Halos tatlumpung artista na ang nabigyan ng sariling star sa Walk of Fame sa Eastwood, Libis, Quezon City. Isa itong inisyatibo ng Master Showman na si German Moreno upang parangalan ang mga artistang malaki ang naging kontribusyon sa mundo ng Philippine showbiz. Isa na rito ay ang namayapang Master Rapper na si Francis Magalona.
Pero mismo ang biyuda raw ni Francis M na si Pia Arroyo-Magalona ang tumanggi na maging bahagi ng Walk of Fame ang asawa niya.
Nang makausap ng Startalk si Kuya Germs tungkol dito, ito ang kanyang sinabi:
"I tried so many times calling her sa cellphone. Pero ayaw niyang sumagot. Hindi niya sinasagot. Pero with other people, sumasagot siya. At saka, meron pang nakarating sa akin na hindi raw siya naniniwala na hiling ni Francis yun.
"My God, yun ba, e, gagawin ko pang sinungaling ako sa bagay na yun?"
DAD'S LAST WORDS. Nang makausap naman ng Startalk ang anak ni Francis na si Maxene Magalona, ito naman ang nalaman sa kanya: "Aaminin ko sa inyo, it's my dad who wanted na hindi na siya masali dun.
"When he was still alive, he said in passing na, 'Okey lang sa akin kahit hindi ako masali diyan.'"
Pero ayon kay German, "Twice niyang hiningi sa akin yun at sabi ko naman sa kanya, time will come, 'kako na ganyan. Pero hindi ko ini-expect na sa ganung maagang panahon, babawian ng buhay si Francis."
As for Maxene, hindi na rin daw niya gustong ibigay pa ang naturang parangal para sa ama.
"Personally, I don't like the idea na i-include siya ro'n when he has already passed away. Sana binigay yun noon pa, noong nakita man lang niya or something like that. Pero now that he has already gone and he doesn't have a say on it anymore, and the last thing that he said to us is that he doesn't want to be included in the Walk of Fame anymore, yun ang nirerespeto namin."






Kuya Germs should just respect the family decision. I heard him on his dzbb afternoon program lagi niya pang binabanggit tong issue na to, while said her piece once and that's it.
archeryrich
oo tama ka. hindi kasi natin bibibigyang halaga yung nakaraan natin. ang pinoy , sana mali ako, nakatingin lang sa ngayon. wala nang paki sa noon at bukas.
Basta aq naniniwla na Francis left his own legacy khit pa wla ang name nya jan sa Walk of Fame na yan.Francis will always be remembered as someone who made some Filipinos feel na cool maging Pinoy and astig ang maging nationalistic.
Ikaw nman Kuya Germs wag ka na mag-inarte jan,ang dami mong nilagay jan na di nman deserving eh tapos c Francis pinag-isipan mu pa,ano ba nman yun.
swiper
Ang problema kasi,hindi naman kinikilala ng madlang people yang walk of fame ni Kuya Germs unlike sa U.S na sobrang big deal. Baka years from now,magkibit balikat lang ang tao kapag tinanong mo sila ng tungkol sa walk of fame na yan.
If they dont want francis m to be remembered 50 years from now , it's not the entertainment indrustries loss. it is a loss to francis m's apo-apohan later.
i foresee sometime down the road maxenes grandchildren saying bakit hindi sinama yung great lolo nila na si FM pero yung great-great lolo at lola nandun.
sa totoo lang... mga marian fans don't get me wrong ha... pero hindi pa sya ganun katagal sa showbiz to get such kind of walk of fame whatever chuva... same with kc...
just means na itong walk of fame ni ate germs eh walang standard basta gusto nyang ilagay go! hayzz....
our walk of fame is nothing! compared sa walk of fame ng hollywood... kasi dun.. talagang dapat may narating ka muna bago ka magkaroon ng star... hindi tulad satin palakasan at favoritism
respetuhin na alng ang family ng naiwan wala naman kasing karangalan na maibibigay ang walk of fame ni GM kc nga sya lang ang pumipili theres no certain criteria para mailagay name mo doon basta favorite ka ni german oks na meron ka ng name sa GM favorite walk of flame este fame.