Tila nakakabit na ang pangalang Mark Herras sa young actress na si Ynna Asistio. Tulad na lamang sa press conference ng Sana Ngayong Pasko noong Martes, December 1, halos lahat ng mga tanong sa young actress ay may kinalaman kay Mark.
Isa na rito ang tanong kung ano ang naging reaksiyon niya at kung naapektuhan ba siya sa tsismis na kesyo may nabuntis daw na dancer si Mark. (CLICK HERE to read related story.)
"Hindi. Kasi po, noong malaman niya agad ang tsismis, itinawag na agad po niya sa akin at kay Mama [Nadia Montenegro]. Sinabi po niya na may lalabas na isyu. Kaya noong lumabas po sa TV, wala... Kaya okey na rin po na sinabi niya agad sa amin ni Mama," lahad ni Ynna sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Bakit may gano'ng move agad si Mark sa kanila ng mama niya? Kinakabahan ba si Mark na malaman nila ang isyu sa iba?
"Ewan ko. Siguro po kasi mas okey kami ngayon ni Mark kesa dati. Mas close, mas sobrang malapit po sa isa't isa," sagot ng dalaga.
May kasunduan na ba sila ni Mark na kung may isyu sa kanila ay ipapaalam muna nila sa isa't isa bago pa ito lumaki at malaman sa iba?
"Usapan po namin na sasabihin na po namin sa isa't isa bago pa lumaki ang isyu," sabi ni Ynna.
Tinanong ng PEP si Ynna kung ano ang reaction niya kapag sinasabi ni Mark na nakikita pa rin niya ang possibility na baka sa huli ay sila pa rin pala ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado ang magkatuluyan. Nagseselos ba siya?
"Wala, e," nakangiti niyang sabi. "Siguro kung kami, puwedeng meron. Pero hindi ako nagseselos kay Jennylyn. At saka, ano, e, sobrang naiintindihan namin ang isa't isa. Lalo na pagdating sa trabaho at pagdating sa personal life."
MUTUAL UNDERSTANDING. Pagkatapos ba ng debut niya naging "mas okay" sila ni Mark?
"No. After ng debut kasi, wala pa naman talagang official na sinasabi si Mark sa family or sa daddy ko na liligawan niya ako. Pero kami ni Mark, siguro po, nandun pa rin kami sa level na MU [mutual understanding]," paliwanag ni Ynna.
Ibig ba niyang sabihin ay nagkakaintindihan na sila ni Mark kung anuman ang feelings nila for each other?
"Opo," nakangiti niyang pag-amin. "Basta po yung sa amin lang ni Mark, okey kami. Okey kaming dalawa, pero hindi kami nagmamadali sa kahit na anong bagay."
Gaano na katagal yung paging "mas okay" nila ngayon?
"Nagsimula po yun after ng birthday ko. So, siguro po, mga three months po."






para lang kayong magkapatid ni mark!
ayusin ang LIFE!!!
NAG-STOP BA XA?
naku kayong mga fans, nakakasira kayo sa idolo ninyo. akala ninyo napapabuti dahil sa mga nega na pinagsasabi ninyo? you're acting like a bunch of immature teenyboppers.
hayaan ninyo kung gustong mag-artista. iniistorbo ba kayo? nanghingi ba sa inyo? KILALA BA NINYO SILA TALAGA PARA DIKTAHAN ANG MGA BUHAY NILA?
to aspiring artists, good luck to you all! wag lang gagamiting ang mga kapit kapit na kamag-anak gaya ng isa dyan...
you see girl .. without mark you're a nobody in showbiz!
and ang bata2 pa pero ang galing ng magsinungaling! .. tinuruan ng nanay e! ndi ba nadia? aminin!
check out her tweets sa twitter account nya w w w . twitter . com slash ynnaasistio
kse sa mga interview ni mark herras never nmn ata nya cnbing MU cla ni ynna. palagi nya nagng cnsbi busy cya e. ahahaha. no time for luvlyf. tpos etong girl n toh.. ynna asistio.. ang tanging nagsasabi n may sumthing sknila ni mark.. kung MU nga kau.. dapt pareho ung cnsbi nyo.. pro hnd e.. wlng connect..
so halata masyado na ung girl ang tlgang may gus2 ng sobra2 kay mark. and mark prng napi2litan lng cya bcoz asistio ang family nung girl.. :
She's like a kanto girl na mabigyan lang ng atensiyon eh ipagsisgawan na may gusto sa kanya...
masyado rin siya taklesa. hindi naman maganda, nag-fefeeling lang.
khit n my anak n c jen lalo cya gumanda at sexy..hot mama...