news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6568 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 406  travis05

    11/26/2009 | 12:09 AM
    Fact: Ang pinakasikat na male at female stars ngayon ay nasa GMA.
    Sa men's side, Manny Pacquiao.Siguro naman,kung ipalakad sa labas silang dalawa ni John Lloyd,e di hamak naman na mas sikat si Pacquiao.
    Sa women's side naman,Marian Rivera.
    Kung silang dalawa ni Kim Chiu o kahit sino pa ang itapat ng Dos at pagalain sa labas,aba,e di hamak naman na mas kilala si Marian.Teka,sino ba si Kim Chiu?Sya ba yung nasa Lokomoko High? Haha! Ay,Kim Gantioqui pala yun.Hahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 405  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 12:08 AM
    actually un ang huling blita q, busy dw c jolina sa singing career nya after adik sayo kc acting career nya un. c heart nwla, naun bumalik ult ang career. aminin n ntn, ckat tlga c marian at angel, kming mga filipino d2 s ibng bnsa, umaasang bblik at bblik prn c angel, huling blta kc nmin, ms gs2 tlga nya s syete. ang manager kc lng tlga ang problema nya. cnabe nya yn s taping mismo ng only you dti p, kso wla n xang mgwa, dhl me kontrata xa eh. tngnan nlng ntn mngyyri pg ntpos n ang kontrata nya s kabila. ang manager nyang c becky aguila ang gahaman tlga s pera eh. c bayani confirm nrn, dhl npbyaan n nga rn. kimerald ang focus ng kabila, kktpos plng ng proj mron n nmn, prng s gma dn, dongyan ang focus. i hope mtuloy un sa viva, at gma, dhl ang hwk ng viva, cla anne curtis, sarah, at mrme png iba. sna nga m2loy. pra mgkron nmn ng thrill ang mga palabas ng both station.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 404  hearthyjhoe27

    11/26/2009 | 12:03 AM
    Mgnda humawak ng talent ang GMAlt; kung LAOS pla ang GMA, edi LAOS dn c miss angel, dhl pg cnbeng angel locisn, ang ppsok s icp ng tao, GMA 7, pg cnbeng marian, GMA prn, pg cnbeng claudine oh juday, ABS ang pumapasok s icp ng tao. tatak n yn. dhl yn Ang MOTHER station nla. kung sn cla sumikat at lumipat ng msilaw sa pera. at isa p, ndi lng c angel, toni, mariel, phomela, boy abunda, karen davila, jake cuenca, cristine reyes, at marami png ibang artista. lalo n un mga hawak ng viva. lht nsa GMA yn dti, ngkron lng ng ober da bakod, dhl ngkron ng conflict ang GMA at VIVA dti, mgulat kau if one day, mkta nyo ang mga artista ng viva n me project dn sa GMA. lalo n naun, nggng maayos ult ang relation ng VIVA at GMA. mgnda yn, at least, un mga artistang me potential n pagtambalin, eh pgssmahin s isng programa. Go lng. Kya ang mga ampalaya. wg ng aapil. Kung LAOS ang GMA, LAOS dn pla ang mga artistang sinulot ng ABS n gling s GMA. truth really hurts tlga. pro un ang k22hanan. sulutan lng yn. pro ms mrmeng nsulot ang k
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 403  archiefan

    11/26/2009 | 12:02 AM
    primetime soap for marian-claudine-mark anthony-dingdong please.

    Im glad na dumadami na ang mga sikat na primetime stars ng GMA. We have marian, claudine, heart, carla sige isama nadin si rhian. hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 402  Aldrich18ofUSA

    11/25/2009 | 11:59 PM
    aww... Sana mag stay nga si jolina sa GMA! hindi ko alam na busy pla siya sa album nya! hehehe
    Si BAYANi LILIPAT na rin dw
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 401  archiefan

    11/25/2009 | 11:59 PM
    sinong manager niya? si jolens naman kaya di na sumikat dahil hindi nabigyan ng magangandang project bulok ata manager. bakit naman si heart evangelista lalo pang bumongga ang career ng lumipat sa kapuso. Welcome claudine galingan mo lang sa pagpili ng project para mas sumikat ka pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 400  Aldrich18ofUSA

