Hindi na napigilan ni German "Kuya Germs" Moreno ang maglabas ng sama ng loob sa kanyang radio program sa DZBB, Walang Siesta, kaninang hapon, November 27. Ang kanyang outburst ay may kaugnayan sa project niya sa Eastwood City, kung saan 30 stars ay idadagdag sa Walk of Fame. Kabilang dito ang yumaong actor-rapper na si Francis Magalona.
Sa December 1, Martes, ang unveiling ng mga bagong set of stars to be enshrined sa Walk of Fame.
Ayon kay Kuya Germs, pangako niya kay Francis na ilalagay niya ito sa Walk of Fame. Pero tumututol daw dito at hindi pumayag ang biyuda ni Francis na si Pia Arroyo-Magalona.
Hindi raw malinaw kay Kuya Germs kung bakit tutol si Pia sa bagay na ito. Gusto raw niyang malaman ito ng fans ni Francis na nagtatanong kung kasali ba ang kanilang idolo sa bibigyan ng star sa Walk of Fame.
"Dahil po ayaw niya [Pia], hindi ko na po kasalanan kung hindi ko man isali si Francis sa mga artistang ilalagay ko sa Walk of Fame," pahayag ni Kuya Germs sa kanyang radio program.
Ayon pa sa beteranong TV host, ilang beses na raw siyang nagparating ng mensahe kay Pia tungkol sa bagay na ito, pero ayaw pa rin daw pumayag ng biyuda ni Francis.
Pangako pa naman daw ni Kuya Germs sa yumaong Master Rapper na ilalagay niya ito sa Walk of Fame, tulad ng ginawa niya sa mga magulang nitong sina Pancho Magalona at Tita Duran.
A PROMISE TO KIKO. Nakausap din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Germs during a break sa kanyang radio show. Tinanong namin ang kanyang saloobin sa pagtutol diumano ng biyuda ng Master Rapper.
"I was so disappointed, of course. Ano ba ang dahilan kung bakit inayawan niya? Unang-una, anak-anakan ko si Francis sa That's Entertainment. Isa siya sa pioneer members ng That's Entertainment. At isa pa, Francis belongs to our entertainment industry, sa daigdig ng showbiz.
"Ginawa ko rin ang parangal na ito sa mga magulang niya, kina Tita Duran at Pancho Magalona, at si Francis mismo ay dumalo doon. Tuwang-tuwa siya at nagpapasalamat. Nagkuhanan pa sila ng litrato ng mga anak niya. Tinanong pa nga niya ako kung kailan ko siya ilalagay.
"Sabi ko naman, 'Someday mailalagay din kita.' I promised him that time will come mailalagay ko rin siya. I didn't expect na mangyayari kay Francis na sa kabataan niya ay maaga siyang mawawala sa daigdig. Hindi ko naman inaasahan iyon."
Isa sa posibleng dahilan ng pagtanggi ni Pia ay dahil kung kailan wala na raw ang Master Rapper ay saka ito naisipang bigyan ng star sa Walk of Fame. Nauna pa raw kasi ang ibang mga baguhang artista na mabigyan ng star kesa kay Francis na napakatagal na panahon ang inilagi sa industriya.
Paliwanag naman ni Kuya Germs, "Kung may reaction man daw umano si Pia na bakit ngayon lang, e, hindi ko naman kaya na ilagay siya [Francis] agad kasi akong mag-isa lang naman ang nagso-shoulder nito. Hindi ko naman kaya na pagsabay-sabayin lahat.
"E, kung sino ang puwede nating ilagay sa taon na ito, ilalagay natin. Ngayon, kung ako lang talaga ay mayaman at maraming pera, puwede kong ilagay lahat na bigla. Bakit naman hindi?"
WHAT'S THE REASON? Sinabi pa ng Master Showman na sinubukan daw niyang kausapin si Pia sa pamamagitan ng ibang tao, pero ayaw pa rin daw nitong mag-respond.






si francis kaya, gugustuhin niyang maisali o hindi? his decision would trump pia's.
im glad pia did not agree..
Miss Congratulations girl of Wowowee
Alyssa Alano
Krista Ranillo
Karylle
Brod.Pete
Yung hepe dun sa May Bukas Pa at Tayong Dalawapalaging hepe ang role
Chariz Solomon
Michael Fajatin ng 24 oras
Wendy Valdez
Vice Ganda
Gladys Reyes
Dapat jan eh 'KUYA GERMS WALK OF FAME'..
Dahil own taste, own choice lang naman nia ang nalalagay jan. In short, hindi sia puedeng maconsider na talagang achievement for an artist. Ni di malinaw ang criteria. Si Julie Vega ba anjan? Kasi si Marky Cielo anjan puera na lang sa kaluluwa nia...
Sayang ang effort and pera kua Germs...It goes to nothing. And kung sino man mga nabigyan mo na jan, ang hirap ng bawiin. Mas maigi siguro, ulitin mo na lang.Back to zero and this time ahve a clear and excellent criteria.Plus mga respetadong panel of judges.Ng kung sino mang artista mailagay jan eh talagang honor ang mararamdaman at lifetime achievement ang pakiramdam.
Dapat jan eh 'KUYA GERMS WALK OF FAME'..
Dahil own taste, own choice lang naman nia ang nalalagay jan. In short, hindi sia puedeng maconsider na talagang achievement for an artist. Ni di malinaw ang criteria. Si Julie Vega ba anjan? Kasi si Marky Cielo anjan puera na lang sa kaluluwa nia...
Sayang ang effort and pera kua Germs...It goes to nothing. And kung sino man mga nabigyan mo na jan, ang hirap ng bawiin. Mas maigi siguro, ulitin mo na lang.Back to zero and this time ahve a clear and excellent criteria.Plus mga respetadong panel of judges.Ng kung sino mang artista mailagay jan eh talagang honor ang mararamdaman at lifetime achievement ang pakiramdam.
Now, I don't think Kuya Germs is adding Francis because namatay na siya. Like what he said, hindi pwede sabay-sabay...It just happens na namatay siya before his star is sceduled to be placed there.
Let us admit, kahit mga fans ni Francis M. hindi naman ganito katindi ang following niya before he died... only by his death he bea=came famous again.
And I don't think it is Pia's principle, it is her PRIDE! Kung buhay lang si Francis, I'm sure he will accept this recognition.
naku kuya germs, kung ayaw, e di wag! you've done your part, and they the wife rejected the offer. menos pa yan sa gastusin mo...
at kung mas type ninyo ang hollywood walk of fame, e di dun kayo mamasyal at magpa-picture picture. walang pumipigil sa inyo.
ang lakas ng colonial mentality pa rin ninyo!