Bago ang balitang muling pagtatangkang magpakamatay ni Hayden Kho, nakapanayam muna siya ni Korina Sanchez sa Rated K ng ABS-CBN na ipinalabas kahapon, December 6. Naging sentro ng usapan nila ang pag-revoke ng Philippine Regulation Commission (PRC) ng kanyang lisensiya bilang doktor.
Sa segment na "Kapatawaran" para sa pre-Christmas episode ng naturang TV show, ayon kay Korina, ang dasal ni Hayden ngayong Kapaskuhan ay mapatawad na siya ng mga taong kanyang nasaktan.
Nang ma-revoke ang kanyang lisensya ay nawala sa limelight si Hayden. Ito agad ang inalam ni Korina sa kanya.
"Sinadya ko talaga na umiwas muna sa TV. Kasi para sa akin, hindi talaga ako para sa TV. Parang I decided to stay away from the lenses," umpisang pahayag ni Hayden.
Matapos makapagtapos ng medisina sa University of Santo Tomas, nagkaroon ng kaugnayan sa sikat na cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo si Hayden. Eventually, nauwi 'yon sa isang romantic relationship. Kahit practicing doctor na si Hayden, naging modelo rin siya, hanggang pinasok na rin niya ang showbiz
"Nagustuhan ko siya [showbiz], pero parang hindi naging maganda para sa akin. It's an experience I don't regret, e. At one point in our life, we have to try something we haven't tried before," aniya.
Pero dahil sa kanyang pagkakamali at matinding kontrobersiyang dulot ng pagkalat ng kanyang sex videos, natigil ang showbiz career ni Hayden. At ayon sa doktor, halos humantong sa pagpapatiwakal ang pagsisisi niya sa nagawang kamalian.
"It's always going to the suicide aspect," sabi niya. "I did that before. I don't know what happened. Pag-open ko ng mata ko, floors and lamp lang nakita ko. I felt so low. I felt so hopeless."
At para makalimutan ni Hayden ang masaklap na nangyari sa kanyang buhay, humanap daw siya ng mga bagay na mapagkakaabalahan.
"I enrolled in Mandarin class. I enrolled in culinary class. I enrolled in MBA [Masters in Business Administration]," pahayag ni Hayden.
Nagbukas din ng isang bar ang doktor na tinawag niyang "The Lounge."
Hangad din daw ni Hayden na sa mga bago niyang pinagkakaabalahan ay makapagsimula na rin siya ng bagong buhay. "Alam naman natin na ang simula ng bagong buhay, tayo naman ang gumagawa, e," aniya pa.
Pero muling dumating ang isa pang dagok sa buhay at propesyon ni Hayden nang tanggalan siya ng lisensya bilang doktor ng Professional Regulation Commission (PRC).
"I am really hoping that they will just suspend me because pinaghirapan... alam naman nila 'yan, doktor din kasi sila, e. And what happened to me and in my personal life, it has nothing to do with my practice of medicine," ani Hayden.
Sa tanong ni Korina kung kailangang pakiusapan ni Hayden ang PRC para mabawi ang kanyang lisensya, sagot ng doktor, "Sa tingin ko, laban 'to. Pinaghirapan mo 'yan, kaya ipaglalaban mo 'yan."





Ibang klase, gumugulong at sabay ungol, sabay pamamaalam sa phone sabay hampas ng dahon ng pinya sa mukha, sabay iyak sabay sagot sa cell Habang nangyayari etong lahat sa napili niyang pinyahang momolestihayin at gagawing self-dedo scene and wea-pon. Kahit si San Pedro kung natuluyan siya eh mapapabilib sa originality. :D
Hahahaha... tawa ako ng tawa sa comment mo, na siguro HATE NIYA LANG
ANG PINYA. Inaaway ang kadahunan ng pinya, LOL.
Kaya siguro tutoo ang sabi ng abogado niya, na walang suicide attempt. Hindi ko lang alam kung papaanong INTESTINAL FLU, iyong paggulong gulong niya sa pinyahan. Iyon ba ang epekto ng INTESTINAL FLU. We do not want to drive someone over the edge. I think, he already did that, drove himself over the edge. Drove to Cavite, and rolled over pineapples.
- abt some problematic socialization. Nakakaawa mga taong nabiktima niya, tapos pamilya niya, pati na nga rin si Lola Viki sa shame at headache na dulot ng mga escapades ng sobrang narcissistic at selfish na behaviour niya noon, ang mga babaeng over and over na pinagpipyestahan online at pati na rin siya kasi nalaman ng world na little lang ang kanya tapos mahilig siya ke George Michael. :D Grabe, Circus. This is the kind of tragic trash storylines the US has people feasting on i.e. Jerry Springer. Kaya dapat makinig sa Lola, wag masutil, simple rule. AT ang pinyahan, kung di ka tatalon mula sa puno ng niyog at maglanding sa pinyahan, di segurado na papatayin ka. Matutusok ka lang ng sobra sobra o mababalian. :D
Dami diskurso pero stuck pa rin ako sa napili niyang paraan para madedo. Death by Pinya. gt;=D
Hehehehe...hahahaha...Doc pa naman naturingan tsaka ang dami naman proven ways of ending one's life. Naku, hindi yun 'meant', nagpapapansin lang either for emotional blackmail, PR stunt o talagang hate niya lang ang pinya.
Grabe iniisip ko yung reaction nung nakakita sa kanya - ibang klaseng sight seguro yun. Isang lalaking duguan na nagbabye sa cell tapos umiiyak at inaaway ang kadahunan ng pinya. Sabi ng lola ko kahit gumulong gulong ka pa sa pinyahan ng isang linggo, hindi ganun kadali mamatay dun, masasaktan ka lang. Kabaliwan yun. Paano niya kaya naiisip na dun niya gawin yung deed? Biglang dinaanan niya ang pinyahan tapos biglang naiisip - quot;Ah, tama, nakakamatay ang pag gulong sa pinyahan.quot; I can't wrap my head around it. Dude needs a self hugging jacket and some serious mental intervention. As for his previous behaviour - that just speaks
mckitty
I think hindi ka aware na nagkaroon ng malpractice issue si Hayden na ni-lipo niya dati,nagkaproblema yung ni-lipo niya,eh hindi pa pala siya dapat maglipo that time,something to that effect. Pinagtakpan lang ni Belo yung issue,tapos nabungkal lang nung lumabas na yung siksbedyo niya.
Now that people see you are weak, how could you be a good doctor?
It's good you are taking different alternatives like getting your MBA.
That's good, focus on that!!!!
to prc, please do not allow hayden to practice medicine again. protektahan dapat ang mga pasyente. huwag nang ibalik kay hayden ang medical license niya.
kung drama lang ni hayden iyang pagpapakamatay niya, kasi nga as a doctor, alam niya kung paanong mamatay agad pero hindi pa rin niya pinapatay ang sarili niya, ipasok na lang iyan sa bilibid at nang mapagbayaran niya nang husto ang mga ginawa niya sa mga babaeng trinaydor niya.
second chance? yes, pero ikulong muna siya - sa mental o sa bilibid.