Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1966 notsonneutral
---
anu show ba yun nangunguna e dmii lang ang panalo nanganganib pa pag pasok ng full haus hehe!
1965 gillyn21
1964 Case
1963 pathetic0inggit
good choice Clau...
ngayon pa may pamilya ka na
dapat talaga kayod.
i think juday man e nagiisip na rin.
tutal graduate ka na sa pa-star-star
what you need now is work work
and work para may money! dba?
1962 xoxogg_100
1961 xoxogg_100
may pa wish2 ka pa kay claudine..mag iwsh ka kaya na maging artista tapos, ewan ko lng papasa beauty mo..tapos mag -act ka sa TV at ako mismo maghusga sa acting mo.. tingnan natin.. siguro isa kang PATAWA
1960 nethguzman
1959 sweetum
1. Galit parin sya kay ANGEL, knowing may projects na magaganda ang huli.
2. Frozen delight sya kasi di na sya pwedeng maging bida, ang role nya nanay na ni Piolo.
3. Pwedeng sabihing walang utang na loob? ewan ko lang, ganon naman lagi ang binabato sa mga naglilipat.
4. Si Raymart nasa GMA, gustong buuin ni Claudine ang loveteam nila.
5. Insecure sya sa mga stars ng DOS sa dami at kahit wala sya sa primetime, nangununga ang mga baguhan.
6. Di siya kawalan.
7. NAging mukhang matrona daw sya don sa star magic ball.
8. Nang magshow sila dito sa US, la na sya pansin, konti nalang ang pinalakpakan, pinag bus ng ABS from LA-SAnFO samantalang ang ibang bigstars, nag plane.
9. No more pera. need trabaho. nabahaan.
1958 ChattermanNiceGuyJp
1957 offshore
banky
November 28, 2009
09:40 AM I feel sorry for claudine. cos di talaga sya kawalan sa ABS. ABS has so many young, versatile and talented actresses. she may have the name na, but still she will not be able to compete with ABSCBN young talents. The likes of Judy Ann Santos, Angel Locsin, Bea Alonzo, Kim Chui, these are the talents ABSCBN wants to keep, versatility is more important to them. But unfortunately, GMA, base from its track record, does not produce quality projects. Kaya di magagaling yung mga artista nila. Kulang sa trainings, workshops. I just wish Claudine will be given good projects.
_______________
clueless 'to or hindi nito naiintindihan ang mga sinasabi niya.
hindi daw versatile si CLaudine compared dun sa mga binanggit nya. hahahaha
1956 Case
1955 fanhan
hilippineTVSt
ation
ikaw talaga makapagsalita parang nandun ka sa meeting ng lipatan hahaha...magkano bayad sa abs sayo? napaka TH mo dapat bayaran ka nila huh.. lol
1954 oopss
1953 angel38
1952 happyme
1951 oopss
kinabog
November 28, 2009
11:45 AM si claudine na daw ang bagong reyna ng GMA.
Excuse lang mga die hard fan kapamilya ha. Huwag nyo itulad ang management ng station nyo sa GMA.
Naging reyna ba ang angelika, camille, jolina at heart nung lumipat? Not! isa lang sila sa mga hindi nawawalan ng projects dahil alaga pa rin nila ang homegrown talents nila.
Ang GMA may phenomenal stars, big stars, veteran stars, homegrown stars, starlets at new artists at lahat yan hindi nawawalan ng projects.
Sa ABS veteran, big star at pirated stars nalang meron kayo. asan na ang mga bagong homegrowns, star circle at star magic artist? They can no longer build a star. Tapos na ang panahon ng ABS. hihihihi
-------
korek ka jan kinabog plus points.
kinabog mo sila. 0
1950 oopss
kaya its not bad.
iba iba nman kasi ang sitwasyon ng mga talents sa paglipat may good and bad feedback sa mga tao.
kay angel lang ang lumala kasi nagulat ang lahat sa ginawa nya. pinagpalit ang lhat sa kwarta..wala siyang pakialam kung nhirapan ang mga umagapay sa pagsikat nya bsta siya mraming pera tsk.tsk..
pinapasikat nlng ng ABS kasi nga sayang nman ang kasikatan ni angel kung di nila ire-remain..sila nman kasi ang lalabas na msama kung di nila remain ang shine kuno nito pgktapos nilang bingwitin ito..
1949 oopss
hindi nya inisip ang hirap kung pano siya pinasikat ng GMA tpos ni-offeran lang ng malaking pera ni-grab agad. hindi na daw baleng mawala ang prinsipyo at dignidad nya. basta may pera siya nyahahha..nasilaw baga..tsk.tsk.
1948 ak1nna
1947 akoyisangpinoy
more comments