Witnesses corroborate reported suicide attempt of Hayden Kho

Jojo Gabinete
Sunday, December 06, 2009 @ 03:28PM  |  73785 views

Two witnesses say they found Dr. Hayden Kho, Jr. at a pineapple plantation in Silang, Cavite on the night of December 3. According to them, Hayden repeatedly said the following: "Pakisabi kay Vicks na mahal na mahal ko siya" and "Walang nagmamahal sa akin"

Photo By: Noel Orsal













Nang lapitan nina Andrew at Rudy si Hayden, nagsalita raw ito na huwag na siyang tulungan dahil nagpaalam na siya sa Diyos. "Pakisabi kay Vicks na mahal na mahal ko siya," at "Walang nagmamahal sa akin," ang ilan pa sa mga binitiwang salita ng umiiyak na si Hayden.

Posibleng ang "Vicks" na tinutukoy ni Hayden ay ang kanyang ex-girlfriend na si Dra. Vicki Belo.

Nang lapitan nina Rudy at Andrew si Hayden para tulungan, nagtangka raw tumalilis ang problemadong doktor, pero wala siyang nagawa. Si Rudy ang nag-report sa police station tungkol sa kanilang mga nasaksihan.

Sa interview sa kanila ng Showbiz Central staff, sinabi ng mga saksi na siguradong may masamang nangyari kung hindi nila narinig ang mga ungol ni Hayden. Bukod sa napakadilim ng taniman ng pinya, hiwa-hiwalay na raw ang mga daliri ni Hayden dahil sa sobrang paninigas nang matagpuan nila.

Sinabi ni Rudy na naibalik nila kay Hayden ang lahat ng mga gamit nito. Itinanggi rin ng saksi ang balita na nagkaroon ng vehicular accident si Hayden sa Silang, Cavite. Kusa raw bumaba ng sasakyan si Hayden at naglakad papunta sa madilim na pineapple plantation.

Tatlong ospital ang pinagdalhan kay Hayden. Isinugod muna siya sa Estrella Hospital sa Silang, Cavite, inilipat sa De La Salle University Medical Center sa Dasmariñas, Cavite, at saka dinala sa Manila Doctor's Hospital sa UN Avenue, Manila.

Resident doctor sa Manila Doctor's Hospital ang ama ni Hayden na si Dr. Hayden Kho Sr.

« Prev  1  2  

Related Articles

233 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name