Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
326 ison
325 lilac0808
Sana mag shine ka uli sa nilipatan mo. hehehe!
324 echuserangpanot
323 darl722
322 darl722
321 ison
GMA RULES?
JUDY ANN WILL BE THE NEXT!! kaya warning na yan sa KAPAMS NETWORK!!! mawawala na ag george ang cecil... pag natengga si juday... malamang samalamang susundan nya si RYAN na everday may shows!!! hehe
320 fanhan
319 gurlalu
318 puckerlips143
hindi kami mga bitter gaya ng mga kapuso sa ginawa nila kay angel until now mga bitter pa rin kaya clau goodluck sa paglipat mo sana ikaw nga ikaw ang magreyna dyan at hindi matulad kay jolina na nakalimutan na ng panahon.
317 bungga
316 MarkReede
Well, sunud-sunod ang rigodon sa GMA ah, Carlo Guevarra, Claudine Barretto, pero hindi ko alam kung totoo yung nabasa ko sa PinoyParazzi, baka sundan pa ng Bayani Agbayani yan..
315 mambo
314 kapusoakopep
nakalimutan ka na ng ABS CBN kasi mas nakafocus sila kina KIM ANGELICA at ANGEL.... sana si KC na ang next na lumipat kasi SAYANG ang LOVERS na KULELAT sa rating....
313 Aldrich18ofUSA
nung lumipat si Angel, sbi ng iba... na hindi importante ang loyalty.. ngayun na lumipat si Claudine, hinahanap nila ang loyalty ng actress? lol....
tapos sabihin nila, na okay lang dw kasi LAOS na. well tingnan natin next year... kung ano ang mga ratings ng shows ni Claudine sa GMA!
312 joy_pascual_28
311 Bambinapilipina
310 chuna_masy
309 adoboabogado
308 cheers
307 bismarck
It's weird parang lhat ng mga gusto ko artista nag lilipatan n sa GMA! From Eugene Domingo to Robin Padilla. Now Claudine! San k PA? ede sa Kapuso na! whahhawha !!That is just so cool!!!
more comments