ANGEL-JOHN LLOYD TEAMUP. Kumpirmado na ang pagtatambal nina Angel at John Lloyd Cruz sa isang teleserye ng ABS-CBN next year. Tinanong namin si Luis kung masasaktan ba siya kung sakaling malaman niya na sa pagsasama ng dalawa ay magkahulugan ng loob ang mga ito?
"I know they are both good people," sabi ni Luis. "Napakabait ni Angel. Hindi puwedeng kuwestyunin yun, alam ng buong bayan yun. At napakabait din ni Lloydie. If things are meant to happen, things are meant to happen. If not, hindi siya mangyayari.
"More of mawi-weirduhan siguro ako. Kasi, kumbaga, yung ex-girlfriend ko, tapos bigla na lang yung 'ex-love team' ko na si Lloydie na Kanto Boys. It's gonna be weird. Pero siguro kahit papaano, hindi mo matatanggal na ma-hurt ako pag nangyari yun. But of course, you have to understand things happen for a reason, the same way things don't happen for a reason."
"Ex-love team" ang turing ni Luis kay John Lloyd dahil sa pelikulang In My Life, kung saan gumanap sila bilang gay lovers.
FAMILY OF STARS AND POLITICIANS. Kumpirmado na ang pagtakbo ng ama ni Luis na si Edu Manzano bilang vice president sa 2010 elections. Si Edu ang ka-tandem ni Secretary Gilbert "Gibo" Teodoro, na tatakbo namang presidente, sa ilalim ng Lakas-Kampi-CMD party. (CLICK HERE to read related story.)
"Nagulat ako nung malaman ko na tatakbo siya," sabi ni Luis. "When everything happened, I was in Las Vegas. Hanggang sa umabot nga sa akin yung balita na tumakbo siya. Nung una, hindi pa ako naniwala. But I know what he is capable of doing. I know yung pagkatao niya, his integrity as a person, and his capability of helping other people if he's given a position in the government. I have faith in my dad whether for vice president, for senator, or kung ano pa man," pahayag ni Luis.
Ilang araw pagkatapos ianunsiyo ni Edu ang kanyang pagtakbo bilang vice president ay inamin nito ang breakup nila ng news broadcaster na si Pinky Webb. Ayaw namang magbigay ng komento tungkol dito si Luis, pero nandun ang hiling niya na maayos sana ng dalawa kung anuman ang gulo nila. (CLICK HERE to read related story.)
"Matagal-tagal na sila," sabi ni Luis. "Kung anuman ang naging problema, sana maayos nila 'cause I guess as a couple, they've been through a lot talaga. Hindi ko alam kung totoo na kaya sila nag-break is because of that, not until I heard from them. I don't want to speculate kasi medyo it's a personal matter. Until I heard talaga from daddy or kay Pinky, di muna ako magko-comment."
Bukod kay Edu, tatakbo rin sa 2010 elections ang ina at stepfather ni Luis na sina Batangas governor Vilma Santos at former Senator Ralph Recto. Parehong for re-election ang tatakbuhin ng mag-asawang Recto.
Maging si Luis ay nababalita ring tatakbo. Ano ang masasabi niya rito?
"Sabi ko nga, tatakbo ako sa barangay tanod!" biro niya. "But kidding aside, not yet. Maybe next election, but definitely not now kasi marami pa akong dapat gawin sa industriya. Let's see, I'll just cross the bridge when I get there. Kumbaga, hindi ko isinasara ang pinto ko sa pulitika."






youre blooming these days. keep it up!
si piolo ang nagsabi na bago pa lumipat si angel sa abs at when angel was doing lobo, luis and angel were an item na.
ideal couple talaga sila. praying hard pa din na magkabalikan sila.
sana'y maghinay hinay po tayo sa pagsasalita at wag mang api ng kapwa. tularan at gawin sanang good example si angel na despite her success, remains humble at nanatiling nakaapak ang mga paa sa lupa. Peace po!
God Bless Angel and Luis!
_______
105
bartmonicachu
a
November 28, 2009
awwwwwwwwwww how sweet, it was reported na gumising pa ng maaga si luis just to find out kung ano na ang nangyayari sa awarding ceremony. nag usap pa daw sila ni angel during the ceremony and luis said angel looks stunning in her gown.
its so weird na nagkahiwalay sila and yet the support they give to each other is unbelievable. parang di sila naghiwalay. hahaha
kaya mahal na mahal namin yan.. quot;,
in this case obvious na obvious na may pagtitinginan pa rin sila...sabi nga ni luis na parang they are getting there...