Bago pa man nag-break sina Luis Manzano at Angel Locsin ay nakapagbitaw na ng salita ang aktres na wala siyang binalikan na ex-boyfriend niya. Ayon kay Angel, alam daw kasi niyang ibinigay na niya ang lahat ng maibibigay niya para ma-save ang nasabing relasyon. At pag natapos ito, nangangahulugan lamang na dapat na niyang tanggapin na wala na talaga siyang magagawa para ayusin pa ang isang natuldukan nang relasyon.
Sa kaso nina Luis at Angel, mukhang malabo na talagang magkabalikan ang dalawa, lalo't ganito nga ang pananaw ng aktres pagdating sa pakikipagrelasyon.
Sinang-ayunan naman ito si Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
"If you look at her track record, it's true naman na wala talaga siyang binalikan sa mga naging ex niya. But in life, in general, huwag tayong magsasalita ng tapos. Hindi ko siya pinaparinggan or anything, but, di ba, we never know what will happen?
"Basta ngayon, masasabi kong mas nag-mature kami, mas nag-mature kami on how we are as individuals. Let's say, hypothetically, nagkabalikan kami, we'd be totally different individuals in a good way," saad niya.
Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi noon ni Angel na nami-miss niya ang pinagsamahan nila, pero hindi si Luis mismo?
"Siguro nung nasabi niya yun, that was before yung mga naging usapan namin, when we decided to clarify kung anuman ang mga nangyari. Kahit ako, nami-miss ko kung ano kami dati at nami-miss ko siya at alam niya yun. Yun siguro what's behind her statement."
Pero inamin ni Luis sa PEP na bukas na uli ang komunikasyon nila ni Angel, at nakausap na rin niya ang ama ng aktres na si Mr. Angel Colmenares.
"We talked. Siguro we made the first step para maayos na namin kung anuman ang mayroon kami dati. Kung anuman ang mga naging isyu sa amin, medyo nabaon na namin. Siguro yun ang pinakaimportante dahil ang tagal naming hindi nakapag-usap, ang tagal naming hindi nagkita. Siguro ngayon, we have a steady phase na maayos kung nasaan kami ngayon. We're very, very happy.
"Nakapag-usap na rin kami ni Tito [Mr. Colmenares]. Nope, walang sumbatang nangyari, hindi ganun si Tito at hindi ko rin magagawa yun sa kanya. Tito is a very, very decent man. Nakapag-usap na kami and okey naman. Napakataas ng respeto ko kay Tito at sa buong pamilya ni Angel, at ganun din ang ipinakita sa akin ni Tito when we had a talk," lahad ni Luis.
NO THIRD PARTY. Tikom pa rin ang bibig nina Luis at Angel sa tunay na rason ng kanilang breakup. Pero lumabas ang mga pangalan nina Maricar Reyes at Anne Curtis, na nahuli raw ni Angel na ka-text ni Luis, na mukhang may ibang nangyayari. Naparatangan tuloy na babaero ang TV host-actor.
"Unang-una, kami ni Angel, never naming hinawakan ang phone ng isa't isa. Hindi kami ganung couple," paglilinaw ni Luis. "Si Maricar, first time na nakita ko siya at nakausap nang harap-harapan was the camera test ng Flash Bomba almost a year ago. Kasi siya dapat ang love team ko sa Flash Bomba.
"Next time ko na siyang nakausap was Star Magic Ball na itong huli [last August]. Would you imagine yung pagitan nun? You see kung gaano kalayo ang Flash Bomba sa Star Magic Ball? Kaya hindi ko alam kung saan nanggaling yung issue na 'yan. I won't deny that Maricar is a friend, yes, I got to talk her but nothing weird or special.
"Si Anne naman," patuloy ni Luis, "aminin man natin o hindi, matagal ko nang kilala si Anne kesa kay Angel. Marami na rin kaming pinagdaanan. 'Saka Anne, of all people, hindi na kinu-question kung gaano ko ka-best friend yung tao at nadamay pa sila sa issue namin ni Angel.
"Regarding that babaero issue, ang tagal ko nang naririnig 'yan. Sanay na ako. Dati pa namang issue sa akin 'yan, pero ang ayoko lang pag may nadadamay pang ibang tao na walang kinalaman. Diyan medyo napipikon ako kasi nanahimik yung mga tao na walang kaalam-alam."






These two just really know which string to strike in each other. They are so in synch. If soulmates are true, these two may be that.
yong sarah and luis movie..if it will push through then good luck..kung ayaw ninyo eh di wag manood..its that simple..nobody will force anybody..as for angel and luis sana wish namin na they will end up for each other dahil obviously mahal na mahal pa rin nila ang isat isa...
remember magkasamang si luis and angel sumuporta sa movie ng ashloyd, yung A Very Special Love.
Like i said kikita ang pelikula as long as its the movie is good at de kalidad
wag mo naman masyadong personalin lyka, iba ang work sa personal.
at walang issue kay luis and sarah, they good friends.