Kumalat ngayong araw, December 4, ang balitang nagtangka diumanong magpakamatay muli si Hayden Kho, ang kontrobersiyal na "ex-boyfriend" ng cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo. Ayon pa sa natanggap na report ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang umaga, sa isang undisclosed hospital sa Tagaytay, Cavite, raw naka-confine si Hayden.
Upang kumpirmahin ang balita, nagtanung-tanong ang PEP sa ilang mga taong malalapit o may kaugnayan kina Hayden at Dra. Belo. Pero halos lahat sila ay ayaw magsalita. Ang iba sa kanila ay hindi sinasagot ang aming mga tawag o nakapatay ang kanilang mga cellphone.
Sa pangangalap namin ng impormasyon, may mga nakapagbigay ng ilang maliliit na detalye ngunit hiniling nilang huwag ipabanggit ang kanilang mga pangalan. May nagsabi sa PEP na posibleng hindi sa Tagaytay naka-confine si Hayden kundi sa Sta. Rosa, Laguna. Ayon sa source, may TV crew raw ng primetime show sa isang malaking network ang nakatisod ng impormasyong ito.
Isang anggulo rin na galing sa isa pang source ang nagsabing matinding depression daw ang nagtulak kay Hayden para uminom ng pills, at magmaneho patungong Tagaytay, kung saan nakabangga umano siya ng isang puno. Ito raw ang dahilan ng kanyang pagkaka-ospital.
Ayon naman sa isa pang nakausap namin, ang balitang naospital si Hayden ay naitala raw sa police report ng Tagaytay Police, pero hindi malinaw kung ano nga ba ang dahilan. May nagsasabi rin kasi na nasangkot sa isang vehicular accident ang cosmetic surgeon na kamakailan ay tinanggalan ng lisensiya ng Philippine Regulation Commission (PRC).
Inilabas ng PEP ang usap-usapan tungkol sa umano'y pagtatangka pagpapakamatay ni Hayden sa PEP Alerts pasadong alas-otso ngayong gabi, habang kumukuha pa kami ng karagdagang impormasyon.
STATEMENT FROM MANILA DOCTORS HOSPITAL. Sinubukan din ng PEP na kontakin ang legal counsel ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan ng Kapunan Lotilla Garcia & Castillo Law Offices.
Sa pamamagitan ng text message na ipinadala ng PEP managing editor na si Karen Pagsolingan kaninang 9:07 p.m., tinanong namin si Atty. Kapunan kung may statement silang ilalabas kaugnay ng kumakalat na balita na muling nag-suicide attempt daw si Hayden.
Pagkalipas ng halos isang oras—10:05 p.m., to be exact—ay nakatanggap ng kasagutan ang PEP mula sa abugado ni Hayden. Subalit idinagdag sa dulo ng statement ang "From Manila Doctors Hospital," na nasa U.N. Avenue, Ermita, Manila.
Narito ang kabuuan ng text message:
"Dr. Hayden Kho, Jr. was admitted to this hospital very early this morning [December 4]. He was running a very high fever and was throwing up with severe abdominal pains.
"Initial impression is that he is suffering from intestinal flu, although stress-induced gastric ulcer is also being considered.
"The Kho family is requesting for privacy. No visitors are allowed at this time.
"He was admitted under the care of his father, Dr. Hayden Kho."
Bukod dito ay wala nang karagdagang impormasyong ibinigay si Atty. Kapunan sa PEP, o kung ano ang dahilan ng pagsusuka at pananakit ng sikmura ni Hayden.






Part na ito siguro ng kanyang publicity para makakuha ng simpatya sa tao.
Di ko sinasabing tama ginawa ni hayden kasi mali yun at maling mali talaga lalo na without the consent nung mga babae kaso give him a break nawala na nga lisensya ng tao, ilang years din naman nya pinaghirapan yun ano pa ba gusto nila mamatay siya? sobra naman yun nakapag move on na nga yung mga biktima yung isa nga ginamit pa yung scandal para lalo siyang sumikat kaya tantanan na siya.