news

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

by Erwin Santiago posted on November 25, 2009  STATS: 6795 Views | 2106 Comments

 

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract with GMA-7 today, November 25.

Photo By: Noel Orsal

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.

Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).

Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.

Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.

Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.

Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2106 Comments

  • 286  trillian

    11/25/2009 | 10:21 PM
    dami reasons bakit siya lumipat sa viva at gma.. pinabayaan siya ng home network niya, priority ng abs ang mga pirated talents galing gma, nainip si Claudine sa kahihintay ng bagong tv show at movie....
    good luck Claudine!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 285  pusongpinoy111213

    11/25/2009 | 10:20 PM
    well siguro kung magpupursige si claudine sa pagpapayat baka pwedeng pagsamahin sila ni marian as

    MARINA MEETS DYESEBEL
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 284  xoxobana

    11/25/2009 | 10:20 PM
    let's face it, she's no longer bankable...pili-piling na ang mga role pupuwede sa kanya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 283  luvyoupanda

    11/25/2009 | 10:20 PM
    her decison to move GMA7 ay ok lang dahil probably she reached her peak sa ABS na...kunti projects at nonew assurances for her to further hone her craft as an actress...ok lang mag lipat kung wala na ma-offer ang ABS something for her as an actress...medyo staganant na din sya sa DOS...unlike yung mga lumipat talaga nasa PEAk NG CAREER e mas pera pera and umiral..yun ang walang LOYALTY!!! trabaho hanap ni claudine and she would like to experiences a new leaf for her career...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 282  juaning1975

    11/25/2009 | 10:20 PM
    good for you claudine! ngayon kainin mo na yung mga parinig-parinig mo sa ibang artista na lumulipat sa ibang bakuran na loyalty-loyalty para naman maisip mo kung ano ang pakiramdam..good luck sa yo..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 281  lovelypinay

    11/25/2009 | 10:18 PM
    basta ako mark and clau forever hehehe like ko yung loveteam nila
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 280  classylady

    11/25/2009 | 10:17 PM
    Goodluck Claudine
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 279  msTrue

    11/25/2009 | 10:16 PM
    ilan lang yan sa pasabog ng gma......

    marami pa yan..............

    remember 60yrs na tayo next year mga kapuso.....................
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 278  msTrue

    11/25/2009 | 10:14 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 277  ang_talo_talo_talaga

    11/25/2009 | 10:14 PM
    ds is d m0st sh0cking netw0rk switch!ng since angel locsin. OMg! S knlang 2 ni juday,ms i!cpin q png lumipat c juday..nweiz,gudluck sau claudine alth0ugH biGger star p rn sau c marian. Kau ng 2 ang pRimetime queEns ng gma.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 276  ang_talo_talo_talaga

    11/25/2009 | 10:14 PM
    ds is d m0st sh0cking netw0rk switch!ng since angel locsin. OMg! S knlang 2 ni juday,ms i!cpin q png lumipat c juday..nweiz,gudluck sau claudine alth0ugH biGger star p rn sau c marian. Kau ng 2 ang pRimetime queEns ng gma.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 275  kinabog

    11/25/2009 | 10:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 274  kratos_olympus

    11/25/2009 | 10:09 PM
    i admire claudine for her effectiveness as an actress and it's undeniable that she was one of the prime stars of her previous network...through all her years under star magic, she has become one of the multi-talented actresses of her time...while she has stated her loyalty to the kapamilya network, still she has to work and earn and do what she does and loves best, acting...That's why the move to the the kapuso network.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 273  soapier

    11/25/2009 | 10:08 PM
    i doubt kung tatanggapin ni claudine ang role ni yumi...

    eh si yumi dun ay kontrabida...

    and sayang naman kuing sa role na ganun ilalagay si clau...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 272  lovelypinay

    11/25/2009 | 10:08 PM
    idol si clau nang sis ko kahit kapuso sya si clau lang pinanood nya,sana nag paalam sya nang maayos di yung mag aaral kuno nang crush course.goodluck claudine ganda mo pa rin
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 271  dadi37

    11/25/2009 | 10:07 PM
    magpapayat ka naman claudine...nagulat ako kanina ng makita kita sa 24 oras grabe ang laki laki mo....kaya pala tinanggal na ni belo ang billboard mo , mapapahiya sya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 270  skyward

    11/25/2009 | 10:06 PM
    Ano mga kapamilya, hindi kaya ng GMA ang talent fee ni Claudine??? napatunayan nyo na, hindi lang basta kaya, kayang kaya pa!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 269  jevin2

    11/25/2009 | 10:06 PM
    mas bet ko remake irene ganda rin kc story n2 pero confirm ata un endless love autumn in my heart si marian si jenny at si claudine si yumi at dingdong si johnny at si andrew si mark anthony
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 268  keepondreamin

    11/25/2009 | 10:05 PM
    244
    aranses

    i like her as an actress but where is her loyalty?
    --------------------

    ikaw ba my pamilya ka nang bubuhayin, wala kang work sa abs, ipapa daig mo pa ang loyalty mo? paano naman ang pamilya mo? ikaw ano unahin mo?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 267  dadi37

    11/25/2009 | 10:05 PM
    kaya nga ba ayokong mag artista, magulo masyado....haaaaaaaaaaay....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About