Kung ang pagbabasehan ay ang mataas na ratings na naitala ng Bud Brothers Presents Pepper Roses at ang consistent high ratings na nakukuha ng pagbabalik-tambalan nila sa Somewhere In My Heart, masasabing mainit na tinatanggap at sinusuportahan ng publiko ang tambalang Guji Lorenzana at Kaye Abad.
Dahil sa onscreen chemistry nila, nababalita tuloy na may special relationship na namamagitan sa kanila. May reports ding lumalabas na nakikita raw sina Guji at Kaye na sweet na sweet sa isa't isa ay naghahalikan pa raw in public.
Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Guji ay tinanong namin siya kung may katotohanan ang mga lumalabas na kuwento tungkol sa kanila ni Kaye.
"She's sweet naman with other actors, hindi lang sa akin," simula ng singer-actor. "Kaye naman kasi is a type of person that she will lay on my shoulder na wala lang. Feeling ko, dahil loveteam kami, people might think that something is going on. Yes, we got out, nagko-coffee kami minsan. If we have time na kumain sa labas, lumalabas kami or sometimes here in ABS.
"Regarding sa nagki-kiss daw kami in public, it's just beso-beso. I tease her, she teases me. Ako kasi, I'm very malambing sa mga friends ko, sa lahat. They always see me as a touch person and I grew up like that. I'm very malambing by nature."
May mga balita ring lumalabas na sa kabila ng pagkaka-link ni Kaye kay Guji, tuloy pa rin daw ang relasyon ng aktres sa vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda. Ano ang masasabi ni Guji rito?
"I don't ask her about it, kasi it's her private life," sagot niya. "Tapos ayokong mag-interfere sa ganyang mga bagay. I grew up in the States. I'm not like that. It's their business. But for what I feel, wala."
Hindi naman itinanggi ni Guji na gusto niya si Kaye at alam niyang he's giving the right signals to her.
"I like her, and I told the press that I really like Kaye, so alam niya. For what I'm doing, alam niya what I feel for her, imposibleng hindi niya alam. I'd like to think that I'm hinting towards that na papunta na dun. We're getting to know each other. Nag-start ang Bud Brothers, May, so medyo less than six months pa lang ang pagsasama namin ni Kaye, and we're comfortable na with each other. "
Pero sa kabila ng pagsasabi ni Guji na gusto niya si Kaye, may balita namang may ka-live in na raw ang singer-actor sa kanyang condo somewhere in Makati.
"Definitely that's not true. I live alone in my condo," tanggi niya. "Siguro ang nakita nilang babae sa condo is either my sister or cousin from States 'cause dumadalaw sila sa akin dahil wala nga akong kasama dito."
Nabuksan din sa amin ni Guji na brokenhearted pala siya nang magpunta siya ng Pilipinas. He just came from a breakup noon, nasaktan siya nang sobra-sobra dahil supposed to be ay magpapakasal na sila ng ex-girlfriend niya.
"Dapat married na ako sa States, but nag-cheat sa akin yung girlfriend ko. I decided na pumunta ako dito, i-pursue yung career na para sa akin. My first love is singing," sabi niya.
Ibinalita ni Guji na mayroon siyang independent album na ginawa at plano niyang i-release ulit as a repackaged album.
Bukas naman, November 28, ay may show siya sa Capones, Makati. Isa sa mga guest niya ang tita niya at dating singer na si Joanne Lorenzana.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
33 JOEL32
32 2nevada_usa
31 MsCali09
30 careermuna
29 MaisyNYC
28 joker57
27 syniellab3
26 pepato
=D
25 maganda_ako
24 heart07
di ka gwapo pwede ba kung di ka slang or rich di ka mapapansin noh..cla pa rin ni chito nid lang sbhin break coz balik showbiz nga c kaye and she's rich khit di xa mgshowbiz ok lang. chito must be love kaye so much kaya nya pnyagan mgcomeback..
23 lainey025
more project for them please lt;3
22 southerngirl
21 duchessmarie_9786
wag po magpaka-plastik yung mga nagsasabing di niyo kilala si Guji, ako nga matagal ng maka-GMA7 pero simula ng nag-abroad ako mas kilala ko pa siya kesa mga artist ng 7, totoo naman kasi na wala na akong kilalang baguhang artista ng siyete,lalo na sa SOP halos di mo kilala yung mga sumasayaw or kumakanta doon. Mas gusto ko pa dati yung SOP noong andun pa si lani misalucha doon!!!!
20 winged_angel
Di talaga bagay si Kaye and Chito. Parang Kaye got the raw end of the deal. Lugi siya.
Mas like ko kung sila ni Guji. Oh kaya si Lloydie! Hehehe Ang cute parin nila ni John Lloyd.
19 caboodles28
hindi nawala sa limelight si kaye dahil kay chito. she made her own decision for self-hiatus. sya mismo nagsabi nito. chito and kaye are a couple for a long time na. so sana respetuhin naman natin ang relasyon nila.
18 brokenheartedone
17 futyakmod
i love Kaye..
more projects for them plz..
16 msrlyn143
15 ventimigliagirl97
14 maryclaire
more comments