Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
226 msTrue
225 shofaokz
totoo naman eh...mga kapuso are not famous abroad..hahhaa..mga shows nila flop..hahhaa
224 mango_07
kapuso_u
November 25, 2009
21:39 PM ....like ko si CLAU noong single pa sya pero nung nagkaasawa na sya nag-iba ang ugali nya....d katulad ni judy ann...kahit may asawa na lagi pa rin nakangiti kaya d binibitawan ng ABS...pero goodlck na lang kay CLAU 2 yrs ko syang d mapapanood
==============================
hnd nmn, mas mabait nga sya ngyn, I think naibblk lng pmnsn mnsn ung panget n ugali nya nung dalaga p sya. Pro ngyn tlg ok n ok n sya.
223 palengkera
222 lightband
Di ka nanglalait, sa 187 comment mo ano tawag mo dun....hahahaha...in denial pa ka hahahahahah...aminin ugaling kapamilya....hahahaha...
221 kapuso_u
220 fine_then
219 beall
218 keepondreamin
217 blue_butterflybelle
tapatng judai at cluadine ito hahaha
216 proud2vkapuso
sbgay hangang ngayon nga d maiEREere ang SOAP ni JUDY
215 msTrue
214 shutterbug
213 beall
212 shofaokz
excuse me po hindi po ako nanlalait..im just stating a fact based on my observations from kapuso followers..just admit it na ganyan tlga kayo...hahhhhaa
211 jevin2
210 lightband
Sabi mo GMA network of the falling stars
Mas bagay ata ABS-CBN- Network who failed the stars...hahahahah....
209 mango_07
208 slender
ang importante, maayos namn na nakapagpaalam abay GO db?suportahan na lang!kung GMA makapagbigay sa kanya ng magandang project na gusto nya ey di respect na lang...at the same time, hnd naman siguro basta basta lumipat yan ng walang kaabog abog,ey ang tagal na nya sa abs,so i think nakapag paalam yan ng maayos...
Matagal na din syang walang project so i think naayos namn nya yan sa abs..
207 proud2vkapuso
more comments