Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
246 2is1uli
245 dadi37
244 msTrue
243 fine_then
hopefully you won't use her move to switch as fodder to hurl insults at kapamilyas
then again my post may be too late
242 beall
DI ko talaga type si Juday as in! I appreciate her acting though....Acting lang ha? wala ng iba...: peace!
241 dadi37
240 Pulmoll_0709
tawagin mu ciang isang maningning na bituin isang bituin na muling bubuhayin ng GMA na pinatay ng ABS.. nyahahahahha.. Sa inyo na ang title na Certified Ingrata!!!
239 msTrue
238 soapier
237 kapuso_u
...juday vs claudine...well ill go for JUDAY..pwede sa comedy,drama at kahit sinung leadingman pwede..let see na lang....lumaki tlaga ang ulo ni CLAU mula nung nagkaasawa sya lagi n lang nakasimangut nahawaan ata ng kanyang asawa....well goodlck
236 jevin2
235 totoysipa
Ganoon talaga, pag mas may magandang offer, doon tayo. Eh hindi naman siya hinabol ng ABS kaya lipat na siya. Career move ito, not just about loyalty. Kahit taga-GMA pa ang lumipat sa ABS, karapatan ng artista iyon kasi they go where they feel they'll benefit more. Tulad din nating hindi artista, trabaho ang hanap.
234 msTrue
233 luna_kapamliya
232 hotshot0017
walang bitterness
pag kapamilya ang lumipat sa KAPUSO ok lang..pero pag KAPUSO lumipat sa KAPAMILYA...siguro wasak pati pag katao ng artista....
tsk..tsk..tsk....
goodluck clau...
231 nhegsie
230 soapier
229 WhiteShadow
228 beall
JOLINA forever, kahit saang istasyon pa siya ilagay..laos or not, I don't care, coz' for me she's the only one na DAPAT e.idolize...WALANG IMORALIDAD...ang talent walang kupaskahit saan mo ilagay..
The ONE and ONLY
quot;ULTIMATE MULTIMEDIA STARquot; yun lang...hehehehe
227 proud2vkapuso
NGAYON nmn TODONG TODONG KAMPI mga KAPUSO kay CLAUDINE....
mga KAPAMILYA anong sbi? d cya KAWALAN s ABS CBN...pinhirapan ang STAFF ng ABS...todong todong KAMPI s mga STAFF...anu b yun...
more comments