    11/25/2009 | 11:58 PM
    lol, katawa-tawa ang iba dto.... PINAG AAWAY ba naman si Marian at Claudine?? lol... isa lang ang naka away ni Claudine at si Angel yun... sipaan sa parlor, lol


    hay salamat, nakalabas na rin si Claudine sa ICE AGE ng ABS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 399  hearthyjhoe27

    11/25/2009 | 11:58 PM
    aldrich

    it's not true, jolina is still part of GMA, actually, ang sbe mgkkron dw sya ng bgong album, dhl ngfofocus xa sa singing career nya ngayon after adik sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 398  hearthyjhoe27

    11/25/2009 | 11:55 PM
    yes. magkakaron nrn ng pinoytv d2 s US. whahah. filipino community from michigan states plng, nghhnda n mgswitch. can't wait.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 397  Aldrich18ofUSA

    11/25/2009 | 11:55 PM
    Totoo bang tsismis na BUMALIK na dw si Jolina sa ABS????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 396  winged_angel

    11/25/2009 | 11:55 PM


    Aling Dionesia, iz dat you? LOL

    Ewwww, bakit kinuha yan ng GMA?
    Has been na, demanding pa. ABS did the right thing by letting her go because she's not worth all the effort, her time has long been gone. Dapat di na rin to kinuha ng GMA.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 395  pingot78

    11/25/2009 | 11:54 PM
    pre madonna kasi at inaway pa si angel hayan ang napala mo claudine...like kita until you fought with angel.

    si angel milya milya na ang layo nya sayo heloww
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 394  topengga

    11/25/2009 | 11:54 PM
    I was not shocked because I have not seen her for awhile, except for a few guest appearances. I am not a big fan of Claudine so it really doesn't matter if she moves to a different station. Like any other employee, an actress can find another job that can give her the benefits that she wants. Hopefully, Claudine moved on to greener pastures.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 393  hearthyjhoe27

    11/25/2009 | 11:52 PM
    bkt b mrmeng ampalaya sa mundo???whaheheh. npghhlata, uuuiii.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 392  mismogizmo

    11/25/2009 | 11:51 PM
    Wow, finally may napiratang sikat ang GMA. Talagang nagmadali ang GMA na piratahin siya. LOL.

    Goodluck Claudine. Sana hindi ka magaya sa mga sikat na lumipat sa GMA na naging laos kagaya nina Richard G., Jolina M, Pops F., etc.

    Patay si Marian nito. Hindi puede ang katarayan niya kay Claudine. Papalubog pa naman siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 391  pangitkopangitkarin

    11/25/2009 | 11:47 PM
    good luck Claudine....... hindi naman magiging bitter syo ang mga kapams kasi iba naman yung case mo aky Angel dati, kasi naging ice age ka nga naman sa kanila samantalang si Angel nun nasilaw sa pera at ingrata. kaya good luck syo kasi may family ka nga naman na dapat buhayin kaya kilangan mo ng work...... good luck and God bless.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 390  keepondreamin

    11/25/2009 | 11:44 PM
    nyahahhhaa....labas ampalaya labas...

    welcome claudine and good luck
    kapuso number 1 sa aming mga puso...weee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 389  puckerlips143

    11/25/2009 | 11:44 PM
    meron ng katapat si claudine sa gma si marian kapag ginawa nya pagtataray dyan kay marian hek hek lagot sya yan ang katapat nya for sure si amrian hindi yan tatahimik like al...go ako for marian lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 388  Aldrich18ofUSA

    11/25/2009 | 11:44 PM
    WELCOME sa GMA Claudine.. at last ma EEXPERIENCE mo rin kung PAANO mag ALAGA ng GMA ng artista.... tanungin nyu mga artista kung sino ang mas MAGALING MAG ALAGA ng mga talents nila??? Dba Joey de Leon???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 387  ny_2009

    11/25/2009 | 11:43 PM
    ganyan talaga ang buhay, sisikat ka at lalaos ka din. si claudine kasi gusto nya sa kanya palagi ang tutok ng ABS, which is not bad kasi malaking bahagi then sya ng network but you know, there a lot of new talents that deserves to have their own time also. atleast hindi lng si marian ang glow ng gma7, kailangan ka ng network para matumbasan ang ABS hahah thats too sad kasi sikat ka na naman talaga so they don't need to work hard para kumita ang network nila. goodluck sayo I'm sure you deserve this changes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About