Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
526 xspring
525 Ney
Christopher De Leon, Susan Roses, Claudine.
sino kaya sunod??
magaagawan na ang mga kapuso stars sa telebabad!.
sana mapasama si Claudine sa Encantadia
524 hearthyjhoe27
523 winged_angel
Alam ko na why lumipat si Claudine! Dahil kay Mark Anthony Fernandez! hahahaha
Sikat kasi si Mark again, gusto siguro ni Claudine mag-work sila para mapansin siya ulit. Hay naku, she looks sooo old na and matronly, Mark is still so youthful and goodlooking.
If I were Mark, I'd be careful, jinx si Claudine sa mga guys. Mark's career was ruined when they were together, wala ding nangyari kay Erik Fructuoso, then si Rico Yan, died very young. Hay naku, Mark stay away. Stay far far away!
522 pangitkopangitkarin
521 kikay75
520 louey_bolton
519 hearthyjhoe27
npnuod q yn s 24 oras ata un. kc ininterview viva at sarah geronimo. gwang under viva xa. mgkakalipatan nga dw ng talent pg ngkataon. un ang sbe, kc umaayos n dw ang relasyon ng gma at viva. eh mrming hwak ang via dba. pro ndi q alam kng me prob ang viva at star magic? totoo b un? source nmn. pls.
518 adjang28
517 lyka25
516 hahahanalang
sana maalagaan ka ng gma 7.
isa ka sa mga idolo ko sa abs-cbn.
i hope you made the right decision.
kapamilya here..
515 concernedpinay
514 hearthyjhoe27
513 kapuso_breed
nice move.....sa panahon ngaun dapat ang isang artista palaging nakikita sa tv or movie kung hindi mababaon ka nlang sa limot ......
sa kapuso marami kang projects cgurado yan dahil maraming naka-lineup na tv shows.....
sa kapamilya paabutin pa ata ng isang taon ang WALA NG BUKAS PA at kawawa ung mga NAKATENGGA jan sa ABS like angel,juday,shaina etc.....
RYAN,CLAUDINE,SUSAN ROCES ha ha ha sino pa kaya ang susunod?
512 hearthyjhoe27
511 sitsitali
yong post na lilipat si diether, mukhang di na sya tatanggapin ng GMA7 pagkatapos ng ginawa nya. o ano na next project nya after Only You with angel and sam?
510 nasty_taz
509 Aldrich18ofUSA
508 BRENDAN37
507 puckerlips143
more comments