinoytv subscribers d2 s US, n isa s pinakamarming pinoy. tsk3. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 645  kadabarkads

    11/26/2009 | 07:19 AM
    Tagal na pala ng huling pelikula nya. Kaya pala lumipat kasi napabayaan na ng dos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 644  almond143

    11/26/2009 | 07:16 AM
    ang arte mo, claudine. sabi mo noon hindi ka lilipat. not that i care! di ko alam network war dahil hindi ako involved dyan in any way. but i remember you saying happy ka sa channel 2. sige, magpaputi ka na lang nang husto at magparetoke hanggang kakulay mo na si michael jackson at yung bond paper hehe. kakatakot kulay mo sa huling teleserye mo. mga katabi mong artista sila gabby normal ang kulay, ikaw parang papel. hellar??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 643  jomydiaz

    11/26/2009 | 07:16 AM
    claudine looks very motherly. which is both good and bad if u are an actress.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 642  jhieche

    11/26/2009 | 07:12 AM
    welcome, claudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 641  Case

    11/26/2009 | 07:11 AM
    Salamat naman Claudine at mapapanood na kita sa GMA, I don't watch shows sa Abs coz I find the shows cheap at baduy at hindi masyado marunong umarte artista nila.At wala ako masyado kilala dun. Makikipagsabayan ka din nga lang sa artists ng GMA, magagaling din gaya mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 640  hotbread

    11/26/2009 | 07:09 AM
    if you cannot beat them then join them
    ito siguro ang nasa isip ni claudine, walang proj sa mother studio expired ang contract ano ang susunod?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 639  quickfriend

    11/26/2009 | 07:04 AM
    Mga Peps - Maraming sikat na stars sa ABS-CBN, small fish in a big pond nalang ang category ni Claudin sa ABS. Isa pa, ABS lang ang may pinakamalas na signal sa buong Pilipinas. Kaya kahit saang sulok ng bansa napapanood ang ABS-CBN stars. Ganoon din ang TFC, pinakamalakas sa buong mundo....bakit hindi kasi maginvest ang GMA at pagandahin ang kanilang infrastructure para naman mapapanood sila sa buong Pilipinas. Sa lugar namin sa Visayas, hindi malinaw ang signal ng GMA kaya puro ABS-CBN nakatutok ang mga tao. Ito ang pinakamalaking advantage ng ABS-CBN over GMA...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 638  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 06:51 AM
    ampalaya in the house. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 637  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 06:49 AM
    anu b yn ngcclipatan na. ndi lng new celebs eh. pano p kya pg ngkaron n ng contract ang GMA at VIVA, VIVA ang isa s pnkmaraming hawak n talent big stars, like sarah, anne curtis, tsk3. pg ngsundo n un dlwa, blik s dti n nmn. K2ld dti, GMA at VIVA join force, kya dba c sarah ngcmula dti s 7, pti rachelle ann go. pro nun ngkron ng mlkng prob, ngober da bakod, impake knbukasan pgkpnlo ni rachelle ang buong viva family. lalo p naun, ngkkaayus n ult ang viva at gma, naku mlking threat i2 s dos. kc dti sumaya cla ngaway ang viva at gma eh. panu n yn naun??? tsk3. ngcclipatan n. unti unti n. c angel dn dw bka lumipat n s viva, pg ngktaon i2 mggng 2lay pra bumlik c angel s mother station nya, gs2 rn nmn tlga nya bumalik eh. d lng nya mgwa, dhl s manager nya. tsk3. mgndang move yn. GO VIVA GO GMA. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 636  jhunsulit

    11/26/2009 | 06:47 AM
    Not a wise move..! Sorry to say that her career is going down like the ex-kapamilya stars hows kapuso now...

    goodluck nlng...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 635  youngoldmaid

    11/26/2009 | 06:40 AM
    sariling opinion lang po:

    sa tingin ko lang ayaw naman nya talaga umalis sa poder ng ABS kasi don na siya nakilala at lumaki. no choice na siya kasi nga di na sya mabigyan ng projects ng ABS. sa dami nga naman ng mga stars sa ABS talagang hndi na sya masyado mapapansin.

    Isa pang dahilan kaya cguro wala syang projects kasi tumaba na sya ng bonggang-bongga. sana magpa-payat sya para naman bumenta sya ulit sa movies and seryes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 634  182395

    11/26/2009 | 06:36 AM
    good na rin kasi pwede na syang bumaba ng kanyang pedestal .. just like what Heart said - kailangan nyang magpaka baduy para bumagay sa mga viewers na baduy hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 633  tintoy_luis

    11/26/2009 | 06:28 AM
    hay salamat wla ng MAYABANG sa ABS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 632  olympus1

    11/26/2009 | 06:20 AM
    i was totally suddened by this news, but anyways...Claudine ,you are a great actress and I pray that you to succceed your career with the network you are with now.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 631  maka_bansa

    11/26/2009 | 06:19 AM
    Good luck Claudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 630  4dlynx

    11/26/2009 | 06:07 AM
    Dinispatcha na ng ABS si Claudine at nanganganib na rin lahat ng mga artistang binigyan ng primetime show na di kinabog ang show ng GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 629  lucky7

    11/26/2009 | 06:06 AM
    good luck to you. it's time to move on kung wala nang projects sa iyo ang ABS. nag conconcentrate and ABS sa mga newbies dahil mas mura ang fees nila. para makabayad ng malaking utang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 628  pingot78

    11/26/2009 | 06:06 AM
    am sure another remake and gagawin ni claudine
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 627  happyperson1966

    11/26/2009 | 06:02 AM
    Mabuti na yan para magkasama na silang mag-asawa sa iisang network. Hindi maganda sa pagsasama nila na magkalaban ang mga TV networks nila.That's good news to the talents of ABS. Hindi kawalan si Claudine sa ABS. GMA will offer her nice projects initially para lumipat siya, but after the first contract exprires, diyan niya na mararamdaman ang difference. Diluted na nag stardom niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About