Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!
Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA Network Center.
Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV).
Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.
Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday, sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"
Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?
"Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.
Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.
"Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow, dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng GMA Films president na si Ms. Anette.
Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon. Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. (CLICK HERE to read related story.)
GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya network.
Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni Piolo Pascual ang naging finale ng show.
Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN, partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.
Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
206 custard
--------------
ano po? paulit ulit ko mang balikan, di ko naramdaman na nawalan ang abs dahil k jolens. in fact, mas marami ngayon ang mas may talent compared k jolens. now, where is she? compare mo sa mga kasabayan niya, like juday, g toengi, roselle nava, lindsay custodio, though others are not visible in the business happily married na, unlike jolen, me edad na pero pacute pa din...
205 lightband
Katulad nyo ding kapamilya...ngayon todo lait kayo kay Claudine...hahaha...sa sarili mo nalang sabihin yan at least alam mo na may makikinig sayo..lols....
204 soapier
203 proud2vkapuso
bigyan c CLAUDINE ng DRAMA SPECIAL,DRAMA ANTHOLOGY at ITAPAT S TIMESLOT NG ng MAALAALA MO KAYA
pr sampal s MUKHA ni MANANG CHARING
202 PrincessZOYA
siguro iniiwasan din ni Claudine si Angel Locsin di ba nagkaroon sila ng alitan dati.
ngayon bidang bida siya sa 7.
201 shofaokz
200 ultimatejew
199 mango_07
totoysipa
November 25, 2009
21:25 PM
PEP pakipalitan ang pic ni CLaudine kasi ang tanda at taba niya sa pic. Siguro naman hindi ganyan ang itsura niya otherwise hindi siya kukunin ng GMAgt;
--------------------------
nku,mkhng gnyn tlg sya ngyn..nung npnod k nga sya sa 24 oras akala ko buntis ulit..sbe nga ng kapatid ko, kya pla sya hnd pngilan ng DOS.
Pro it doesnt matter kng ano p ung shape at itsura nya ngyn dhl mas asset p rn nya ngny ay ang pagarte nya.
198 maka_bansa
197 ryango1566
So at least klaro na ! GMA, the network of the falling stars.
196 jevin2
195 ladyicy
pero for me, kung saan may trabaho don ka... dba? kahit tayong mga ordinaryong tao.. hindi kailangan ang LOYALTY.. .kundi TRABAHO...
194 custard
193 soapier
192 msTrue
191 tvj671
190 prettyp
FYI:
1. Claudine has no contract with abs/sc for the longest time.
2. Claudine needs to work.
3. GMA offers her projects amp; money, of course.
4. GMA gives importance to her ability as an actress.
5. It's so obvious her former network could care less of her loyalty amp; inakyat niyang pera sa kumpanya.
6. The bottomline of all this, Claudine makes a courage decision amp; for that I commend her kasi bihira lang sa mga malalaking artista ang gumawa ng ganyang move.
So,
GOODLUCK CLAUDINE!
WELCOME ONCE AGAIN SA KAPUSO NETWORK!
ENJOY YOUR STAY HERE DAHIL MAY PUSO TALAGA ANG BAGO MONG NETWORK;
189 jevin2
188 shofaokz
187 totoysipa
PEP pakipalitan ang pic ni CLaudine kasi ang tanda at taba niya sa pic. Siguro naman hindi ganyan ang itsura niya otherwise hindi siya kukunin ng GMAgt;
more comments