Nagkaroon ng grand press conference ang second season ng Darna kahapon, November 30. Kasabay nito ay ang pagpapakilala sa mga bagong character na makakalaban ni Darna, na ginagampanan ni Marian Rivera.
Ang mga bagong cast members ng Darna ay sina Katrina Halili bilang Serpina; Rochelle Pangilinan, Babaeng Manananggal; Jackie Rice, Helga; Akihiro Sato, Vladimir, at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez bilang Electra, the Queen of Planet Women.
Nauna nang pumasok ang character ni Dennis Trillo bilang Pancho, ang kababatang pulis ni Narda at makakaribal ni Eduardo (Mark Anthony Fernandez).
REGINE & KATRINA AS DARNA'S VILLAINS. Marami ang nagulat kay Regine na pumayag siyang magkontrabida for the first time. Kaya naman very flattered si Marian nang kuhanan siya ng reaksiyon hinggil sa bagay na ito.
"Oo nga, e, natuwa ako," sabi ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Actually, sinabi 'yan sa akin nila Momsie [Popoy Caritativo, Marian's manager], 'Magiging kontrabida mo si Ate Reg mo.' 'Talaga? Si Ate Reg pumayag?' 'Oo, kasi gusto raw niyang makapasok sa Darna.'
"Kaya sabi ko sa kanya, ako mismo, magte-thank you sa kanya [Regine] dahil tinanggap niya. At sa lahat ng kontrabida ko rito, nagpapasalamat ako dahil bilang maging kontrabida ka, di ba, malaking oportunidad para sa akin na magpasalamat sa kanila. Na binigyan nila ng pagkakataon ang Darna at hindi naman magiging successful ang Darna kung walang kontrabida, di ba?"
Dagdag niya, "At saka hindi ko ine-expect na si Ate Reg mismo ang may gustong maging kontrabida ni Darna, so malaking karangalan para sa akin."
Masaya rin daw si Katrina na makakasama niya uli si Katrina, na una niyang nakasama sa Marimar.
"Siyempre, happy ako at saka wala namang isyu sa amin ni Katrina. At nagpapasalamat ako sa lahat ng kontrabida ko. Hindi magiging successful ang Darna kung walang kontrabida, di ba?"
PRIMETIME QUEEN. Sa ngayon, masasabing hawak ni Marian ang titulong Primetime Queen dahil sa consistent rating ng Darna sa Mega Manila (based on AGB Nielsen Phils.). Ano nga ba ang masasabi niya na napapanatili niya ang titulong ito?
"Sa mga bagay na 'yan, e, siyempre nagpapasalamat ako. Nakakataba ng puso. Salamat at ibinigay nila sa akin yun. Pero siyempre, ang mga tao pa rin ang makakapagsabi niyan at thank you sa management kung ganun ang ano nila. Pero pagbubutihin ko pa rin ang trabaho ko."
Hiningan din ng reaksiyon si Marian hinggil sa pagpasok na ni Claudine Barretto sa Kapuso network. Sa palagay kaya ni Marian ay posibleng maging threat sa kanya si Claudine as Primetime Queen?
"Ay, hindi naman," sabi niya. "Parang wala, e, ganoon naman talaga ang artista. At si Ate Claudine naman, nakakausap ko sa phone, kay Kuya Raymart [Santiago, Claudine's husband and Marian's co-star in Darna]. At happy ako na Kapuso na siya. At least, dumarami tayo. At excited ako na makatrabaho siya."
CHRISTMAS GIFTS. Natatawa naman si Marian dahil tila interesado talaga ang entertainment press kung ano ang magiging regalo nila sa isa't isa ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes ngayong Pasko. Sinabi na kasi ni Dingdong na may nakaplano na siyang regalo para kay Marian. (CLICK HERE to read related story.)
"Actually, ngayon ko lang nalaman na may pagdadalhan pala siya," nakangiting sabi ni Marian. "May tatlong gifts pala siya sa akin! Parang nalugi ako dun na parang ngayon pa lang, mag-isip na rin ako. At sisiguraduhin ko na mas espesyal yun kesa sa gagawin niya, di ba?"






wag kang mag-imbento I am Marian fanatic, aminin na mas hi-tech sila sa atin kung wala si Marian talo tayo sa kanila. Kasi karamihan sa mga edorsers ng mga commercials ay sa kanila be honest and sports manilaphils. pero mabuhay si MARIAN!!!!..........
weeeeeeeeee........
Baka ang network mo ang pang press release lang kc claim ng claim ng blockbuster movies, no. 1 sa national ratings, successful ek ek mga shows tapos talo sa neto sa kita.
Hindi magiging press release ang ==net income== dahil makikita yan sa FS ng company. As i said before at ulitin ko para matauhan ka na ==net income== para malaman kung liquid ang company ng cash. Kung kulang eh di mangutang. Kahit elementary alam ang ==gross== at ==net==. hahaha
Kaya ganun nalang kayo ka desperate tirahin si Marian dahl ang Darna talaga namang nangunguna sa mega manila.
hhehehehe
Darna fever! grabe! hanggang Japan!
Use ur coconut shell iha... bakit si Darna ba ang presidente ng pilipinas? Naku may pagka lukring ka talaga!... hi hi hi hi hi..... Ipasa ang economic problem kay Darna......
mgrd, where you? lumabas ka diyan..hahaha...gawa ka naman ng fiction story mo...hahahaha
Go DARNA! d best k
nadito ka pa rin??hahahahah
anong duty mo pala sa PEP...7 to 7? or 24/7...