Joanne admits being in Cubao on the day she and Joey Marquez were sighted at the Gateway Mall, but she denies they were holding hands: "Nakita niyo ba?" she laughingly asked. Insets show Joanne taking photos of Sarah Geronimo's Record Breaker concert at the Araneta Coliseum that night.

 

Photo: Noel Orsal

Nagsalita na ang aktres at dating beauty queen na si Joanne Quintas tungkol sa larawang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kung saan tila magkahawak-kamay sila ni Joey Marquez pababa ng basement parking area ng Gateway Mall sa Cubao, Quezon City noong November 7.

Ayon kay Joanne, "Ito kasi ang first ko na magpapa-interview. Gusto ko lang din iklaro na first and last ko na 'to kasi dapat pag-usapan. Ako talaga yung nandoon, oo. Kasi, may shoot talaga po ako ng Sarah Geronimo."

Concert noong gabing yun sa Araneta Coliseum ng Pop Princess Sarah Geronimo na Record Breaker.

"Tapos, nagtatrabaho po kasi ako," patuloy ni Joanne. "Iba po kasi ang trabaho ko. Kapag hindi sa camera, behind the camera po ako. Makeup artist po ako. So, si Mayor [Joey, who will run again for mayor in Parañaque], ini-hire ako para gawin yung pang-campaign niya, publicity photo niya. Pero totoong  ako yun.

"Nagtatrabaho po ako sa Shu Uemura, yung makeup company. Kung hindi naman po doon, dun naman po ako sa salon at hairdresser ako. So, yun po, wala po akong oras mag-date! Ha ha ha! At bakit naman ako sa Gateway magdi-date? Tsong, ano ka ba?  At saka hindi naman kami nag-holding hands, nakita niyo ba?" natatawa pa niyang sabi.

BUSINESS PARTNER. Balitang hiwalay na si Joanne sa businessman husband niyang si Domini Primero. May tatlo silang anak.

"Malapit na ang Pasko. Tatlo ang anak ko. GMA, bigyan niyo naman ako ng soap, o, para hindi ako matsismis kay Tsong, o," sabi pa ni Joanne.

Last November 14 sa Startalk ay itinanggi ni Joey na siya ang kasama at ka-holding hands ni Joanne sa mall. Ayon dito, nasa taping daw siya ng Celebrity Duets noong panahong 'yon.

Sa hiwalay na panayam sa SNN: Showbiz News Ngayon naman, sinabi ni Joey na business partner lang sila ni Joanne.