"Sa lahat po ng mga taong nanood at tumatangkilik sa amin, sana po abangan niyo... bigla daw akong nag-promote!" natawa si Coco sa sarili, "...Kung Tayo'y Magkakalayo, sana po ma-achieve din namin kung anong na-achieve ng Tayong Dalawa."
"Maraming-maraming salamat po," pagtatapos ng talumpati ni Coco.
SHARING HIS AWARD WITH GERALD & JAKE. For the record, tumagal ng siyam na buwan sa himpapawid ang Tayong Dalawa. Bilang si Ramon, ang panganay sa tatlong anak na lalaki ni Cherry Pie Picache, mapanghamon ang naging papel ni Coco dahil siya ang nalihis ng landas at natutong lumaban maski sa kanyang mga kadugo at maging sa batas. For which he was rewarded with a best drama actor award mula sa PMPC.
After the ceremonies and the obligatory pictorial of winners, nag-stay pa si Coco para sa interview at snapshot requests from the press and fans. Tuwang-tuwa talaga si Coco nang gabing 'yon.
Kanino iniaalay ni Coco ang una niyang award sa telebisyon?
"Para sa family ko," aniya, "and then, yun nga, sabi ko, sa lahat ng mga katrabaho ko sa industriya, sa lahat ng mga kasamahan ko sa indie. Kasi kung hindi dahil sa kanila, I'm sure hindi ko mararating ito dahil dun ako nahubog."
Inamin ni Coco na hindi biro ang kaba na naramdaman niya, knowing na napakahuhusay rin ng mga aktor na kabilang sa nominees bilang Best Drama Actor—sina Gerald Anderson (Your Song Presents: My Only Hope), Christopher De Leon (Kahit Isang Saglit), Baron Geisler (SRO Cinemaserye Presents: Suspetsa), Albert Martinez (May Bukas Pa), Diether Ocampo (Iisa Pa Lamang) at Jericho Rosales (Kahit Isang Saglit).
"Actually, sobrang kabado ako. Hindi ko ine-expect. Hindi na ako umaasa. Happy na ako na nandito kami ni Mommy Gina. Nung nalaman namin na nominated kami pareho, kumbaga, gusto lang namin um-attend, e. Gusto lang namin maging proud para sa Tayong Dalawa," saad ng aktor.
Earlier that evening, magkakasama nga sa isang row ang mga kabilang sa cast ng Tayong Dalawa. With Coco and Gina were Gerald Anderson and Alessandra de Rossi. They were cheering as each cast member of Tayong Dalawa was called as nominee. At sport din silang pumalakpak when their series lost to May Bukas Pa as best primetime TV series. ABS-CBN drama series din naman ang nagwaging pinakamahusay.
When his name was called as winner, Coco was congratulated by Alessandra and Gerald. Both were happy for the victory of their co-actor. At magandang gesture ito ng pagsasamahan ng magkakasama sa Kapamilya network.
Sabi rin ni Coco, "Sa akin kasi, hindi ko iniisip yung popularity. Sa akin, everytime na lumalaban ako, dun ako lagi sa produkto na ginagawa ko... sa Tayong Dalawa. Basta naka-focus, pinagbutihan ko yung trabaho ko.
"Concerned din ako sa mga katrabaho ko, like kina Jake, kina Gerald. I'm sure, sila rin, deserving din sila na tumanggap ng trophy. Kumbaga, para sa amin ito."
Sa haba ng kanyang acceptance speech, nakakatuwang mayroon pa raw nakalimutan si Coco.
"Ang dami! Actually, gusto ko ngang pasalamatan yata ang buong mundo, e!" kuwelang banggit niya. "Pero dahil sa taranta ko, sobrang kaba ko, hindi ko na alam kung anong lumalabas sa bibig ko. Sobrang saya ang naghahalo."
FROM INDIES TO MAINSTREAM TV. Pagkakataon din ito na pasalamatan ni Coco ang mga taong naging bahagi ng mga pelikulang independent o indie features kung saan nagtamo siya ng mga parangal, na kadalasa'y hindi niya nadadaluhan ang mga seremonyas, tulad noong 2006 (Young Critics Circle Best Actor, para sa Masahista ni Brillante Mendoza) at nitong 2009 (Gawad Urian Best Supporting Actor, para sa Jay, ni Francis Xavier Pasion). Earlier this year, nanalo ring Best Supporting Actor si Coco, also for Jay, sa Golden Screen Awards ng Enpress.






Magaling na actor.. super!!
mas matangkad ba si Sarah kesa kay Coco?
true, kailangan magspeech workshop siya, kasi minsah may mga shi/sh sa words nya...
can't wait for ur agimat kaso baka next year pa...luv u RAMON!
Ang mejo napuna ko lang hndi ka masyado malinaw magsalita kasi parang kinakabahan ka or something. Cguro un ang dapat na ifocus mo ngaun. Anyway, CONGRATULATIONS!!
Congrats Coco!
LabYu!
sana inalay mo din ung tropeo sa anak mo... joke...
MAGALING MAGALING!!! yeah, sinusubaybayan nga namin ang tayong dalawa dahil sa kanila ni GINA PARENO, they are good as well as ALEXANDRA DE ROSSI