Zanjoe Marudo earns kudos for pivotal court scene in Lovers in Paris

Trisha Alvarez
Sunday, November 29, 2009 @ 01:43PM  |  17561 views

 

Before shooting the scene, director FM Reyes told Zanjoe, "Eto yung eksena na mababawi mo ang loob ng tao. Lahat ng galit sa 'yo, babaligtad. So, dapat magawa mo nang tama yung eksenang ito." And according to the cast and crew, Zanjoe delivered.

 

Photo By: Noel Orsal













Todo papuri ang ibinato kay Zanjoe Marudo ng co-stars niya sa thanksgiving party ng Lovers in Paris kamakailan. Maraming nagalingan sa pagganap niya sa papel na Martin.

Humanga ang direktor nilang si FM Reyes sa ipinakita ni Zanjoe sa court scene, na ipapalabas sa huling dalawang linggo ng teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Malaki raw ang chance ni Zanjoe na mapansin ng award-giving bodies sa telebisyon sa madamdaming eksenang ito with Piolo Pascual and KC Concepcion.

"Ah, siyempre, nagagawa ko lang naman yung trabaho ko dahil sa kanila," mapagpakumbabang sinabi ni Zanjoe.

Ginalingan ba niya dahil na-challenge siya kay Piolo sa eksena nila?

"Hindi naman natsa-challenge lang," sersoyosong sagot ni Zanjoe. "Mas natsa-challenge pa ako doon sa, hindi sa  mga artistang  kasama ko, kundi dito sa role na ginagampanan ko bilang si Martin na ka-triangle ni Piolo at ni KC.

"Dapat  ma-confuse ang tao... Kasi  yun naman dapat talaga ang triangle, e. Hindi lang  porke sila ang loveteam, okey  na. Dapat ikaw manonood ka, maguguluhan ka, kung sino ba ang gusto ng tao para doon sa babae."

BEING "MARTIN." Para ma-motivate niya ang sarili niya, kinilala niya nang husto si Martin, "kung paano siya magmahal, kung paano siya lumigaya, kung paano siya masaktan."

Humugot ba siya sa mga pinagdaanan na niya in real life?

"Actually, yun nga ang problema namin nung umpisa.  Na napakalayo nung character sa akin. Yung character napakamartir."

Kaya para makakuha ng emosyon, "pinag-aralan kong mabuti bilang Martin at sa tulong ng  direktor, ayun, nagagawa  namin nang tama. Habang nagti-taping kami, sa umpisa medyo mangangapa ka muna. Sa susunod na taping... kahit i-explain lang sa 'yo nang konti, naiintindihan mo na agad kasi ikaw na mismo yung gumaganap, e."

Seryoso talaga si Zanjoe sa kanyang acting career. Noon pa man ay "hindi ko naman ginagawang laro yung work... Kaya lang  ngayon lang ako nabigyan ng ganitong klaseng character na medyo malalim na ano. Kasi ang lagi kong ginagawa fantasy, comedy... Kaya  masaya ako na meron akong ganito na mapapakita ko ang ibang side ko."

Bago daw kinunan yung court scene ay pinag-diinan ni Direk kung gaano kahalaga ang eksena sa istorya at sa karakter niya. "'Eto yung eksena na mababawi mo ang loob ng tao.' Kasi magagalit  ang mga tao sa akin sa loob ng tatlong linggo.  'Eto lang ang eksena para mabawi mo lahat-lahat. Lahat ng galit sa 'yo, babaligtad,' sabi niyang ganun. 'Kapag hindi mo magagawa nang tama baka kagalitan ka ng mga tao. So, dapat magawa mo nang tama yung, itong eksenang 'to.'"

PIOLO'S SUPPORT. Hindi kaya kabugin niya si Piolo sa last two weeks ng Lovers in Paris?

"Hindi naman mangyayari yung ganung bagay.  Piolo Pascual  is Piolo Pascual. And ako, natutuwa na,  actually, hindi lang ako kundi lahat ng tao natutuwa... yung suportang binibigay niya sa akin, pinapabayaan niya akong mag-shine. Pinapabayaan niya ako na gawin ang gusto ko. Kung moment ko 'to, moment ko 'to.

"Minsan nga kahit moment na naming dalawa, binibigay pa rin niya sa akin."

1  2  Next »

Related Articles

34 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name