Sa presscon para sa third dance album ni Mark Herras na The Greatest Moves under Universal Records noong November 24, ay hindi nakaligtas ang young actor sa mga tanong tungkol sa isang babae na nagke-claim na nabuntis daw niya. (CLICK HERE to read related story.)
Nakilala na ba niya si Krissa, ang pangalan ng miyembro ng isang all-girl group na nagsabing si Mark ang ama ng kanyang ipinagbubuntis?
"Wala akong planong makilala kung sino man siya. Siguro bilhin na lang niya ang album para maging masaya siya!" natatawang sagot naman ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Hindi naman na ito ang first time na mabalitang may nabuntis si Mark.
"Ito na yata ang third time!" tawa niya ulit. "Yung first na naisyu ako, medyo dun ako natakot. Yung second, medyo parang meron na naman? Yung third, parang wala ka nang dating, yung ganoong isyu."
Bakit nga kaya lapitin siya ng ganoong intriga?
"Hindi ko nga alam. May nagsabi na may grupo raw yata ito. So, tingin ko, gumagawa ng isyu para makilala sila."
May ebidensiya raw si Krissa. Ano ang masasabi niya rito?
"Kahit naman sinasabing may ebidensiya raw sila, I'm not scared. Sige, ilabas niyo. Kung gusto nilang magdemanda, magdemanda kayo kung meron kayong idedemanda," diin niya.
Napipikon ba siya?
"Hindi!" natatawang sabi niya.
Gusto ba niyang alamin kung ano ang motibo ng babae at kung bakit siya ang itinuturong ama ng kanyang dinadala diumano?
"Hindi naman kailangan, e," sagot ni Mark. "Kasi unang-una, hindi naman ako apektado sa ginagawa nilang isyu. Number two, hindi ko naman siya kilala. Number three, ayoko naman siyang makilala. At saka ngayon pa na magkakaroon na ako ng third album, tapos ngayon sila maglalabas ng ganoong isyu. So, pangit din."
Hindi ba niya naisip minsan na may anak nga siya na hindi niya lang alam?
Natawa ito sabay sabi ng, "Meron akong mga kapatid na hindi ko pa nakikita. Pero pagdating sa anak, sigurado naman ako. And if ever man na meron ako, bakit ko itatago yun? Bakit ko itatago sa mga tao? Wala akong planong itago kung meron man. At saka alam niyo naman ako, kapag may isyung totoo, inaamin ko.






kababata! maspogi at masmagaling pa ako sumayaw sayo.
yun nga lang massikat ka ng konti sa akin.hehe
un lng un.,
pero on the lighter side, mas gusto ko nga sila ni Jen kesa kay Pat.. parang mas maganda kasi ang chemistry nila...
sna kau ulIt ni jen!!!!jejeje
anyweiz,congrats sa ikaw sana!!!
mark-jen d` best!!!awwwwwwwwwwwwwwwwww!!
quot;Kung magkakaanak man ako,quot; patuloy niya, quot;gusto ko dun sa taong mahal ko at pakakasalan ko someday
Patrick Garcia:
Kung magkakaanak man ako, tatakbuhan ko. Mamaya nlang ako magpapakita pag malaki laki na ang bata para di ako kasali sa pagpupuyat.