news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6603 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 546  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 03:37 AM
    ang alam q kc, gusto na nyang bumalik sa syete dti p eh. ngccc dw xa n lumipat xa, k2ld ni cristine reyes. ang sbe nya sa taping ng only you, n bt p kc dw sya lumipat lipat. un manager lng tlga ang problema nya eh. cguro nga gs2 nya bumalik. sna bumalik nga xa. pra lalong mgng thrill un fans ng dlwang stars ngayon, si angel at marian. kung skli. un tlga dream q. heheh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 545  DodingDaga

    11/26/2009 | 03:36 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 544  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 03:35 AM
    opo. knina q lng rn nlman. hehe. huli n tlga q s blita jan. nbasa q lng smga nagcocomment d2 eh. pepster active aq, thanksgiving kc ngayon wlng pasok. thanks sa info mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 543  Ney

    11/26/2009 | 03:34 AM
    sakali mang lumipat si Angel sa Viva, mukhang di yan palalabasin sa GMATV. sa Films lang siguro
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 542  Ney

    11/26/2009 | 03:33 AM
    eh yung paglipat nina Christopher Deleon, Susan Roces sa GMA alam mo na?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 541  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 03:32 AM
    ah, alam ko po un about ky KC, sharon, judy anne. pro un kla rachelle ann go, at christian bautista, dun aq nachock eh. umpisa na yan. join force na ULIT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 540  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 03:30 AM
    ay. lumalabas na ang mga ampalaya.

    uu nga, gnun dw eh, pero sbe si anne curtis dw un ktambal ni RG sa valentines movie nila. Wah. anu ba toh ang gulo eh. Pero kung si angel man. grabeh!! patok na nmn oh. Sna mgunder VIVA nlng xa. pra pde s both station, at least un mga gusto ng tao n pgtambalin eh magagrant na. hay. salamat. magandang move ito ng viva. hindi lng pla si claudine ang lilipat. bongga na ha. nbsa q n un about angel eh, sa viva, sna nga lumipat nxa sa viva.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 539  Ney

    11/26/2009 | 03:29 AM
    sina Judy Annes, KC, Sharon nakakapag guest sila sa GMA ng walang problema.

    si Ryan Agoncillo pala host na ng Eat Bulaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 538  Ney

    11/26/2009 | 03:27 AM
    marami atang lumilipat sa VIVA kasi puwede silang magappear both sa GMA at ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 537  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 03:27 AM
    wow. susyal nmn pla!! grabeh n toh ha. lipatan n tlga ng bakkod. paguest guest n ang mga artist ng viva. mgndang move yn. npksusyal n tlga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 536  maedominguez

    11/26/2009 | 03:26 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 535  kapuso_breed

    11/26/2009 | 03:26 AM
    i just read from other site na si ANGEL daw ang makaka-partner ni richard sa valentine movie next year na produce by viva and GMA....

    baka daw pipirma na ng kontrata si angel sa viva at hindi na sa STARCINEMA....

    well, if that's the case, good move un kay angel naging malaking bahagi si RG sa career nya noon at pwedeng mamukadkad uli ang career nya ngaun with RG around.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 534  spicy1

    11/26/2009 | 03:25 AM
    aminin nyo na wala na talgang kinang tong si malditang claudine....sana maganda ang outcome ng kanyang paglipat...hayaan nyo na sya...talagang ganun ang buhay...walang permanente...just like us ordinary people na pag ayaw mo ang yong work then go ahead and find another one...its her privilege
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 533  Ney

    11/26/2009 | 03:25 AM
    ito mga nakita ko lately sa GMA

    Vina MoralesWT
    Jed MadelaWT
    Rachelle Anne GoEB
    Mark bautistaEB
    Sheryn RegisEB
    Christian bautistaWT,FF,EB
    Judy Anne
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 532  Ney

    11/26/2009 | 03:20 AM
    kaya siguro walang press release ang ABS kapag may lumilipat sa GMA ay dahil wala silang masabi lol. wala naman kasing project so ba't magrereact.

    compared sa GMA. may mga projects tapos biglang lilipat. siyempre may say sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 531  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 03:20 AM
    ney

    kelan toh??? nnunuod lng aq s internet eh. kya lge aqng active. tlga??? naggueguest n cla christian bautista, rachell ann go??? grah ito!! nalolokah na ko!! i wish, lumipat n c angels viva. pra blik GMA ult xa. kung mgktaon. under negotiation p dw eh. grabeh!! can't wait na tlga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 530  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 03:18 AM
    ay!! grabeh kalokah nga un. pg ntuloy un join force ulit ng gma at viva. grabeh. nkklokah. lipatan n ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 529  Ney

    11/26/2009 | 03:18 AM
    pati sina Christian B, Regis, Rachel Anne, madalas na mag guest sa GMA dahil sa viva? tama ba lol. si Christian B sumasayaw pa talaga sa family feud haha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 528  iGMAdotTV

    11/26/2009 | 03:15 AM
    kabayo ngyhrr hrrr

    kasi naman yung isang kabayo may show ngayon sya wala. kaya ayan lumipat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 527  lyka25

    11/26/2009 | 03:15 AM
    Oo nga may problema yata talaga ang viva films and star cinema kaya may nabasa ako na hindi na yata matutuloy yung juday sarah dahil co produce ng viva at star cinema so big news pag nagkataon yung pag lipat ni Sarah sa GMA-7 kung matuloy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About