news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6590 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 366  khikkai

    11/25/2009 | 11:21 PM
    MArian and Claudine in one project!!! sure ball ito, maloloka nanaman ang ABS sino itatapat nila! LOL!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 365  Aldrich18ofUSA

    11/25/2009 | 11:21 PM
    TRUE, CLAUDINE at MARK ANTHONY sa isang show.... PATOK na PATOK talaga!

    Please, GMA... i cant wait!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 364  Aldrich18ofUSA

    11/25/2009 | 11:20 PM
    LAOS dw yung mga artista ng GMA, hahahahhaha what???????????????


    Eh sa kabila ano, na FROZEN ? lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 363  dalegend

    11/25/2009 | 11:20 PM
    as usual....saan ba ang bagsakan ng mga matatanda at OSLA!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 362  kinabog

    11/25/2009 | 11:19 PM
    Claudine and Mark Anthony siguradong patok to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 361  Aldrich18ofUSA

    11/25/2009 | 11:19 PM
    Is that TRUE??? Gagawin ni Claudine ang heavy drama remake na quot;Gumapang ka sa Lusak?quot; Goodluck!
    I want to see Marian and her in one project!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 360  kinabog

    11/25/2009 | 11:18 PM
    spdrcr0260

    laos ang mga artist ng GMA? baka sa network mo gustong sabihin yan. Mismo ang network mo ang nagpapalaos sa big stars nila. Dolphy, Maricel, Claudine, Judy Ann tapos Piolo. Sino nalang ang sikat? John Lloyd nalang pambato nyo. hihihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 359  Aldrich18ofUSA

    11/25/2009 | 11:18 PM
    hahah., TAMA nga ako... NILAIT na ng mga Kapamilya si Claudine. laos na dw, hahaha... well tingnan natin sa mga upcoming shows nya sa GMA! abangan ka namin Claudine sa Primetime ng GMA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 358  khikkai

    11/25/2009 | 11:18 PM
    i am so exicted for u ms. claudine! dont worry kasi kaming mga DONGYAN fans e maligaya sa paglipat mo!!!! cnt wait to see u on GMA PINOY TV!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 357  khikkai

    11/25/2009 | 11:16 PM
    Claudine-Mark Anthony
    MArian -Dingdong project please!!?paging GMA......pagsamahin ang apat na ito cguradong taob nanaman ang ABS! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 356  marian_4ever

    11/25/2009 | 11:15 PM
    wow so excited to see her in GMA pinoy tv.. Go Claudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 355  djrw76

    11/25/2009 | 11:14 PM
    A reunion project for Clau and Mark Anthony, perhaps.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 354  spdrcr0260

    11/25/2009 | 11:14 PM
    GMA 7 No.1..??? Sa Metro Manila lang. At laos na ang mga artist nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 353  paulinbai

    11/25/2009 | 11:13 PM
    a better move for claudine.
    a frozen delight now melts and shine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 352  hearthyjhoe27

    11/25/2009 | 11:09 PM
    hay naku. makaraan lng ang ilng taon. pgsswaan dn nla c angel noh, pti un ibng artistang sinulot nila sa syete, n sikat tlga. suluterang network tlga eh. nkkpgbuild up nga ng mga artista, pro tngnan mu nmn mgpckat ang syete, sikat tlga, isa n d2 c Miss Angel Locsin. Pg nrinig ng mga filipinong nsa ibng bnsa ang pngalang angel locsin,ang unang pumapasok s icp nla GMA 7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 351  red_radiance

    11/25/2009 | 11:09 PM
    ouch...pero malalaos ka na ng tuluyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 350  khikkai

    11/25/2009 | 11:09 PM
    we'll support you,,,,,,ALL THE WAY!!!! welcome to KAPUSO! YAHOOOOOOO!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 349  djrw76

    11/25/2009 | 11:08 PM
    Claudine and Marian Project pleasssseeeee.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 348  eutopiama

    11/25/2009 | 11:07 PM
    Baka magaya kay Jolina. Baka mas ok pag sa TV5 pa siya. sana mabigyan siya ng magandang project sa GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 347  khikkai

    11/25/2009 | 11:06 PM
    ms.claudine, sana may project kayo ni marian! paging GMA pls.....im excited sa paglipat mo kasi naniniwala ako na di ka plastik at pasosyal na tulad ng mga tga ABS talent! hehehe! si anne curtis at judy ann santos din pala mgsisilipat na! go!go! go!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About