Nilinaw ni StarStruck V finalist Enzo Pineda na hindi siya gumamit ng koneksiyon para makapasa sa auditions at makapasok sa reality-based artista search ng GMA-7. Bilang anak kasi ni Eric Pineda, business manager ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, ay posibleng gawing issue ito kontra sa kanya. Pero sinabi niya na dumaan siya sa proseso at hirap, katulad ng pinagdaanan ng iba pang finalists.
"Pumila po talaga ako during the last audition day. Pero siguro dahil last day na nga kaya konti na lang po yung nag-o-audition. Pumila po ako ng 11 ng umaga, then mga 11:30 po nasa loob na ako. Gabi na rin po nung matapos kami," paliwanag ng 19-year old na si Enzo nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press launch and presentation ng StarStruck V Final 14 last November 30 sa Studio 5 ng GMA Network.
Suportado naman daw ng daddy niya at ng buong family niya ang pagpasok niya sa StarStruck. Sa tingin niya ba, may advantage siya na tatay niya si Eric Pineda at close siya kay Pacquiao ngayong finalist na siya sa StarStruck?
"For me po, hindi, kasi I also want to create my own identity. Kasi pangarap ko po talaga ito at ayoko pong gumamit ng any way para makapasok. Gusto ko po sariling sikap po. Gusto ko ring makita kung bibilib din ang mga tao sa akin," sabi ni Enzo.
KUYA MANNY. Ayon kay Enzo, 16 years old daw siya nang una niyang makilala si Pacquiao. Nakasama na rin daw niya ito sa ilang parties at events. Kumusta naman ang pakikipag-meet niya kay Manny?
"Siyempre, matagal ko na ring nakikita si Kuya Manny. Sobrang bait po niya. Para po siyang part ng barkada dahil marunong po siyang makitungo sa mga tao."
Biniro naman ng PEP si Enzo kung personally ay nabigyan na ba siya ng balato ni Manny?
"Ay, hindi pa po," nahihiyang sagot ni Enzo. "Pero ang pakikipagkaibigan po ni Kuya Manny sa akin sobrang okay na po yun."
Hihingi ba siya ng tulong kay Manny para dumami ang boto niya?
"Sana po tulungan po ako ni Kuya Manny at ni Ate Jinkee, sila po mismo ang magbo-vote sa akin. Pero para sa akin po, hindi po ako hihingi ng tulong. Baka kasi sabihin ng mga tao ay ginagamit ko lang si Kuya Manny. Ayoko pong mangyari yun. Pero sobrang nakaka-touch po kung kusa po nila akong tutulungan," ani Enzo.
TOUGHEST COMPETITOR. Umasa ba siyang makakasama siya sa Final 14?
"For me, of course, mahirap sabihin na ine-expect, pero gusto ko po talaga. I'm here, I feel so blessed na nakarating ako rito sa Top 14. Hindi ko talaga ine-expect, pero siguro dahil sa hardwork ko at talent ko na rin also."
Itinuturing niyang toughest competitor among the boys ng StarStruck V si Sef Cadayona.
"Si Sef po ang mahigpit kong kalaban dito, kahit best friend ko po siya dito... pero dahil magaling siyang sumayaw at saka umarte. Marami na rin po siyang experience, lalo na sa commercials."
Ano sa tingin niya yung puwede niyang ilaban kay Sef?






kahit nung first season nyo ng pbb di kayo nakaungos sa katapat nyo......partida canned korea novelajewel in the palace katapat nyo pero talo pa din kayo kahit din nung second season nyo katapat nyo din canned korea novelajumong wala pa din kayong binatbat, at this time alam nyong makakatapat din kayo ng SPP ano ginawa nyo nag double up kuno kayo....
swerte nyo lang at maaga natapos ang SPP kung hindi until now kalaboso kayo..
GO ENZO! ENZOPPORTERS rules!
mabuhay SS! mabuhay kapuso!
ENZO ENZO!
goodluck and always smile! hahahaha
ENZO! ENZO! ENZO!
SARAH
PRINCESS
NINA
ang ok!!