Veteran actress Gina Pareño was named Best Actress for her performance as Lola Gets in Tayong Dalawa at the 23rd Star Awards for TV. This is the second trophy for Ms. Gina from this award-giving body.

Photo: Enie Reyes

Si Gina Pareño, na kinagiliwan ng manonood as Lola Gets (o lolang bagets) ng defunct teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa, ang itinanghal na Best Drama Actress sa 23rd Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC). 

Hindi ito ang unang panalo ni Gina sa nasabing award-giving body. In 2007, she was the recipient of the Best Single Performance by an Actress award para sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya?, na idinirek ni Jeffrey Jeturian, who directed her in the internationally-acclaimed indie film Kubrador (2006).

Then and now, ganun pa rin kasaya at ka-excited ang veteran actress sa pagkilalang ipinagkakaloob sa kanya. Ever grateful ang aktres as she delivered her acceptance speech, bilang pinakatampok na actress awardee ng gabi.

"Nakakataba ng puso na tatanggap ka ng award, lalo na't nandito ka sa Pilipinas. Salamat po ng marami, Lord!" sambit niya sa dulo ng kanyang speech.

LOSING HER OWN IDENTITY FOR LOLA GETS. Tulad ni Coco Martin, na nanalong Best Drama Actor para rin sa Tayong Dalawa, most requested ng fans for snapshots and autographs nang gabing 'yon si Gina. Ganun na lang ang katuwaan ng mga nakasaksi na ang dalawang sinusubaybayan nilang artista ang nagwaging pinakamahusay para sa Tayong Dalawa

Muli, kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gina matapos ang pictorial niya, kasama ang iba pang winners sa 23rd Star Awards for TV.

"Nakakatuwa, kasi unang-una, si Coco nanalo! Love ko si Coco'ng manalo!" overwhelmed na wika ni Gina. "Second, nanalo ako. Kasi, sa Tayong Dalawa... Nine months binantayan ng tao 'yan, sinundan. So yung tatak kong Lola Gets... Hindi na Gina ang tawag sa akin, Lola Gets na. Haping-happy ako for that!"

Nagmarka na nga sa publiko ang pangalan at character ni Gina bilang mapagkandiling lola, na naging susi sa mapait na lihim ng pagkatao ng dalawang anak ni Cherry Pie Picache, bilang si Marlene, sa Amerikanong navy (portrayed by Miguel Faustmann, as Lt. David Garcia Sr.) na nadestino sa bansa.

"Hindi na nga ako tinatawag na Gina, wala nang natawag sa akin ng Gina," sabi pa ng beteranang aktres mula raw nang gampanan niya ang nasabing papel. "Grabe! Basta, pag nakita ako, 'Lola 'Gets! Tapos, may magsasabi pa, 'Si Gina ano ito... si Gina Alajar ba ito?"

Isa ito sa nakatutuwang experience ni Gina sa buong panahon ng paggawa o pagganap niya sa Tayong Dalawa. She didn't mind though kahit nawalan siya ng identity, in a way.

"Hayaan mo na. Ang sabi nga ni Sir Deo [Endrinal], 'Huwag kang masyadong maglalalabas. Patayin mo muna yung Lola Gets, kasi baka mag-airing tayo ng bagong soap, e, Lola Gets ka pa, hindi pumasok.'"

Ibig sabihin ni Endrinal, baka hindi mag-sink-in sa kamalayan ng manonood ang bagong character na gagampanan ni Gina sa bagong primetime drama series na Kung Tayo'y Magkakalayo, na malapit na ring isahimpapawid sa ABS-CBN.

"Si Coco Martin din ang apo ko dun," pagbanggit ng beteranang aktres.

Makakasama nina Gina at Coco sa Kung Tayo'y Magkakalayo sina Kirs Aquino, Kim Chiu, Gerald Anderson at Albert Martinez.